Pananagutan? What the! Hanggang ngayon naiisip ko padin yung sinabi ng manyak na si Jarence.
3 araw na din ang nakalipas at hanggang ngayon, hindi padin ako nagpapakita sa kahit sino. Nag-aalala na nga si Gaile at Kyla. Paaano ako haharap sa kanila na ganito ang estado? :( Huhuhu.
Wala na kong mukhang maihaharap sa mga kaibigan ko. :'(
Wala na yung .. wala na yung.. wala na yung 1st kiss ko! WAAAAAAAAAAHHH TT-TT
Heto ako ngayon sa apat na sulok na kwarto ko. Nagbabasa ng libro ni Veronica Rossi na Under the Never Sky, para libangin ang sarili..
“That was my first kiss," she said. "My first real one."
He brought his head close, resting his forehead on hers. Blond waves fell around her face, soft against her cheeks. His chest rose and fell as he drew in a breath. "Felt like the first real one for me, too.”
Pati ba naman si libro! Pinapaalala sakin yung first kiss ko :(((((((( HUHUHU </3
Hindi ko na tinuloy pa ang pagbabasa dahil nagfaflashback lang sa isip ko yung nangyari samin sa sinehan ni Jarence.
Binuksan ko nalang ang fb ko..
scroll..
scroll..
scroll..
scroll..
[Jarence's status]
“It wasn't that long, and it certainly wasn't the kind of kiss you see in movies these days, but it was wonderful in its own way, and all I can remember about the moment is that when our lips touched, I knew the memory would last forever.”
Nananadya ba talaga ko tong Jarence na 'to?!
Pwes! Hindi ako papaapekto. Sus! Parang nagdikit lang yung lips namin eh. Yun lang yun. Hindi yun kiss. It's.. uhmm.. it's.... It's my first kiss. :(
Hayy! Kakalimutan ko na nga yun! Basta walang malisya yun.
*tok tok*
"Sienna anak, may bisita ka sa baba." tawag sakin ni mama sa labas ng kwarto ko.
"opo, wait lang."
Inayos ko yung sarili ko. For sure si Gaile o di kaya naman si Kyla yun. Nung isang araw pa kasi sila pabalik-balik dito pero hindi padin ako nagpapakita sa kanila. Ngayon, buo na ang loob ko. Magpapakita na ko sa kanila. Narealize ko na dapat kalimutan ko na lang yung nangyari. Aarte ako na parang walang nangyari. Ang henyo mo talaga Sienna! Hindi dapat malaman nila Gaile at Kyla yun. Naisip ko din na baka lalo silang magduda sa kinikilos ko kapag pinagpatuloy ko tong pagkukulong ko.
Bumaba na ako sa sala..
At hindi siya ang inaasahan kong makita!
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" sigaw ko sa kanya. OO! SIYA! Si Jarence. >.<
"Anak! Ganyan ka ba sa bisita mo? Umayos ka Sienna at aalis lang kami ng papa mo saglit." at yun sinaway ako ng magaling kong nanay at lumayas na sila ni papa.
"Narinig mo naman siguro si Tita. Nandito ako para panagutan ka." sabay ngisi!
"Hindi ko babaliin ang pangako ko. Ipapaalam ko na din sana kina tita at tito yung nangyari satin, kaso umalis naman sila." dagdag pa niya.
Lagot ako kay mama pag nalaman niya yung nangyari samin T-T BAWAL MANGYARI YUN!
"WAAAAAAAG! Wag na wag kang makalapit lapit sa nanay at tatay ko! At wag na wag mong ipaalala yung nangyari satin!" sigaw ko sa kanya!
"Sienna? Jarence? Anong? Panong? May nangyari sa inyo????"
Hindi ko napansin na nakapasok na pala ng bahay si Kyla at Gaile. :( LAGOT!
"Ah-ahh! Kanina pa kayo dyan?" tanong ko sa dalawa.
"Oo at narinig namin yung pag-uusap niyo kanina pa." sabi ni Gaile at ang sama ng tingin niya samin ni Jarence.
"At Jarence? Pakiulit yung sinabi mo? Nandito ka para panagutan si Sienna?" dagdag pa ni Kyla.
"Yup girls! You heard it right." kampanteng sagot ni manyak. take note. Naka-cross legs pa!
"Ahh-ahhhh! Gaile! Kyla! Ibig sabihin ni Jarence, Ililibre niya ko. Oo! Yun nga. May kasalanan kasi siya sakin at pananagutan niya yun sa pamamagitan ng panlilibre sa akin. Ahmm. Upo muna kayo."
Nilakihan ko ng mata si Jarence na para bang sinasabing, makisakay nalang siya. Bawal malaman nila Gaile yung totoong rason. Nakakahiyaaaaaaaaaa!
Umupo naman si Gaile at Kyla sa couch sa sala.
"Totoo ba yun Jarence?" paniniguro nung dalawa.
Shit! Say Yes Jarence ! Please! Sayo nakasalalay ang buhay ko! >:(
"Ah. So ganun pala yun Sienna.. pwede ba nating sabihin sa kanila yung kasalanan ko?" pang-aasar ni Jarence! GRRRR!
Baka makahalata yung dalawa. Patay na!
"Ahhh. Kasi ano.. kasi.." hindi ko na naituloy ang sasabihin kong palusot nung sumingit si Kyla.
"Wag ka muna magsalita Sienna. Jarence. Umamin ka! Anong kasalanan yun at kailangan mo pang panagutan ang bestfriend namin?"
Huhu, nakakatakot yung dalawa. I swear.. :(
" ANONG PANANAGUTAN?" boses ng nanay at tatay ko mula sa pinto.
ETO NA NGA BA ANG IKINAKATAKOT KO EH. :( Ipit na ipit ako sa gitna. Walang kawala. ANONG GAGAWIN KO??? HELP ME JARENCEEEEEEEEE! . :((