Jarence's POV
Tatlong araw ko nang binabantayan si Sienna dito sa Ospital.
Okay na daw siya sabi ng doctor, pero hindi parin siya gumigising.
Tuwing hapon hanggang madaling araw ko siya binabantayan, dahil tuwing umaga parents niya muna ang nagaalaga sa kanya o di kaya yung mga kaibigan niya.
nandito ako ngayon sa kwarto niya.
"Bakit di ka pa din gumigising? okay ka na naman diba?"
kinakausap ko na naman siya.
"Mas maganda ka pag gising, kaya gumising ka na please?"
hinawakan ko yung kamay niya.
nakaupo naman ako sa may gilid ng kama.
"Pangako ko sayo na pag nagasing ka na magiging mabait na ko sayo."
Ayaw niya yata..
"hmm, oh sige. Pag may hiniling ka sakin, ibibigay ko yun sayo basta makakaya ko"
"Talaga?"
o_O
Gi-gising na siya?!
----------
Sienna's POV
"Mas maganda ka pag gising, kaya gumising ka na please?"
Nagising ako nang may nagsasalita. Pamilyar yung boses, pero pinilit kong hindi imulat ang mata ko.
"Pangako ko sayo na pag nagasing ka na magiging mabait na ko sayo."
Si Jarence 'to for sure. Dilat na kaya ako? hmm. wag muna. pagtitripan ko muna HOHOHO.
"hmm, oh sige. Pag may hiniling ka sakin, ibibigay ko yun sayo basta makakaya ko"
Pagkasabing pagkasabi niya nun, dumilat na ko. At nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kamang hinihigaan ko.
"talaga?" tanong ko.
Natulala siya. Nagulat siguro. :PP
" Hoy Jarence, tinatanong kita! Wala nang bawian ha? Pag may hiniling ako sayo ibibigay mo sakin :)''
"A-anong sinasabi mo? Wala akong maalalang sinabi ko yan" pagmamaang maangan niya.
"Tss! Ganyan ka naman lagi! Kundi dahil sayo, edi sana wala ako sa ospital na 'to."
"Sienna, pasensya ka na ha. Alam kong ako ang may kasalanan. Ikaw naman kasi eh, bakit mo ba yun ginawa? nababaliw ka na ba? Paano kung hindi ka na nagising? Habang buhay ko yung pagsisisihan pag nagkataon.'' naging seryoso ang mukha niya.
"Jino-joke lang naman kita Jarence, wag mo namang seryosohin. Ginawa ko lang yung tama. Ohsya ayoko ng ganitong usapan. Basta tulad nung sabi mo kanina, kahit anong hilingin ko sayo, ibibigay mo. Okay ba yun? :)" pagbabago ko ng usapan.
"Wala naman akong choice. Ano ba yung hihilingin mo sakin?" tanong niya.
"Saka ko nalang sasabihin, mag-iisip muna ko :D"
"Sige, tatawagan ko na yung mama mo para malaman nilang gising kana tapos uuwi na din ako."
Palabas na sana siya ng pinto..
"Jarence..
Salamat."
Ngumiti siya at tuluyan na siyang umalis.
----------
Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nung lumabas ako ng ospital. Simula noon, hindi ko pa sya ulit nakikita. Siguro naging busy din sya. ang daming pumapasok sa isip ko. Naglasing siya dahil kay Lysa. At dahil dun kaya ako naaksidente. Hindi parin siguro siya nakakamove on.
nasa taxi ako ngayon. paano ba naman..
Si Clarence na ultimate crush ko, niyaya niya kong makipagdate sa kanya :DD ang saya diba? Ewan ko kung paano nangyari. Papunta na akong mall, dun daw kami magkikita. Masaya ako kaso parang may kulang. Hindi ako masyadong kinikilig. Dati sobrang kilig ang nararamdaman ko kapag si Clarence ang usapan. Pero ngayon parang kulang sa kilig. Nakakapagtaka lang. Well, hayaan na nga. Ie-enjoy ko nalang ang mga mangyayari ngayong araw :)
After 30 mins. nakarating na 'ko sa restaurant sa loob ng mall. Favorite niya daw ang mga foods doon eh.
Nakita ko na siyang nakaupo at may hawak ng phone. Hindi niya pa ko napapansin dahil busy siya sa ginagawa niya.
"Ehem." pagpapapansin ko >;P
"Oh? Sienna. Halika dito." inalalayan niya kong umupo. SWEET <3
"Ahh. thanks :)" pagpapahumble ko.
"Ahm. Clarence? Bakit mo pala ako inaya dito?"
"I asked you a week ago on a date and you said yes." sabay smile siya :))))
Kahit alam kong hindi seryoso sakin si Clarence, ok lang. atleast naexperience ko siyang i-date Hihihihihi! Para akong nananaginip Hihi!
''Ahh. Oo nga. Thank you dahil dinate mo ko :) Pangarap ko lang to dati. Hihi," sobrang pa-girl ako. Hahahahah <3
Isang matamis na ngiti lang ang isinagot niya sa akin.
Kumain kami at nagkwentuhan. Ang sayaaaaaaaaa :D Kuna panaginip lang 'to, hinihiling ko na sana hindi na ko magising pa :)
"Sienna, you know my brother right?" tanong niya out of nowhere.
"Uhh, Oo bakit?"
"I think he likes you."
What the? Date natin to Clarence! Bakit mo sinisingit si Jarence? T-T
" Ahh.. A-a-ano ba yang sinasabi mo Clarence?"
"Ang totoo niyan, kaya kita dinate ay para matahimik yung kapatid ko. Sorry to say this, Sienna. Pero pinilit lang talaga ako ng kapatid ko na i-date ka. May girlfriend ako ngayon at seryoso ako sa kanya. Hindi ko gustong ituloy pa 'to dahil alam kong masasaktan ka. I'm sorry."
And after nun..
Umalis na siya..
Nawala na siya sa harapan ko..
At nararamdaman ko nalang ang mainit na likido na dumadaloy sa aking pisngi..
Alam ko naman na hidni siya seryoso..
Hinanda ko na yung sarili ko dito diba?
Pero bakit ang sakit?
Bakit ang sakit sakit? :"(