Kiss the Rain

217 2 5
                                    

[Jarence's POV]

Alam niyo yung masaya? Ako yun eh. 

Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Ang totoo niyan, gustong gusto ko lang pagtripan si Sienna. Simula nung nagkiss kami, pinlano ko ang lahat ng iyon para lang mapalapit sa kanya. 

At ang hindi ko pa inaasahan ay yung pumayag yung magulang niya na manligaw ako. Grabe talaga! Actually, pumunta lang ako sa kanila nung araw na yun para asarin siya. Hohoho.

And heto na kami ngayon. Official na manliligaw na niya ko. :)

Nakapila ako ngayon sa ice cream shop para umorder. Nang biglang tumunog cellphone ko..

Lysa Calling...

Bakit kaya siya napatawag? Tsk.

Sinagot ko na din, baka kasi importante.

"Bakit?"

"Jarence, labas ka dito saglit. Nakita kong magkasama kayo ni Sienna, at ayokong sirain yung date niyo. Nandito ako sa gilid ng ice creamshop malapit sa restroom, i'll wait you.."

"Pero---"

*tututut*

Bigla na niyang binaba yung tawag at sinilip ko muna si Sienna na nakaupo. Saglit lang naman to. Kaya hindi na ko nagpaalam kay Sienna.

Paglabas ko, nakita ko agad si Lysa. Ang balita ko nasa ibang bansa na siya at dun na daw siya magstay for good. Pero bakit bumalik na naman siya? Kung kailan ayos na ang lahat.

"Jarence!" Tumakbo siya palapit at niyakap ako.

"I miss you. I really miss you," sabi niya ng hindi padin tinatanggal ang pag yakap sakin.

"Lysa.."

"Jarence, hayaan mo kong  magpaliwanag. I need you. Let's get back together and let's forget everything. Magsimula ulit tayo please?"

"Alam mong imposible..--" tinanggal ko ang kamay niyang nakayakap sakin nang bigla niya kong hinalikan.. Hindi ako agad nakakilos dahil sa pagkagulat.

Tinulak ko agad siya palayo.

"Anong ginagawa mo?!" inis na tanong ko sa kanya. 

"I want you. kaya kung ako sayo iwanan mo na yun." sabay turo sa likod ko.

Paglingon ko, tumatakbo na si Sienna palayo.

At isa lang ang ibig sabihin neto..

Nakita niya ang mga nangyari...

-----

[Sienna's POV]

Di ko namamalayan na umaambon pala. Tanging yung park lang malapit sa mall ang alam kong pwede kong puntahan. 

Habang naglalakad ako, bumuhos ang malakas na ulan.

Bakit ba napakamalas ko ngayon??? 

Umupo na lang ako sa bench sa loob ng park. Bahala na kahit mukha akong tanga dito na nagpapaulan. Di ko namamalayan na umiiyak na pala ako. Hinayaan ko nalang ang mga luha ko, wala namang makakapansin kasi malakas ang ulan.

Maya-maya habang humahagulgol ako, napansin kong hindi na ko nababasa ng ulan, pero may ulan padin. Pag tingala ko, Jarence na may hawak na payong ang nakita ko.

"Iyakin." sabi niya. 

Pinilit ko namang pigilin yung iyak ko.

"Hi-hi-hindi a-ako u-umiiyak" sagot ko sa kanya.

"Ahh, halata naman sa boses mo eh." saka siya tumabi sakin. Pinatay na niya yung payon niya,

"Wala nang kwenta yung payong, basa din yung inupuan ko kaya para pantay dapat buong katawan ko din mabasa." dugtong niya pa.

"Ba-bakit ka pasumunod dito? Ka-kasama mo na naman si Lysa diba?" tanong ko sa kanya.

"Selosa, Tara nga dito." Bigla niya kong hinigit at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Kung ano mang nakita mo kanina, nagkakamali ka ng iniisip mo. Wala na kami at wala narin akong nararamdaman para sa kanya. Pero sayo, may nararamdaman ako."

at naramdaman kong hinalikan niya yung ulo ko.

Wrong Send [ ON GOING ]Where stories live. Discover now