Kilig+Sakit= </3

127 3 0
                                        

After namin sa sinehan. Naglakad-lakad lang kami sa mall. At hindi ko na din nakita pa sila Kyla,Gaile and Crisostomo.

"Tara ice cream tayo." sabay hawak niya sa kamay ko at hinila ako.

Ito na ba yung feeling ng may ka-holding hands?

Ang warm ng kamay niya. Parang ang bumagal ang paligid.

This can't be.

Agad kong binawi yung kamay ko, kaso mas hinigpitan niya pa ang hawak.

"Subukan mong bumitaw, hindi mo magugutuhan ang mangyayari." 

Tinatakot niya ba ko? Tss.

Hinila ko padin yung kamay ko. Aba, ayaw matanggal ng pagkakahawak niya sa kamay ko, masyado siyang malakas. :(

wala na kong nagawa..

Dinala niya ko sa Ice cream shop. Nasa mall padin kami.

"Ano sayo?" tanong niya sakin.

"Kung ano yung pinaka-mahal." at nginitian ko siya na pang-asar.

"Okay. hintayin mo ko." pagpapaalam niya.

Siya naman yung gagastos, kaya bibilhin ko na yung pinakamahal. Mwahaha >:)

After 10 mins. hindi padin siya bumabalik.

Tinignan ko yung pilahan, pero wala na siya doon. Ahh! baka nag-cr lang. :)

After another 10  minutes..

Wala pa din siya..

Pupunta na ko sa cr, nang makita si Jarence at si Lysa.

Ang saya nilang tignan. Kaya naman pala parang nakalimutan niyang may kasama siya, kasi nakita na niya yung mahal niya.

At ang mas ikinagulat ko ay yung nakita kong nagdikit yung mga labi nila.

Tumalikod na 'ko bago pa nila ako makita.

Binilisan ko yung lakad ko palabas ng mall.

Bakit nasasaktan ako? Hindi ko naman dapat nararamdaman ito eh.

Una. Wala naman akong pakialam sa kanila.

Pangalawa. Wala akong gusto sa kanya.

Pangatlo. Sila naman talaga para sa isa't isa.

Per naisip ko.. Nililigawan niya ko di 'ba?

May karapatan ba ako sa kanya?

Hindi ko napansin na  tumutulo na pala ang luha ko.

Binilisan ko ang takbo at pumara agad ako ng taxi.

Pagpasok ko sa bahay agad-agad akong tumakbo sa kwarto ko. Narinig ko pa ang nanay kong tinatanong ang tatay ko..

"Oh? Anong nagyari dun?"

Padapa akong sumalpak sa kama ko. At binuhos dun ang natitira ko pang luha.

Mas masakit to kesa sa naramdaman ko noon kay Clarence. </3

Yung pakiramdam ng naloko. Ito ba yun? Ganito pala yung feeling.

*****

A/N: Sorry kung ang iikli ng update. Don't worry pag nakaluwag-luwag na po yung sched, babawi po ako. <333

Wrong Send [ ON GOING ]Where stories live. Discover now