Gaile's POV
Ang saya ng birthday ni Sienna kahapon.
Kaso panira lang yung pagdating nung Lysa eh.
Sinong magaakala na si Jarence na kinaiinisan ni Sienna ay yun din pala yung textmate niya.
Halata naman kay Sienna na sobrang interesado siya dun sa textmate niya. Dati kasi hindi yan mahilig magtext o magpaload. Tatakutin pa namin ni Kyla bago kami itext.
Kung itatanong niyo naman yung stado namin ni Sean. Well, we're officially dating.
**Kyla Calling...
"Gaile! Nandito ako ngayon sa ospital. Naaksidente si Sienna! Pumunta kana dito!"
"Oh my god! Anong nangyari?"
"Dito ko na ipapaliwanag. Dalian mo na."
*tuutuutuut*
Shocks! Parang kahapon lang ang saya namin. Bakit biglaan naman ang mga pangyayari?
Wala sanang mangyaring masama kay Sienna.
Umalis agad ako ng bahay. Wala na kong pakialam kung ano yung itsura ko. Ang mahalaga, makapunta agad ako sa ospital.
Nagtaxi na ko para mapabilis. Tinext na din ako ni Sean na nasa ospital narin.
"excuse me. saan po yung emergency room?" tanong ko agad sa nurse na nakita ko pagpasok na pagpasok ko.
"ma'am this way po."
"Thank you."
Pagpunta ko dun. Nasa labas lang sila Tita na iyak ng iyak at tito na nakaupo , si Sean at Kyla naman magkatabi at halata sa mga mata nila ang pagaalala.
Si Jarence din nandito? Anong ginagawa niya dito?
Nilapitan ko si tita at nakipagbeso. Pagkakita sakin ni Kyla, agad siyang lumapit.
"Anong nangyari kay Sienna?" tanong ko sa kanila ni Sean.
Nagtinginan lang silang dalawa.
"Tara Gaile. Tita, aalis lang po kami saglit. Babalik din po kami agad." paalam ni Kyla.
Pumunta kami ni Kyla sa park malapit sa ospital. Nasa bench kami nakaupo.
"na-car accident si Sienna. Si Jarence dapat yun eh *sniff"
umiiyak na si Kyla. Pati tuloy ako, nahahawa na. Di ko talaga matiis na umiiyak ang mga taong malalapit sakin.
"*sniff* si Ja-jarence?" Naguguluhan parin ako eh.
----------
Kyla's POV
*Flash back*
Tinawagan agad ako ni tita. Tinanong niya kung kasama ko si Sienna. Siyempre, humindi ako. Tumatawag ako kay Gaile kaso nakapatay yung phone.
Medyo nagalala na ko. Papunta na ko sa bahay ni Gaile. Nagtaxi nako para mas mabilis. Nung malapit nako sa bar, nakita ko si Jarence na patawid. Nasa likod ni Jarence si Sienna na sigaw ng sigaw.
Hindi lumilingon si Jarence. Bumaba na ko ng taxi,dahil nakita ko na si Sienna na ligtas.
Tatawagin ko na sana si Sienna, pero nahuli yata ako.
Halatang lasing na lasing si Jarence, wala siyang pakialam kahit marami nang bumubusina. May truck na dadaan, pero biglang naglakad si Jarence. Si Sienna naman, tumakbo agad at tinulak si Jarence. Kaya si Sienna ang nabunggo imbes na si Jarence.
Ako na yung tumawag kina tita. Pagpunta nila sa ospital kasama na nila si Sean.
kanina pa rin tuliro si Jarence. Tumakas naman yung nakabangga kay Sienna.
*End of Flash back*
"Nagpapakabayani na naman siya! *sniff* " Gaile na iyak ng iyak.
"Ang mabuti pa,ipagdasal nalang natin na maging maayos siya."
----------
Jarence's POV
12 am na.
Nandito pa din ako sa ospital. Nilabas na siya kanina sa Emergency room at inilipat sa private room.
Sana okay na siya. Di ko naman magawang pumasok dahil alam kong ako ang may kasalanan ng lahat. Nasa loob sila ng kwarto ni Sienna.
Habang ako, nandito lang sa labas. Di ko alam kung paano ako hihingi ng paumanhin sa nangyari.
Maya-maya lumabas na yung mama niya.
"Hijo, bakit hindi ka pumasok sa loob?" tanong niya sakin.
"Hindi na po. Ayos na po ba siya? Di ko po alam na mangyayari to sa kanya."
"Don't blame yourself. Alam kong may reason kaya to nangyari. Uhm, okay na daw siya sabi ng doctor, pero she's still sleeping.
Maco-confine siya for one week. Kung nag-aalala ka para sa kanya, bakit hindi mo muna siya bantayan. Mayamaya uuwi narin kami. Tomorrow morning pa kami babalik." saad nito.
"Sigurado po kayong okay lang na bantayan ko siya?"
"Why not? Alaw kong mahalaga ka sa anak ko, kaya ka nga niya niligtas diba? And if you're still guilty about what happened to her, then bumawi ka. Sige pasok muna ako."
"Sa-salamat po ma'am"
"Masyado ka namang pormal. Call me tita Siara."
"Thank you po talaga tita. Thank you po."
At pumasok na siya.
Maya-maya pa isa isa na silang umuwi.
Ewan ko ba, pero parang sumaya ko na pinayagan ako ni tita Siara na bantayan si Sienna.
Nung nakaalis na sila, pumasok na ko agad sa kwarto niya.
Lumapit ako at umupo sa gilid niya. Ang ganda pala niya kahit may galos yung noo niya. Ang ganda niyang matulog.
Ang sarap niyang titigan..
"Bakit mo ko niligtas? Bakit mo ba yun ginawa? Tsk. Yan tuloy nangyari sayo. Sira ka talaga Sienna. Kamuntikan ka na dun. Dapat hinayaan mo nalang ako. Ayos lang naman sakin kung mawawala na ko eh"
kinakausap ko siya kahit na tulog siya.
"Sorry Sienna. Nang dahil sakin, napahamak ka. Nang dahil sa katangahan ko, nangyari yan sayo. Hayaan mo, simula ngayon ako naman. Po-protektahan kita. Gagawin ko sayo yung mga bagay na hindi ko nagawa ka Lysa."
Hinaplos ko yung pisngi niya. Ang lambot. Yung labi niya naman, natural yung pagkapula. Tama lang din yung liit at tangos ng ilong niya.
"Ang ganda mo..."
Pero bakit hindi ka napapansin ng kapatid ko? Alam ko na lahat ginagawa mo, mapansin lang niya.
"Gusto mong mapalapit kay Clarence? Sige, tutulungan kita."
para kong tanga na kumakausap ng tulog.
Tama. Ipaglalapit ko sila ni Clarence. Kahit dun man lang makabawi ako sa kanya...
°° ♥ °°
A/N: Hi ! Nagpakabusy ako masyado sa panunuod ng Kdramas kaya ngayon lang nakapagupdate. PEACEEEE ! :) Vote po kayo para ganahan ako hehehe! ;)