WTH?!

206 3 1
                                    

Sean's POV

After naming magchurch, humiwalay na sa amin ni Gaile si Sienna at si Kyla.

Solo ko na ulit si Gaile ^___^

Medyo tahimik ang paligid. Saan ko kaya siya yayayain? Hmm, sa Sbarro kaya?

"Hmm, Gaile. Kain muna tayo?" simula ko.

"Sure!" nakangiti naman niyang sagot.

[Sbarro]

Kaharap ko si Gaile ngayon. Ang sarap niyang titigan habang kumakain :) Lalo tuloy akong naiinlove sa kanya.

Chineck ko muna yung cellphone ko. Nagulat naman ako. May limang missed calls galing kay Jarence.

Jarence Calling...

Inexcuse ko muna sarili ko kay Gaile, bago sagutin ang tawag ni Jarence.

"Oh pre?" ako.

(Sigurado ka bang kay Lysa yung number na sinend mo sakin? Tinext ko kasi, kaso di naman daw siya si Lysa at baka daw na-wrong send ako?)

tanong niya agad sakin.

Hmmm. Napaisip naman ako..

*Flash back*

[Friday]

Nasa bar ako. Kasama ko yung iba kong tropa. Wala pa naman akong tama, dahil kaunti palang yung naiinom ko.

Katext ko yung pinsan kong si Sienna nun.

Yung medyo may tama na ako, hindi ko na muna tinext si Sienna. Naupo muna ako sa isang tabi. Bigla naman akong tinext ni Jarence. Pinilit kong basahin yung text niya, dahil baka importante.

From: Jarence

Message: Pre, pasend naman sakin yung number ni Lysa oh. Please?

At yun.. Sinubukan kong hanapin yung number ni Lysa sa phone book ko. Pero dahil sa hilo ko, yung kay Sienna yung na-send ko!

*End of Flash back*

Ayun! Naalala ko na!

Ohsh!t! Ang tanga ko!

(Hello? Sean? Nandiyan ka pa ba?)

"Ah--O-Oo! Pre! Pasensya ka na! Mali yung number na na-isend ko sayo. Lasing kasi ako nun eh. Instead na yung kay Lysa yung isesend ko sana sayo, kay Sienna yung nasend ko, yung sa pinsan ko. Pasensya na pre! Hilo na kasi ako nun eh."

(Ganun ba pre? ANO?! Kay Sienna yung naisend mo?!)

"Oo pre, pasensya na talaga ha."

(Ayos lang pre. Pero, wag mo nang banggitin yun kay Sienna ha? Nakatext ko kasi siya, akala ko siya si Lysa. Ge pre, salamat.)

Pagkatapos naming magusap ni Jarence, bumalik na ko sa upuan ko. Pinagmasdan ko ulit si Gaile. At isang bagay lang ang pumasok sa isip ko habang nakatingin ako sa kanya.

Nahulog na nga talaga ko sa kanya.

----------

Jarence's POV

Sa dinami-dami ng pwedeng ibigay sakin na number ni Sean, bakit yung kay Seanna pa?

Tss. Ang malas naman!

Di bale, lunes naman bukas. Gusto ko nang makita si Lysa. Di ko parin siya isusuko.

----------

[Monday]

Sienna's POV

Ilang linggo nalang bakasyon na. Hay, hanggang ngayon di parin maalis sa isip ko yung nakatext ko. Napagkamalan ko pang si Crisostomo. Naawa naman ako sa kanya, base sa mga text niya, mahahalata mong nakikipag-ayos yata sa girlfriend niya, o kaya naman nakikipag-balikan siya sa ex-girlfriend niya. Hayst! Bakit ko pa ba yun iniisip? Di ko na problema yun. Tss. Itext ko kaya siya? Hindi naman namin kilala yung isa't isa, diba? Gusto ko lang siyang payuhan. Wala naman sigurong masama sa pagpapayo, right?

