"ANONG PANANAGUTAN?" sina mama't papa.
OMG. I'm so dead!
"Ahhh- Ka-kasii po---" sasagot na sana ako ng biglang magsalita si Jarence.
"Tita, Tito. Nandito po ako para ligawan ang anak niyo. At pinapangako ko pong pananagutan ko siya, sa hirap at ginhawa. Pwede po ba?"
YAN! Yan lang naman ang sinabi niya. And i'm so speechless. Pananagutan ako? Sa hirap at ginhawa? Ano daw? Hay! Makapalusot lang eh! Pero mas okay na yun kesa aminin niya yung totoong nangyari sa harap ng magulang ko at ng bestfriends ko.
Jusko! Hindi ko alam kung paano to lulusutan.
"Kung ganoon ay walang problema. Tutal dalaga na naman itong anak namin." sabi ni papa.
"Pumapayag po kayo?" Tanong ni Jarence na akala mo seryoso eh!
"Pero nasa anak padin namin ang sagot. Payag kami, kung papayag ang gusto mong ligawan." sabi naman ni mama.
Humarap sakin si Jarence at hinawakan ang kamay ko.
"So Sienna, ano? payag ka ba? Pwede na ba akong manligaw sayo?" pinandilatan niya pa ako ng mata na sinasabing 'um-oo ka! kundi patay ka sakin' at napalunok nalang ako at....
"Ah..Yes! Yes! Ofcourse! Payag ako. Payag na payag."
and with that.. napatingin ako kina Gaile at Kyla.
"Ah tita, tito mauuna na po kami ni Kyla." paalam ni Gaile.
At tuluyan na silang umalis. Lagot. Alam kong galit sila.
Pumayag ako na ligawan ni Jarence at sila ang nakakaalam kung gaano ako inis kay Jarence. Hay :( Nabigla ko yata sila. Paano ko i-eexplain sa kanila? :(
***
After nila magusap-usap, umalis narin si Jarence. At heto ako uli. Nga-nga sa kwarto at kanina ko pa tinetext ang bestfriends ko. Kaso, tulad ng inaasahan ko, galit sila sakin. HUHU!
Kasalanan to ni Jarence eh!
Binato ko yung phone ko nang biglang magring.
Jarence Panget Calling...
"Hi babe!" bungad niya.
"Babe mo mukha mo! I hate you! Babastedin kita! Huhu"
"Hindi pwede, malulungkot sina tita and tito. Alam naman nating botong boto sila sakin eh."
"Cheeee!" at inend ko na yung call.
Paano na to? Ano ba tong pinasok ko! Lord tulungan niyo po akong malagpasan lahat ng pagsubok na darating sa buhay ko.
at biglang nagvibrate ang cellphone ko.
A message from Jarence.
'Susunduin kita ng bandang after lunch bukas. Good night babe ;)'