"Ate, paload nga po ng 30 sa number ko."
"Sige Sienna,send ko nalang."
**Zzzzt Zzzzt** (cp vibration)
"Ok na po ate Ning."
Umuwi na ko pagkatapos kong magpaload. Paano ba naman, tinext ako ng mga bestfriends ko na kapag hindi ako nagtext sa kanila, ibibigay nila ang number ko kay Crisostomo. Yung classmate namin na nerd na stalk ng stalk sakin. Kaya NO CHOICE ako. Hindi pa naman ako pala-text. Nagpapaload lang ako pag kailangan talaga. At dahil nasa panganib ang number ko, nagpaload na ako.
*Zzzzt Zzzzt*
From: Gaile
Message: Hoy babae! Ayaw mo talagang magtext ha! Ibibigay ko na kay Crisostomo number mo! xp
Hahaha.
**Zzzzt Zzzzt**
From: Kyla
Message: Hi Sienna! Nandito ako ngayon sa bahay nila Crisostomo baby! At kinukulit niya ko na ibigay ko na daw yung number mo. >:) Text mo na kami ni Gaile dali! Ang dami naming chika.
At yan na nga.. Nagsimula na ang pambabanta ng bestfriends ko. Hayyst!
Maitext na nga..
To: Gaile,Kyla
Message: Tama na nga yang Crisostomo na yan! Subukan niyo lang ibigay yung number ko dyan at ipopost ko sa fb yung mga stolen shots niyo! bwahaha >:)
Akala nila ha, sila lang may panakot. Siyempre ako din :) Hahaha.
**Zzzzt Zzzzt**
From: Kyla
Message: Yun! nagpaload ka din! Muntik ko nang ibigay kay Baby Crisostomo mo yung number mo. Nyahaha!
To: Kyla
Message: Aha! Baka ikaw ang may gusto diyan kay Cris. Mag 7pm na pero magkasama padin kayo. Yiehh <3
**Zzzzt zzzzt**
From: Kyla
Message: Yuck! FYI. kaya ako nandito sa bahay ni baby Cris, dahil lang sa lechugas na report. Partner kasi kami noh. Buti nalang at matalino. Hahaha
Oo nga pala! may reporting kami sa lunes. Muntik ko nang makalimutan. Pero okay lang, partner ko naman si Gaile eh.
**Toktok**
"Pasok!" sigaw ko.
"Naka-lock yung pinto gaga! Buksan mo nga! Kakatok ba ko kung bukas?! bobo ka talaga Sienna!"
Binuksan ko na yung pinto ng kwarto ko. Pucha! Ang ingay ni Gaile!
"May pa-lock lock ka pang nalalaman. Kastress ka Sienna! Di mo sinabing may reporting pala tayo sa lunes! pa-fb muna ha." sabi ni Gaile sabay tapat agad ang mukha sa laptop ko.
"Ngayon ko lang naalala! Hayst."
sabi ko sabay talon sa kama kung san naglalaptop si Gaile.
"Bukas na tayo gumawa ha. Sabado naman bukas. Oa talaga nila Kyla at ni Cris mo. Ang aga gumawa ng report. Palibhasa ang nerd eh! Hahahaha!" mapanlait talaga tong taong to kahit kailan. Hahaha.
"Paano tayo gagawa ng report
neto Gaile? ang tamad mo pa naman! Hayst!" Panlalait ko. xD
"Leche Sienna, tigilan mo ko ha! Pareho lang tayong tamad! Hahaha, pagawa nalang kasi tayo kay Cris. patay na patay naman yun sayo eh. Hahaha"
Loka talaga tong babaeng to. Hay, bahala na nga bukas.
"Sienna! tignan mo to oh! ang pogi niya! <3_____<3" sabay turo sa screen ng laptop.
Tinignan ko naman agad. Gwapo nga, pero mukhang masungit.
"Mukhang masungit naman yan." pangongontra ko kay Gaile.
"Sabagay. Pero kahit na! ang pogi niya padin. Palibhasa yung mga type mo mga mukhang Crisostomo! xD"
Hay. Lahat nalang ng sasabihin nila puro Crisostomo. Nakakainis pa naman yung taong yun. Lahat nalang ng tungkol sakin inaalam. Daig pa niya si Detective Conan eh.
Ultimo tatak ng ballpen ko, pati yung ginagamit kong toothpaste inalam niya. Kaya ang kinakatakot ko ngayon, ay baka makuha niya yung number ko. Tapos itetext ako ng kung anu-ano.
Ayoko pa naman sa lahat yung mga taong nagtetext tapos pag tinanong mo naman kung sino sila lolokohin ka lang.. TSS.