Sienna's POV
Nandito na ko ngayon sa kwarto ko. Time check: 8:23 pm. Naligo na 'ko tapos nagfb muna ako. Medyo nakakatamad, wala namang bagong update si Clarence ko.
Sinimulan ko nang basahin yung isa sa mga pocket books na binili ko. Bigla kong naalala si Crisostomo. Tss! Di ko pa nga pala nababasa yung text niya sakin.
Pinatong ko muna sa side table yung pocket book na binabasa ko. Tinignan ko yung Inbox ko, tapos click sa text ni Crisostomo.
From: 0926*******
Message: Please? Let's meet. 4pm @ d pancake house. I'll wait you there baby.
WHATDA? 4 pm? sa pancake house? eh diba nga nahuli si Crisostomo sa sinehan? tss. Hindi ko ba siya rereplyan o hindi? edi, Hindi.
**bzzt bzzt**
From: 0926*******
Message: So I guess wala na talagang pag-asang maaus pa to? :(
Naka-drugs ba to si Crisostomo? Ilang katol kaya ang nahithit nito? Nagrugby ba siya dahil sa sobrang depresyon, matapos siyang mahuli ng guard? Jusko. Hindi ko akalaing hahantong siya sa ganito. Matalino naman siyang tao. O di kaya naman, ito na yung side effect ng pag inom niya ng pampatalino? ERASE ERASE ERASE!
Replyan ko na kaya? Baka mamaya, mabalitaan ko nalang na deads na siya.
To: 0926*******
Message: Are you in drugs?
**bzzt bzzt**
From: 0926*******
Message: Im serious here baby. I know we can work this out. Please baby? Give me another chance?
CONFIRMMMMED!
Nagdadrugs nga talaga siya! Kelan pa kami nagkaroon ng endearment? BABY? Yuck! Kadiri ka talaga Crisostomo! Tss.
Sasakyan ko na nga lang tong trip niya. Akala niya siguro siya lang marunong mantrip ha. Yun ang akala niya. Nyahaha!
To: 0926*******
Message: Im so sorry baby :'( But i think we should stop this. Im tired and i already moved on. Let's just be friends. K?
[message sent]
Medyo nakakasuka yung baby. Pero medyo nakakaenjoy din pala tong trip niya! Walangyang Crisostomo. Akala niya siguro maiisahan niya ko ha.
Medyo matagal din, bago siya nagreply.
**bzzt bzzt**
From: 0926*******
Message: Baby, baka naguguluhan ka lang. Please? Just one last chance. I promise, di ka magsisisi.
Parang seryoso naman masyado tong lecheng to.
To:0926*******
Message: Hoy Crisostomo! Itigil mo na nga tong panloloko mo sakin! Wag na wag mo na din akong sinusundan! Baby? Baby mo mukha mo! May Clarence na ko no! :P
[message sent]
**bzzt bzzt**
From: 0926*******
Message: Crisostomo? Baby, who's that guy?
Tss. tignan mo to! Nagmamaangmaangan pa, eh alam kong siya lang to.
To: 0926*******
Message: Sino si Crisostomo? sino nga kaya? Siya lang naman yung clasm8 qng nerd na stalker ko! At ngaung nakuha na niya yung number ko,pinagtitripan nya ko ngaun, tinatawag na Baby at nageemote sakin at KATEXT ko ngaun! Tglan mo na nga ko! tss!
