His Story.

248 5 0
                                    

Jarence's POV

Let me introduce myself first before sharing my story.

I'm Jarence Andrei. 18 years of age. 2nd year college.

Ano pa bang ishe-share ko? Hmm.

-----

January 15. 2nd year anniversary na sana namin ni Lysa. She's my girlfriend. I love her so much.

Balak ko sana siyang i-surprise. Kahit simpleng dinner date lang sana. After nun, dadalhin ko siya sa may seaside tapos sabay namin panunuorin yung makukulay na fireworks display. Tsaka ko isusuot yung kwintas na pinagipunan ko. Tiyak na matutuwa yun.

Nagkotse na ko papunta sa bahay nila. 6pm palang naman. Mga 8 pm ko siya dadalhin sa seaside. Pagbaba ko sa kotse ko, kakatok na sana ko ng mapansin kong bukas yung pinto. Pumasok nalang ako. Wala sina tita at tito. Wala ring tao sa sala. Dumeretso na ko sa kwarto niya. Di din naka-lock yung kwarto niya, kaya binuksan ko nalang.

O___________________O

Akala ko ako ang magsusurprise sa kanya. Pero mukhang ako pa ang nasurprise.

I saw her and my brother kissing.

"Jarence, why are you here?" tanong ng gagong si Clarence.

Ang daming gumugulo sa isip ko. Pinagtaksilan ako ng girlfriend ko at ng sarili kong kapatid! Ang sakit! Sh!t! Hindi dapat to nangyayari. Masyadong espesyal tong araw na to para masira.

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan?!" sigaw ko kay Clarence saka ko siya kinwelyuhan.Susuntukin ko na sana siya ng biglang..

"Tumigil ka na nga Andrei! Hanggang kailan ka ba magpapakatanga? Alam mo naman dati pa na si Clarence ang mahal ko! Matagal na kong nakikipaghiwalay sayo, pero di mo ko pinapakinggan! Ayaw mo kong pakinggan! Napakaselfish mo! Sana naman ngayon, pakinggan mo na ko! Le--Let's break up!" sabi ni Lysa habang patuloy na tumutulo ang kanyang luha.

"Bakit Lysa? Wala naman akong ginawa o nagawang masama sayo diba? Mahal lang talaga kita!" Ayokong makita niya kong umiiyak. Pero sobra akong nasaktan sa mga narinig ko kaya wala na kong pakialam kung makita nila kong umiyak. Fvck!

"Yun na nga eh! Sobra sobra na yung pagmamahal na binibigay mo sakin. Nasasakal na ko! Let's stop this. Please?" pagmamakaawa ni Lysa.

"Baby, baka naguguluhan ka lang? Kakalimutan ko nalang yung nangyari ngayon. Pero please? wag mo kong iiwan." saka ko siya niyakap ng mahigpit.

"Ayoko na Andrei, tama na :(" sabay tulak niya sakin,saka niya hinila palabas si Clarence.

Hindi ako makagalaw. Puro sakit lang yung nararamdaman ko. Di ko na din sila magawang habulin.

Makalipas ang dalawang buwan..

[March]

Sh!t! Di ko padin kaya to. Hindi ko na din macontact si Lysa. Nagpalit na ng sim.

Tinext ko si Sean. Isa sya sa mga tropa ko. Hiningi ko yung number ni Lysa sa kanya, classmate sila kaya sigurado akong meron siyang number ni Lysa..

Di naman ako nabigo..

[Saturday]

Tinext ko si Lysa..

To: Baby

Message: Are you free today? Uhm, i just wanna ask you out on a date. Just a friendly date.

Tama Jarence! Suyuin mo siya ulit. Sana umeffect yung plano ko.

Maya-maya, nagtext na siya! :D

Wrong Send [ ON GOING ]Where stories live. Discover now