Blue Brothers 2: The Lost Prince
A novel by Patrick Louie Ilagan
(Chapter 1 – When A Door Opens)
Whether it’s business or science, St. Patrick’s Academy opens the right door for you!
Maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga salitang nakalagay sa isang grand electronic billboard na makikita sa kahabaan ng Pasig River sa may bandang Tondo. Tuwing summer season hanggang magpasukan, ang advertisement ng nasabing school ang nakalagay.
Isang hapon ay namasyal sa tabi ng Pasig River ang isang binata para maglibang pagkatapos niyang kumuha ng dalawang baldeng tubig. Kasabay ng panonood sa mga ferries at barges sa ilog, brilliant lights ng Jones Bridge, mabilis na pagdaan ng mga tren sa LRT, at bustling area ng Downtown Manila ay ang kanyang pangarap na makapasok sa St. Patrick’s Academy, isang elite boarding school located at the east side of Metro Manila. Sa paglipas ng panahon, the said school maintained its world-class status at pinapasukan pa din ng mga pinakamayaman at pinakasikat sa bansa, pati na rin sa buong Southeast Asia.
“Kailan kaya ako makakapasok dyan? Sa pangarap na lang siguro.” Nakangiti ang binata habang unti-unti siyang bumabalik sa realidad, kasabay ng paglubog ng araw sa may Manila Bay.
P500,000 lang naman ang annual tuition fee ng isang high school student. Hindi pa dito kasama ang miscellaneous expenses such as textbooks, uniform, and other supplies. At kung mangangarap siyang makapasok sa nasabing academy, maski daily allowance yata ay hindi niya makakaya, dahil mahirap lang siya na nakatira sa isang mabaho, madumi at masikip na squatter’s area.
Siya si Bartolome Magtanggol, isang 16 year-old na binata. Bart ang tawag sa kanya ng mga magulang, kaibigan at kapitbahay niya. Kahit laki sa hirap, he has a handsome face. Siya yung tipong tall, dark and handsome na pag inayusan mo at binihisan ay papasang anak ng may kaya. He stands 5’9 in height, at matipuno ang kanyang pangangatawan dahil na rin sa mga trabaho niya bilang water delivery boy at pedicab driver. He has copper tone skin, thick brows and striking eyes, kaya Pinoy na Pinoy ang dating.
Dapat ay junior high school student na siya, pero dahil kailangang gumraduate ang kanyang kapatid sa grade school, napilitan siyang tumigil muna sa pag-aaral. Kahit tanggap niya ay nasasayangan pa din ang binata. Matalino siyang tao at laging nangunguna sa klase.
“Naku, alas-sais na pala! Patay!”, nag-aalalang sabi ni Bart habang iniisip ang kanyang tatay na naghihintay sa tubig na kanina pang inutos sa kanya. Kumabog ang dibdib niya sa kanyang paglingon. Nagulat siya nang makitang nasa harap na niya ang kanyang ama, galit na galit at mukhang nakainom pa.
“T*ng ina naman! Kaya pala kanina pa akong naghihintay sa tubig natin, nakatanga ka lang pala dyan! Gago!”, galit na galit na sabi ng kanyang ama sabay batok at sapak kay Bart. Sa lakas ng suntok ay tumumba ang binata. Natapon din ang tubig na laman ng mga baldeng dinadala niya.
Parang flash flood ang pagbuhos ng tubig sa kalye. Nasayang lang ang isang oras na pagpila ni Bart para lang makapag-igib. Halos tumigil ang mundo ng mga nakiki-usyosong pedicab drivers, magbubuko, at mga tindera habang pinapanood ang pagbugbog ng ama sa kanyang anak.
“Bwisit na buhay ‘to!”, sabay sipa ng ama sa kanyang anak. “Eto tatandaan mo. Kahit kailan, hindi ka makakatapak sa eskwelahang pinapangarap mo, dahil mas mahirap pa tayo sa daga! Naiintindihan mo ‘yun?!”, nanlalaking matang sabi ng ama habang dinuduro ang anak.
“Ruben! Tama na! Tama na! Tigilan mo na si Bart, utang na loob!”, biglang pagtatanggol ng nanay ni Bart na si Ofelia habang tumatakbo papalapit sa kanyang mag-ama.
BINABASA MO ANG
Blue Brothers 2: The Lost Prince
Teen FictionSeventeen years ago, Tom was in deep pain for losing his newborn child. Now a 35 year-old bachelor owning the prestigious St. Patrick’s Academy, he seems to have a so-called contented and happy life. In the slums, a poor teenage boy named Bart hope...