Chapter 32

44 1 30
                                    

(A/N): After two months! WOOOOOH! I feel so proud of myself and at the same time sorry sa mga naghintay. Here's my ud~!

---

"Guys, I need contributions para sa pagpapa-print natin", I announced to our group habang hinihintay ng klase ang prof namin for the Economics subject.

"How much do you need? Ako na lang magbibigay", Myungsoo suggested at akmang kukuha na ng pera sa wallet niya but I refused.

"No, let's all contribute para patas. Alam kong lahat kayo mayayaman--"

"Nagsalita ang hindi--"

"Shut up, Sehun. Basta, bigay na kayo kahit tig-100 para sa bond papers at printing ng thesis paper natin." Tumango sila bilang pagsang-ayon at nagsimulang magkuhaan ng wallet nang may mapansin ako.

"Ikaw, nasaan ang contribution mo?", tanong ko kay Chanyeol na busy sa paglalaro ng games sa phone niya.

"Wala akong pera ngayon dito."

"So hindi ka magbabayad, ganun?"

"Wala nga akong perang dala, Jae", ulit niya habang titig na titig sa phone. That kinda pissed me off. Ang lalaking 'to talaga..

"Oh edi akin na 'yang relo mo para maibenta", I said while collecting my groupmates' contributions. Napatigil siya sa paglalaro at nag-angat ng tingin sa'kin. He looked somehow confused and shocked.

"Huh?"

"'Wala ka kamong pera diba? Isama na natin 'yang sapatos mo, Nike yan. Pati na rin yang T-shirt mo, Adidas yan diba?", I pointed. He looked flustered and taken a back, di niya siguro inasahan yun. Tinawanan tuloy siya ni Sehun at ni Kriane habang nginisihan naman siya ni Myungsoo. Chanyeol was actually glaring at me habang nakalahad ang kamay ko sa kanya at nakangisi, pretending that I'm waiting for him to give me his things. But really, I was trying to mess around. Hindi kasi siya nakikinig sa discussion namin dito kasi nga busy sa paglalaro. I was about to stop and shrug it off kaso bigla siyang ngumisi sakin at tumayo sa harap ko.

"Oh, hubarin mo." Nanlaki bigla ang mata ko sa sinabi niya.

"A-Ano?"

"Ibebenta mo kamo, diba? Hubarin mo sakin", hamon niya sakin, taking my free hand to grip on the hem of his shirt. Napalunok ako ng wala sa oras as I looked at him with a scandalized expression.

"Gusto mo damay mo na rin 'tong boxers ko. Bago yan. Huhubarin mo nga lang", pagyayabang niya, taking another step closer to me. Naramdaman kong nag-init ng husto ang pisngi ko sa sinabi niya kaya nag-iwas ako ng tingin at bumitaw mula sa kanya.

"Hayaan m-mo na nga lang! B-Basta magbigay ka!", I dismissed at lumayo ng isang malaking hakbang mula sa kanya. He shrugged and went back to his seat with a victorious smile on his handsome face para ipagpatuloy ang nilalaro niya. Kainis, I lost to him.

---

"Aish. Pang-limang papel na natin 'to ah! Bakit hindi pa rin niya tanggapin na lang?", ungot ni Sehun pagkalabas namin ng classroom. Lahat kami napabuntong-hininga habang mabagal na naglalakad sa hallway kasabay ang ilang estudyanteng kasama naming nagpa-check ng paper. Katatapos lang namin makipag-usap sa prof namin as we attempted to pass our paper for the fifth time this week kaso as usual, failed pa rin.

"Let's just call it a day, then. Magkita-kita na lang ulit tayo bukas para tapusin 'to." They all nodded in agreement at saka sila nagkanya-kanyang alis. Instead of going straight ahead like what everybody does, tumalikod ako at naglakad papunta sa ibang direksyon.

Only MINE [Chanyeol Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon