Confused

172 6 1
                                    

Jarence's POV

Ilang linggo narin ang lumipas, at araw-araw parin kaming magkatext ni Sienna. Di ko alam kung bakit,pero kahit na masasama yung mga kinukwento niya tungkol sakin parang okay lang. Wala naman akong magagawa eh.

Isa pa, hindi niya ko kilala. Ang alam niya lang Andrei yung pangalan ko.

Si Lysa lang naman yung tumatawag saking Andrei eh. Pero mukhang malabo na talagang maayos yung nasira naming relasyon lalo na't pumunta na siyang ibang bansa at dun niya ipagpapatuloy ang pag-aaral niya.

Masaya naman ako ngayon. Tapos si Sienna, kung anu-anong advice yung pinapayo sakin. Hindi ko alam kung pinagti-tripan ako o kung seryoso ba siya.

Hindi narin siya gaanong nagpopost ng mga pictures ko sa page niya na ANTI-JARENCE sa Fb.

Simula ng nangyari sa Mcdo, kumalat sa school namin na buntis siya at ako ang ama. Kaya sobra siyang umiwas sakin. Tapos ise-share niya sakin yung saloobin niya. Ako naman papayuhan ko siya.

Friends kami. Pero hanggang text lang. Lagot na pag nalaman niyang ako yung nakakatext niya. Kaya maingat ako siyempre, para di niya ko mabuko.

Ang dami ko na ding nalaman tungkol sa kanya. Maliban pala dun sa Kyla At Gaile, meron pa siyang kaibigan. Kaso daw, nag-aral na sa ibang bansa.

May kuya din pala siya, kaso nagtatrabaho na sa ibang bansa. Favorite food niya naman ay bicol express, mahilig din siyang manuod ng asian movies at magbasa ng pocketbooks. Favorite color niya naman, blue. Mahilig din siyang kumanta. Nakakatuwa din pala siya kausap. Ang dami kasi nilang pagkakapareho ni Lysa.

Bakasyon na namin ngayon.

Sa pasukan,3rd year na ko. Si Sienna naman 2nd year na.

Ang saya lang! Kasi sa isang school lang kami pumapasok.

Nagugustuhan ko na ba si Sienna?

NO WAY!

Oo, marami silang pagkakapareho ni Lysa. Pero nag-iisa lang si Lysa para sakin.

Bakit ba isip ako ng isip kay Sienna?! Wala lang nawan siya para sakin. Katuwaan ko lang dahil wala akong mapaglipasan ng oras.

Tama! Libangan ko lang si siya. Yun lang. Hayst!

Birthday na nga pala niya bukas, at invited ako. Bahala na. Di ko alam kung bakit ako umoo.

----------

Sienna's POV

Today is my birthday. :)

April 7 na ngayon. 18 years old na rin ako. Gusto nila mama at papa ng bonggang debut para sakin. Pero sinabi ko sa kanila na mas gusto ko ng simpleng handaan lang.

Sa garden namin icecelebrate yung birthday ko. Invited yung friends ko siyempre. Inimbitahan ko si Andrei, at pupunta naman daw siya. At last, magkakakilala na rin kami :') Naging close din kami.

Sa mga nakalipas na linggo, maraming nangyari. Una, si Kyla naiinlove na kay Crisostomo. Kahit hindi niya aminin halata naman namin ni Gaile. Pangalawa, nanliligaw na yung pinsan kong si Sean sa bestfriend kong si Gaile. Pangatlo, umuwe pa galing sa ibang bansa yung kababata ko para lang maka-attend sa birthday ko, pero babalik din siya agad dun. Binalita ko din yun kay Kyla at Gaile. Kilala naman nila yun, pero hindi nila masyadong close.

***

7:00pm

Dumating na sina Gaile at Kyla. Naka-cocktail kami. Tulad ng sinabi ko, mas gusto ko ng simpleng salu-salo. Pinapunta ko din yung mga kaibigan ni Sean, kakilala ko naman yun eh.

