Chapter 3

3.3K 74 11
                                    

 Blue Brothers 2: The Lost Prince

(Chapter 3 –Things We Say And Do)

 

Holding his towel and his phone, parang kagagaling ni Carlos sa isang conversation. 

“Ano nga ulit yung sinasabi mo kanina? Sorry I didn’t hear it. I was talking with your Tito Shiro about his wedding.”, nakangiting sabi ni Carlos. 

“Ahh, wala po. I just want to say na excited na din po ako sa kasal ni Tito.”, fake na pagngiti ni Fonsy dahil disappointed siya sa nangyari. 

“Sige, matulog ka na. Maaga pa tayo bukas.”, sabi ni Carlos sabay tapik sa balikat ng anak. 

“Dad, can I use my chopper tomorrow morning?”, biglang tanong ni Fonsy. 

Tiningnan lang siya ni Carlos. Makalipas ang ilang segundo ay tumango lang ang ama at pumayag na rin sa gusto ng anak. 

“Good night, Dad!”, sabi ni Fonsy habang nakikita niya ang marahang pagsara ng pintuan. Pakiramdam niya ay walang pakialam sa kanya si Carlos. 

********************** 

Today is another special day for the Blue Brothers, pati na rin sa Academic City community. This day marks the wedding of Kari Domingo and Shiro dela Cruz, the youngest of the Dela Cruz brothers. Matagal na rin silang naghintay bago maikasal. Sinigurado nila ang feelings para sa isa’t-isa kaya naman for the couple, the event is worth the wait. 

The cathedral is filled with cloths and other decorations following the motif – cream and caramel. Major sponsors ang mga kapatid na sina Tom, Carlos at David, kasama na rin si Mindy. Most of the pews are occupied by students of St. Patrick’s and St. Catherine’s. 

Surrounded by the major sponsors, nakatayo ang couple sa harap ng pari, ready to say their wedding vows to each other. Sinimulan nang basahin ni Shiro ang part niya. 

Kari, my sweet love

We were enemies at the start

But somehow you caught my heart

It may not be love at first sight

At least I know that my choice is right

Someday, I’ll write our love story

And realize how we made our own history

A big and happy family we’ll both start

As l love you, ‘til death do us part

Kinilig ang mga tao sa simbahan habang isa-isang binabanggit ni Shiro ang bawat linya ng kanyang pangako. Line by line, nakatingin lang ang binata sa kanyang mapapangasawa, realizing how beautiful she is, standing in front of him. Tilian din ang mga babaeng estudyante habang iniimagine ang sarili nilang kinakasal. 

Then it was Kari’s turn. Different from her partner’s vow, sinabi niya ito sa wikang Filipino. 

Mahal kong Shiro

Masaya ako na ikaw ang makakasama ko habang panahon

Mabuhay man sina Son Goku, Eugene, Ash at kahit si Doraemon

Pangako, sa buhay ko, ikaw lang ang nag-iisang Hapon

Araw-araw, tititigan ko ang mala-Asianovela mong mga mata

Habang sinasabi ko sa sariling “Ang swerte, swerte mo, Kari! Ikaw na!”

Pangako, magtutulungan tayo sa gawaing bahay, sa pag-aalaga ng mga anak

Blue Brothers 2: The Lost PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon