"Babe, don't cry"

120 4 0
                                    

"SIENNNAAAAAAAAA! KANINA PA TONG MANLILIGAW MO SA BABA! ABA! MAHIYA KA NGA. MASAMANG PAGHINTAYIN ANG BISITA!" 

Kanina pa ako kinakatok ni mama dito sa kwarto ko, mga 5 minutes na. Hays! Ang oa talaga kainis!

1 pm na, at nakaligo na naman ako. Actually ready to go na, kaso pag naiisip kong si Jarence yung makakasama ko nawawalan ako ng gana. Isabay mo pa yung dalawa kong bffs :"(

Nabasa ko yung fb status ni Gaile na mamasyal daw sila ni Kyla kasama si Crisostomo. Ang dayaaaa! Hindi man lang nila ako inaya. 

Pero, wala akong karapatang magalit. Kasalanan ko naman kasi eh. 

"Opo! Wait lang."

***

[MALL- 2pm]

"Babe, sabi sakin ni tita at tito hindi ka pa daw kumakain mula kahapon. " feeling pogi tong si Jarence habang naglalakad kami sa loob ng mall.

"Wag mo nga ako ma-babe-babe! Uuwi na ko mamayang 2:15 PERIOD." 

"Hindi pwede. Magtataka sina tita at tito. Ang paalam ko mga 7 pa kita ihahatid.Mwahahah!" at ang sarap putulin ng dila niya! Grrr! Dilaan daw ba ako?!

Binilisan ko yung lakad ko.

"Babe! Wait lang naman, hindi ka mabiro." at hinawakan niya ko sa braso para bang pinipigilan akong umalis.

"Isa pang babe mo pipitikin ko na yang bibig mo!" pananakot ko. 

"Pipitikin o Kikissan?" At tumakbo na siya bago ko pa ihampas yung bag ko.

***

After naming kumain, niyaya niya kong manood ng sine.

At agad akong tumanggi! Mamaya magkaroon ng part II yung kiss scene namin dati. Eeeew! Bakit ko ba inaalala yun. Nasusuka ako.

"HINDI! AYOKO! Walang magsisine." sakto, nasa tapat na kami ng sinehan.

"Sure ka?" tanong niya habang nakangiti.

"Yes!" mabilis kong sagot.

"Eh ayun yung dalawa mong kaibigan oh! Kasama yung nerd niyong kaklase." sabi niya sabay turo sa likod ko.

Agad akong lumingon, at tama nga siya. Magkakasama sina Kyla, Gaile at Crisostomo papasok ng sinehan.

"Nagbago na isip ko, tara na't bumili ng ticket."

"Sure babe." 

***

[Inside the Cinema]

Nasa likod kami ni Jarence at nasa unahan naman namin nakaupo yung tatlo.

"Babe, say ahhhh--" susubuan niya ba naman ako ng pop corn. Tinapik ko yung kamay niya at nalaglagan yung ulo ni Crisostomo.

"Babe!" Kinuha ko yung mukha niya at niyakap para di kami makita, palingon kasi si Crisostomo at sira ang plano pag nalaman ng bffs ko na magkasama kami ni Jarence.

"Ang PDA naman ng nasa likod, tara lipat tayo." boses ni Gaile yun. Alam kong hindi nila kami nakilala dahil yakap yakap ko si jarence at kung titignan, mukha kaming naghahalikan. YUCK!

At nang maramdaman kong umalis na sa harap namin yung tatlo, agad kong tinulak si Jarence.

"Ngiti ka dyan! Manyak!" at pinalo ko sya sa braso.

"Look who's talking? Manyak? Ako? Eh sino ba ang yumakap sakin, kulang nalang halikan mo ko eh."

"Tama na nga daldal! Tara sundan natin sila!"

Hindi ko na sila makita dahil ang dilim at malapit na din magsimula yung palabas.

At sa huli, bumalik nalang kami sa upuan namin, hindi na kasi namin nikita yung tatlo :"(

Hindi ko iniintindi yung palabas. Naluluha nalang ako dahil sa lungkot. Nakakalungkot iwan ng kaibigan. Awtss lang. :(

"Shhh, Sienna, umiiyak ka ba? Tahan na.Hayaan mo, makakapoints kadin sakin mamaya." Leche tong manyak na to.

Di ko lang siya pinansin, at maya-maya pa inabutan niya ko ng panyo.

Kinuha ko naman agad dahil puro uhog na mukha ko.

"Magpunas ka, nakakahiya baka isipin ng mga tao na nakikipagdate ako sa uhuging babae."

Kinurot ko nalang siya sa tagiliran. Minsan, may nagagawa din palang tama tong lalaking to. 

"Hayaan mo. Ako? Hindi kita papaiyakin."

Ewan ko kung seryoso siya, pero medyo kinilig ako sa sinabi niya. Medyo lang naman..

Wrong Send [ ON GOING ]Where stories live. Discover now