Madaming pinahandang pagkain sina mama. At may maliit na stage sa unahan. Medyo marami na ding tao sa garden.

Kasama ko ngayon si Kyla at Gaile sa kwarto ko. Retouch lang muna kami. Naikwento ko din sa kanila yung tungkol kay Andrei. Excited naman sila ma-meet yun.

7:30pm, tapos na kami magpaayos saka kami bumaba.

"Good evening everyone! Thank you guys for coming in this special day of my daughter Sienna. Enjoyyy!" mama ko yan. Haha feeling mc eh :'p

May videoke din siyempre. Kanta kanta yung mga guests, yung iba kumakain na.

Kaliwa't kanan yung mga bumabati sakin.

Nung medyo napagod na ko, umupo muna ko sa my bench, medyo may kalayuan sa mga tao.

Gusto ko muna mapag-isa. Pupunta kaya si Andrei?

Maya-maya, dumating na si Sean kasama yung mga kaibigan niya, lumapit ako sa kanila siyempre. Nung natapos ko na silang asikasuhin, bumalik ulit ako sa bench na inupuan ko kanina.

Tumingin ako sa langit at pinagmasdan ang magagandang bituin.

"Happy Birthday Sienna" galing yung boses sa likod ko. At pamilyar yun.

Paglingon ko, hindi ako nagkamali. Si Jarence nga.

"Oh hi Jarence, thank you. Di ka yata sumabay kina Sean?"

mukha naman siyang naguluhan. Diba, kaya siya nandito dahil pinapunta ko yung mga kaibigan ni Sean? Di ko lang ineexpect na pupunta siya.

----------

Jarence's POV

"Happy Birthday Sienna"

bati ko sa kanya. Kanina ko pa siya

tinititigan na mukhang may hinihintay.

Pumunta ako dito para lang batiin siya at para sabihing ako si Andrei na nakakatext niya.

"Oh hi Jarence, thank you. Di ka yata sumabay kina Sean?"

Niyaya ako kanina ni Sean sa birthday, pero di ko naisip na dito niya rin pala ko yayayain, tinanggihan ko siya.

"A-ahh! Oo, hehe. Ah, eto regalo ko." saka ko inabot yung kahon. Nagulat naman siya. Di niya siguro inaaasahan. Di pa nga siguro to yung oras pala malaman niya yung totoo. Tss! Kung kelan naman aaminin ko na oh.

"Thank you! :) tara dun, kain ka muna" sinundan ko naman siya.

Sinalubong naman kami ni Sean. LAGOT NA.

"Sienna saan ka galing?kanina ka pa namin hinahanap. Nandito na yung kababata mo. nagcr lang, sino nga yun? Alice? Allyson? Ah! si Allysa sabi ng mama mo!--Oh? Jarence, nandito ka pala! Akala ko ba may importante kang lakad? Ikaw talaga.haha!"

Sabi ko na eh, patay na ko dito.

"Siennaaaaaaa!"

hooh! Ligtas ako :) Haha, may tumawag kasi kay Sienna,mula sa likod ko.

"Allysa! Buti naman at nakarating ka! :)" tuwang tuwang sabi ni Sienna.

Lumapit si Sienna dun,kaya sinundan ko siya ng tingin.

O____________O

Si Lysa?!

nanlaki din yung mata niya nung nakita niya ko.

"Andrei?" -Lysa

Tumingin sakin si Sienna at binalik ang tingin sa kaharap niyang si Lysa.

"Ah, Allysa,si Jarence, Jarence kababata ko,si Allysa" pagpapakilala niya samin.

"Ah,Sienna. I know him. He's Jarence Andrei, my ex."

°° ♥ °°

A/N: Hello guys! Keep supporting ha! :') Ittry kong magupdate agad. Vote kayo and comment narin.

Wrong Send [ ON GOING ]Where stories live. Discover now