"Hoy Sienna! Tayo na magrereport! Tulala ka pa diyan bruha!" -Gaile.

Ay, oo nga pala! Nakalimutan kong may report pa kami. Hinila na 'ko ni Gaile sa unahan at saka kami nagumpisa sa pagpapaliwanag.

after 20 minutes, nakaraos din kami. Sina Kyla at Crisostomo na yung susunod na magrereport. Pagtingin ko Kyla, halatang kabado ang loka. Paano ba naman, wala parin si Crisostomo.

----------

Kyla's POV

Hindi ako nakatulog kagabi kakaisip kung paano ako magsosorry kay Crisostomo, tapos ngayon wala padin siya! Magrereport pa naman kami.

Mas kinakabahan ako humarap sa kanya, kesa magsalita sa unahan. Hayst.

"Very good Sienna and Gaile. Next, Kyla Ramos and Crisostomo Lim"

Saka lang ako bumalik sa realidad,nung nagsalita yung prof. namin.

Paano ako magrereport? Si Crisostomo yung makakapagpaliwanag dun ng maayos. Magsasalita na sana ko, para sabihing wala pa si Crisostomo,ng biglang may pumasok na estudyante.

Akala ko si Crisostomo. Sino naman kaya tong gwapong nilalang na to?

"Sorry ma'am, I'm late" sabi ni gwapong nilalang.

Grabe, na-Love at first sight yata ako. Blonde yung buhok niya, tapos ang pungay ng kanyang mga mata. Ang tangos din ng ilong niya. Parang gusto ko ding halikan yung labi niyang perfect. In short, ang yummy niya. Erase erase! Kelan pa ko naattract sa stranger?

"Kyla? tara na." sabi sakin ng gwapong nilalang. OMG! Alam niya yung pangalan ko!

Kyla? tara na.

Kyla? tara na.

Kyla? tara na.

Kyla? tara na.

Paulit-ulit sa isip ko yung sinabi niya, tapos..

"Oo,sasama ako sayo. Tara na" bigla ko nalang nailabas sa bibig ko. Nagkusang gumalaw yung mga paa ko palapit sa kanya sa unahan,habang inaayos niya yung projector. Tsaka ko hinawakan yung kamay niya. Sh!t! Ano ba tong ginagawa ko. Nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Ayiiiiiiiiiiiiiiieeeeeeh!"

Natauhan ako, nung narinig ko ang tuksuhan ng mga kalase ko.

Walanjo! Kainin na sana ako ng lupa! Nakakahiya. Agad ko siyang binitawan.

"Kyla? Ok ka lang?" kinakausap na naman niya ako.

"A-ako ba yung kausap mo?" sabay turo ko sa sarili ko.

"May ibang Kyla pa ba na nasa harap ko ngayon?" sagot niya.

"Ms.Ramos and Mr.Lim, hindi pa ba kayo magsisimula?" tanong bigla ng prof. namin.

Loading...

Loading...

Loading...

Anong sabi ni ma'am? Lim? Tama ba yung pagkakarinig ko? Kamag-anak siya ni Crisostomo?

"Ah, kaanu-ano mo si Crisostomo? Pa-pareho kasi kayo ng apelyido eh." tanong ko sa kanya out of nowhere.

"Kyla? Are you okay? Ako to. Si Crisostomo."

"Kyla? Are you okay? Ako to. Si Crisostomo."

"Kyla? Are you okay? Ako to. Si Crisostomo."

"Kyla? Are you okay? Ako to. Si Crisostomo."

"Kyla? Are you okay? Ako to. Si Crisostomo."

"Kyla? Are you okay? Ako to. Si Crisostomo."

Whaaaaaaat ?!

°° ♥ °°

A/N: Medyo natagalan po itong chapter na to. Nadelete po kasi, kaya inulit ko. Sana magustuhan niyo. VOTE PO KAYO :) Kung may katanungan po kayo, feel free to ask.

Wrong Send [ ON GOING ]Where stories live. Discover now