Sienna's POV
9:30 pm na, at kakatapos ko lang panuorin yung "100 days with Mr. Arrogant". Grabe! Wala akong ginawa kung hindi tumawa. Kinatok pa nga ako ni mama kanina eh, ang ingay ko daw kasi.
Medyo napagod ako sa mga nangyari ngayong araw. Pero bakit ganto? Di talaga ako makatulog? Tss. Maaga pa naman yung pasok namin bukas.
Bigla ko na namang naalala yung na-wrong send sakin? Andrei ba yun? Yun yung pangalang tinext niya sakin nung tinanong ko kung sino siya eh.
Ewan ko kung bakit, pero parang gusto ko siyang bigyan ng payo. Sure ako na kailangan niya nun. Halata naman sa mga text niya sakin na nagmamakaawa siya dun sa babaeng inakala niyang ako.
Hayst! Itext ko na nga lang. Wala namang masama, lalo pa't di naman kami magkakilala.
To: Andrei
Message: Hi! :)
[message sent]
**bzzt bzzt**
Ang bilis naman nito magreply.
From: Andrei
Message: Hello! Pasensya ka na nga pala nung last time ktang tnext ha?
type type type..
To: Andrei
Message: Naku wala yun. Paano ka nga pala nawrong send sa number ko?
**bzzt bzzt**
From: Andrei
Message: Ah yun ba? Namali kasi ako ng pagkakatype nung number niya. Pasensya na ha? Uhm, pwedeng malaman pangalan mo? :)
To: Andrei
Message: Oh kaya pala. Ay oo nga pala nalimutan kong magpakilala! Hehe. Sienna nalang. Andrei ka,ryt?
From: Andrei
Message: Yup. I'm Andrei. nice name Sienna
To: Andrei
Message: Tnx! hmm, para kanino ba yung text na naligaw sakin?
[message sent]
Nacu-curious lang ako, syempre.
**bzzt bzzt**
From: Andrei
Message: Para sana sa ex ko.
Sabi na eh..
<A/N: Iibahin ko muna yung style ng text conversation nila ha. Para mas madali :P>
Ako: Ahh, so nakikipagayos ka?
Andrei: Ganun na nga.
Ako: Alam kong hindi ka komportable na pagusapan to. Curious lang kasi talaga ako. Pasensya na ha.
Andrei: It's ok. And siguro naman mapagkakatiwalaan kta,ryt?
Ako: Oo naman, saka di naman tau magkakilala ng personal eh. Share na dali.
Andrei: Sbgay, pano ko ba to uumpisahan.. kasi ganto yun.. 2 months ago 2nd anniversary na sana namin nung ex ko, kaso nung araw na yun nahuli ko sila ng kapatid ko na magkasama. Snabi dn nya na mas mahal nya yung kuya ko kesa sakin. Pagkatpos nun, nakipaghwlay na siya skn. Hanggang ngaun nga iniiwasan niya parin ako. Ewan ko ba! Pgktapos ng gnwa niya sakin, mahal ko parin talaga siya. tss
Ako: Masokista. tsk tsk
Andrei: Mahal ko eh. Yun lng ung kwnto ko. Ikaw naman magshare.
Ako: Ah,sige. Dhil nagshare ka sakin, magkekwnto din ako. Hmm, kanina, nakita ko yung crush ko, itago na natin siya sa pangalang Clarence. Kumpleto na sna ung araw ko,kaso may kadate sya nung nkta ko sya. Tapos yung taong knaiinisan ko, nakita ko pa. Hindi lang nakita, naka-table ko pa. No choice ako eh, walang available seats so nakitable nako sa panget na lalaking yun. Tapos napahiya pa ko sa hrap ng maraming tao dhl sa ktangahan nya. Hayst!
![Wrong Send [ ON GOING ]](https://img.wattpad.com/cover/5427447-64-k806533.jpg)