Gaile's POV
Parang loka-loka si Kyla, habang pinagmamasdan niya si Crisostomo. Nasa harap na silang dalawa. Pero si Crisostomo lang yung nagdidiscuss. Paano ba naman? Ayun si Kyla, di parin makapaniwala na si Crisostomo yung nasa harap niya.
Well, oo, aaminin ko na ang gwapo niya nga. Halata namang siya si Crisostomo,boses palang. Itong si Kyla naman, parang hindi talaga niya nakilala.
Yung mukhang nerd na si Crisostomo, nagmukhang prinsipe. Yuck! tama ba ang sinabi ko? Pinupuri ko na siya? Eraseee!
Brown yung buhok niya dati na may hati sa gitna, tapos ngayon nagpa-blonde siya ng buhok,iba na din yung hairstyle niya. Hindi rin niya suot yung salamin niyang mataas ang grado. Pero sa totoo lang, gwapo talaga siya pag naayusan. Kaya naman si Kyla, ayun! NGA-NGA parin sa unahan.
Pag tingin ko naman kay Sienna, parang wala lang. Wala naman kasi siyang gusto kay Crisostomo. Hawak niya lang yung cellphone niya habang nagffb, chinecheck niya yung latest update ni Clarence, yung ultimate crush niya. Lokaret din yun eh, hindi nakikinig sa nagrereport.
"Gaile, tignan mo oh! May iba na namang dinedate si Prince Clarence ko! >,< tss. Patay sakin, kung sino man yung babaeng yun!" may dark aurang bumabalot kay Sienna.
"Sus! Every week, iba-iba naman talaga dinedate niyan eh. What's new?" pang-aasar ko sa kanya.
"Yun na nga Gaile eh! Every week iba-iba yung babae niya! Pero ni minsan,di niya ko napansin tsk! Masaya na ko pag nakadate ko siya. Di din ako mgrereklamo, kahit one week lang!" Malakas yung pagkakasabi niya.
Natahimik yung paligid pagkasabi niya yun. At tulad ng inaasahan, lahat ng mata nakatingin sa direksyon namin, este kay Sienna. Yumuko nalang siya sa desk niya. Pahiya ang loka. Nagpipigil lang ako ng tawa.
Tumingin naman ako sa harap. Makikinig nalang nga lang ako kay Cris.
Huminto din siya sa pagsasalita nung nagsalita ng malakas si Sienna. For sure, narinig niya yung sinabi nun.
Kitang-kita sa mata ni Crisostomo na nasaktan siya sa kanyang narinig. Kawawa naman si Crisostomo.
Si Kyla nalang yung nagpatuloy sa pagdidiscuss. Nahalata niya din na nawala sa konsentrasyon si Cris.
Ang layo naman ng sinasabi ni Kyla sa nirereport kanina ni Cris. Yung report kasi nila ay tungkol sa Emotion ng tao. Ang pagpapaliwanag niya naman ay...
"Love is a wildly misunderstood although highly desirable malfunction of the heart which weakens the brain, causes eyes to sparkle, cheeks to glow, blood pressure to rise and the lips to pucker."
Wow ha! Napunta sa LOVE? Ume-english pa. Akala ko tapos na, hindi pa pala siya tapos si Kyla sa litanya niya..
"If you think you found the right person... stop the search and never let them go. Rememeber that the world is a huge place, for when you lose someone, you have to search the world all over again"
tapos bigla siyang humarap kay Crisostomo. Napatingin nadin sa kanya si Crisostomo. Bale magka-eye-to-eye na sila. At nagsalita ulit si Kyla...
"If you ever get lonely, look at the spaces between your fingers and remind yourself that mine fit in there perfectly."
What the? Lasing ba siya? bakit kung anu-anong lumalabas sa bibig niya. Natatawa ko. Mukha silang tanga sa harap na magkaharap padin.
*Clap clap clap*
Palakpakan kaming magkakaklase. Pang FAMAS ang drama ni Kyla. Hahaha! Akala mo tunay. xD
Tawa din ng tawa tong si Sienna sa tabi ko. Patuloy padin yung hiyawan ng mga classmates namin. Laughtrip eh!