Sienna's POV
Ano naman ngayon kung nabigo ako kay Clarence my loves? :(
Hindi lang naman sa kanya iikot ang mundo ko. Nandiyan naman si Kyla at Gaile. Mga kaibigan kong hindi ako iiwan.
Si Kyla, ewan ko kung ano nang relasyon nila ni Crisostomo. At si Gaile busy kay Sean.
Grabe! Luma-lovelife ang mga bestfriends ko <3
Tapos ako..
Brokenhearted. Hahaha
Mukhang tanga lang.
Sus! parang yung lang. And it's been a month since nangyari yun. Nagquit na din ako sa organisasyong sinimulan ko.. Yung Fans club ko for him </3
Well, sana masaya sila ng jowa niya.
Masaya na din ako na sinabi niya sakin yung totoo.
Yung kapatid niya ang may sala! Walangyang Jarence yun! Tama bang pilitin ang kuya niyang i-date ako? Lagot yun sakin.
Hanggang ngayon parang aso'y pusa padin kami ni Jarence.
Pagtinetext niya ko, hindi ko siya nirereplyan. Bahala siysa sa buhay niya.
At dahil wala akong magawa ngayong araw at hindi ko din macontact yung bestfriends ko..
Naisip kong gumala mag-isa. May magagawa pa ba ako?
Manonood na lang ako ng sine.
Sakto ! Showing yung Catching Fire. :)
Bumili na ko ng ticket at mamaya pang 3:00 yung next viewing at mahaba pa ang oras kaya maglilibot muna ako dito sa mall.
Pumunta muna ako sa Precious Pages.
Shockkss! Ang dami ko nang na-miss bilhin sa mga gawa ni Sonia Francesca! Huhuuhu.
Mag-iipon nalang ulit ako.
Bumili ako ng ilan sa Sonia Francesca's Collection. Nakita ko na naman yung Stallion Riding CLub. :( Namiss ko si Papa Reid Alleje. Tama na ang pagpapantasya.
Lumabas na ko at nagsimula ulit maglibot.
Kain na nga muna ako. Tumuloy na ko sa Pancake house. Nakakalungkot. First time kong kakain mag-isa. Huhu, asan na ba kasi si Gaile at Kyla? :( Kinakalimutan na ko porke may love life.
Umorder lang ako ng blueberry pancake at sunrise steak. <33
Nakangiti ako habang nilalantakan yung mga umorder nang pag-angat ko ng ulo ay nakita ang nakakalokong ngiti ni Jarence na nakaupo na sa unahan ko.
"Sinong nagsabing pwede kang maki--" naputol yung sasabihin ko.
"Wala namang pangalan yung table pati yung upuan. Ikaw lang naman magisa, umupo ka pa sa pang-apatan. Grabe sa kakapalan." Panlalait sakin ng epal na si Jarence. Sinisira niya ang maganda kong araw.
"Kung ayaw mong mag-share edi sana sinulatan mo ng pangalan mo tong table at itong upuan. But sorry ka nalang, magbabayad ka pa sa kasong vandalism pag ginawa mo yun. At kung ayaw mo kong paupuin dito, wala namang problema. Ipapatawag ko nalang yung manager at irereklamo ka. Tignan nalang natin kung makakabalik ka pa dito." ang nginisian ako ng hayop!
GrrrrrR! Nakakainis talaga siya!!!!!!!
"Fine! Umupo ka na diyan! At huwag mo kong kakausapin dahil hindi po kita kilala!" at sinimulan ko na ulit kumain. Yumm!Charapppp! :)
Umalis muna siya at umorder. Kainis! Lipat kaya ako ng upuan? Ang dami-daming vacant seats, at dito pa talaga niya piniling umupo! Leche siya.. Kaso masama daw ang palipat-lipat ng upuan kapag kumakain, baka daw magpalipat-lipat din ako ng asawa, sabi sakin dati ni mommy. Natakot naman ako dun.
Bahala na nga yung Jarence na yun. Kainis talaga.
Bumalik na siya sa table, at after ilang minutes hinain na yung mga inorder niya. Ang dami! Parang bibitayin! Napaka-PG. Natulala ako habang kumakain siya, siguradoi siya? Mauubos niya yang mga yun?
"Anong tinitingin-tingin mo miss? Sabihin mo lang kung gusto mong humingi. Hindi naman ako madamot at mukhang naglalaway kana sa mga inorder ko." sabi ng lecheng kaharap ko! Grr!
"FYI, ngayon lang kasi ako nakakita ng taong parang halimaw kung kumain. Parang bibitayin. tss" at binilisan ko nang kumain, para malayasan na si Jarence! Kainis.
At nasamid pa ko dahil sa pag-mamadali.
*cough cough*
Tumayo si Jarence at pi-nat niya ang likod ko, pinainom niya din ako ng tubig pagkatapos.
"Ano ba yan babe, sabi naman sayong bagalan mo kumain, bakit ka ba nabilaukan? Sumipa ba ulit si baby sa tummy mo?" Nilakasan niya pa talaga yun! FvckkK!
Napatingin yung mga tao sa paligid.. na nakangiti.. May narinig pa kong nagsabi..
"Darling tignan mo! Ang cute nila. Kahit bata pa sila pinanindigan parin siya ng boyfriend niya. Naaalala ko tuloy yung kabataan natin blah blah blah,,"
Gumaganti talaga tong si Jarence! Remember nung ganito din yung ginawa ko sa kanya sa Mcdo kasi ayaw niya kong ishare ng upuan? GRRR!
Ngumiti lang ako sa mga tao. at uminom ulit ng tubig.
Sa tabi ko na umupo si Jarence at pinupunasan yung gilid ng labi ko!
Bumulong ako sa kanya..
"Ano naman tong eksena mo!???!" bulong ko na pagalit.
"Ano babe? Gusto mong maglakad-lakad muna?" malakas na sabi niya para makuha yung atensyon nung mga tao.
"Siraulo ka ba talaga?! Hindi pa ko tapos kumain! Mauna ka! At--"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil tulad ng inaasahan napalakas ang pagkakasabi ko nun at ang daming mata ang nakatingin sakin..
"Tama yan, ilakad lakad mo muna yung asawa mo boy, Makakasama din sa baby niyo kung paupo-upo lang yang misis mo." sabi nung lalaki sa kabilang table.
Nakangiti lang si Jarence.
"Narinig mo yun babe ha. Let's go na, ipapasyal pa natin si baby. Baka nagsasawa na siya dito."
"MAMASYAL KA MAG-ISA MO! at BABY MO MUKHA MO!" sigaw ko sa kanya.
"Nene, makakasama sayo ang pagsigaw. Sumunod ka nalang sa mister mo." sabi ng matandang babae.
"A-ahh.. O-opo.."
At wala nakong nagawa.
Heto ako ngayon at kasama si Jarence. Take note. Kasama ko dito sa loob ng sinehan! Sumunod pala siya dito at nakaupo sa tabi ko! Ano to? DATE?
I HATE YOU JARENCE! PURO KAHIHIYAN ANG SINAPIT KO :(((( AHUHUHUHU. MAY ARAW KA DIN SAKIN!