Chapter 25

90 4 19
                                    

(A/N): Happy Holidays!! ^~^

-----


[Third Persons P.O.V.]

Hingal na napaluhod si Chanyeol sa putikan, pawis na pawis at sobrang pagod. Hindi rin nakakatulong ang tirik na tirik na araw sa kalangitan para gumaan ang pakiramdam niya. Napaangat siya ng tingin nang marinig niyang may tumawag sa pangalan niya.

"Tired already? You haven't even reached half!", puna ni Joongki na nasa silong sa di kalayuan habang nakangiti ito sa kanya na parang nang-aasar

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tired already? You haven't even reached half!", puna ni Joongki na nasa silong sa di kalayuan habang nakangiti ito sa kanya na parang nang-aasar. Umiling si Chanyeol at muling tumayo ng tuwid.

"No, I'm not! Just checking the condition of the mud!", pagdadahilan ni Chanyeol na lalong ikinalapad ng ngiti ni Joongki. Umismid muna si Chanyeol sa kanya bago muling naglakad at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

"Nakasisiguro ka bang hindi hihimatayin ang binatang 'yan dyan sa gitna?", tanong ng isang matanda na nasa tabi ni Joongki. Natawa si Joongki at inakbayan ang matanda.

"He'll be alright, Mang Pedro. Ayaw nyo nun, nakapagpahinga kayo kahit isang araw pero may gumagawa naman ng trabaho niyo? Just relax, manong. That guy will be fine", pagsisiguro ni Joongki. Napailing naman sa kanya ang matanda.

"Eh bakit mo nga ba pinagagawa yan sa kanya?" Napangiwi ang matanda nang biglang naglakad ng mabilis ang kalabaw dahilan para makaladkad si Chanyeol at masubsob sa putikan.

"It's for Jaehee", sagot ni Joongki habang nagtataas-baba ng kanyang mga kilay.

"Kamusta na nga pala ang prinsesa? Paniguradong ang laki na niya at napakaganda", puri ng matanda. Tumango naman si Joongki at muling ibinalik ang atensyon kay Chanyeol ba kasalukuyang inaaway ang kalabaw.

"Yeah, she is. Malaki na nga siya kaya ayan, kasal na sa lalaking yan. And I have a feeling that she's starting to fall for him."

"Ayaw mo ba sa kanya?" Napatingin muli si Joongki sa matanda na nakangiti sa kanya. "Natural na sa tao ang magmahal lalo na't sinabi mo sa'kin na kasal na sila ng prinsesa."

"But they barely know each other. Hindi nga nila kilala ang isa't-isa nung ikinasal sila!", pagdadahilan naman ni Joongki sa matanda na nailing lang sa kanya.

"Hindi naman nangangailangan ang puso na kilalanin ang pagkatao ng isang tao; kung saan siya galing, anong nakaraan niya o kung ano man ang mga hilig at ayaw niya para lang masabi mo na pwede siyang mahalin o hindi", pangaral ni Mang Pedro na ikinatahimik ni Joongki. Tinapik siya ng matanda sa balikat para makuha ang atensyon niya.

"Maya-maya'y patigilin mo na ang binatang yan at papasukin sa loob. Magpapahain na ako para makakain na tayo ng tanghalian." Tumango lamang si Joongki bilang pagtugon. Matapos ang ilang minutong katahimikan, ngumiti si Joongki sa kanyang sarili bago napagdesisyunang tawagin na si Chanyeol para magtanghalian.



Only MINE [Chanyeol Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon