Ang ganda ng Catching fire!! Muntik na mamatay si Peeta buti nalang sinave siya ni Finnick ayun. Tapos m 75th annual hunger games na! Sabay meron na din district 13th! Ano pa gusto niyong malaman? Spoiler alert!!! HAHAHAHAHAHAHA
Nandito padin kami sa loob ng sinehan. Eto si Jarence sa tabi ko at naglalaro lang ng Zombie Tsunami sa cellphone niya, hindi niya pa daw napapanood yung Hunger Games kaya hindi ayun, hindi siya makarelate. Buti nga sa kanya. Kuha lang siya ng kuha ng popcorn ko.
Ang kapal talaga ng mukha.
"Hoy Ang kapal naman yata ng mukha mo? Hindi ka ba bibili ng sarili mong popcorn?! Ikaw na nakaubos nito ah!"
"SHHHHHHHHHHH!" sabi ng mga tao sa sinehan, napalakas pagkakasabi ko. Leche naman kasi si Jarence eh!
"Sorry po, buntis po kasi kaya mainit ulo." sabi ni Jarence mga nanunuod.
Siniko ko siya.
"aww! ang sakit babe, oo na po hindi na ko kukuha." tapos tinuloy ko yung panunuo ko.
Kaso ang ingay ng nilalaro ni Jarence! Badtrip! Nananadya yata!
"Hinaan mo nga yang nilalaro mo!" bulong ko sa kanya!
Hininaan niya naman. Nanuod lang ako. At pagkuha ko ng popcorn nakatingin padin ako sa screen, bakit lumaki yung popcorn? Parang nag-iba din yung texture? Parang kamay ng tao? Pag tingin ko, yung kamay ni Jarence nandun! Kumukuha na naman ng popcorn. Nagkatinginan kami. Kung sa mga pelikula, naghahalikan yung mga bida after magsabay sa pagkuha ng popcorn at magkakatinginan, Pwes! Ibahin niyo kami. Tinignan ko lang siya ng masama at kinurot ko yung kamay niya!
"A-Arayyy Sienna!!? Bakit mo kinurot kamay ko?"
"Tanong ba yan? o Nagtatangatangahan ka?" sinabi ko yun ng nakatingin ang mata sa screen.
"Dapat nga pagnagkasabay tayong kumuha ng popcorn magtitinginan. at after ng malalagkit na tinginan dapat magki-kiss!"
Shit talaga tong si Jarence! Pulang pula na yung mukha ko! Nakakahiya.
"So pinlano mong ilagay yung kamay mo sa popcorn ko para kunwari sabay tayong kukuha? Iki-kiss?? In your dreams!" Nanood lang ulit ako. Grrr!
After ilang minuto..
"Psst! Sienna." pagpapansin ni Jarence pero hindi ko siya pinapansin.
"Sienna babes."
Magtawag siya ng magtawag pero hind ko siya lilingunin.
"Sienna! Si Clarence!" sabi niya.
Napalingon ako agad sa kanya at napakalaking pagkakamali ng pag-lingon ko!!!!!!!
Hindi ko alam ng ang lapit pala ng mukha niya sakin at paglingon ko sa kanya, nagdikit yung lips namin! Ilang segundo ang nakalipas ng mahimasmasan ako!
He.. he.. he.. he kissed me :(
My Virgin Lips :( is gone...
Nilayo ko agad ang mukha ko. At nakangiti padin din siyang nakatingin sa akin.
"Nag-enjoy ka?" sabi niya..
Tumayo ako at lumabas ng sinihan. Tulala at wala sa sarili.
Hinabol ako ni Jarence..
"Sienna!" tawag niya pero mas binilisan ko pa ang lakad ko.
Unti-unting lumalabo ang mata ko dahil sa luha.
Hinila niya yung braso ko at hinarap niya ako sa kanya.
"Sienna.. why are you crying?"
"AHUHUHUHUHUHUHUHUHHUHU! Walangya ka! Wag mo kong ma-english english! Manyak! Bastos! Wala na! Wala AHUHUHUHUHUHUHU. Kinuha mo na ang hindi dapat makuha sakin!" ngawa ko!
"Umayos ka nga! pinagtitinginan na tayo!" saway niya sa pag-iyak ko.
"Wala na!!!!!! WAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH! Huhuuhuhuu. Wala naaaaa! Kinuha mo na ang first kiss ko! I hate you!!!!!!!!!!!!!!!"
"HAHAHAHAHA! Umiiyak ka dahil dun? Wag kang mag-alala...
Pananagutan ko yun."