Blue Brothers 2: The Lost Prince
(Chapter 7 – The Rocky Road)
“This will be your room, Bart. Roommates kayo ni Fonsy!”, Tom smiles as he opens the door of the grand suite room located at the top floor of the academy.
Parang nakapunta na ng langit si Bart sa sobrang pagkamangha sa laki at ganda ng kwarto. Pakiramdam niya ay nakapasok siya sa isang ballroom na nakikita o nababasa lang dati sa mga libro. Fully-furnished lahat ng mga gamit at ibang facilities, talo pa ang ibang five-star hotels sa bansa.
“I’m sure okay lang sa ‘yo, Fonsy, na makakasama mo si Bart sa isang kwarto? The fact na ikaw ang nagdala sa kanya dito… that means, responsibilidad mo rin siya.”, nakangiting sabi ni Tom habang hawak ang mga balikat ng kanyang pamangkin.
“Oo naman po, Tito! Two beds naman po saka para may makasama na rin ako sa room. Masyadong malaki for me.”, Fonsy smiles.
“Sigurado ka?”, nahihiyang sabi ni Bart.
“Ano ka ba? Sa sobrang laki ng kwartong yan, may posibilidad pa ngang di tayo magkakitaan dyan.”, natatawang biro ni Fonsy para maging at ease si Bart. Nagtatawanan lang ang dalawang binatilyo.
Papasok na sana sila sa kwarto dala ang mga bagong uniform at school supplies ni Bart nang biglang may dumating at hinarang ang kanilang pagpasok.
“Hep hep hep! Sinong may sabing dyan ka matutulog?!”, maangas na pagharang ni Carlos kay Bart. “Dun ka sa baba… sa lungga ng mga scholars. Hindi rito! Masyadong sosyal yan para sa ‘yo!”
“Hindi, Bart! Ako ang may-ari ng school na ‘to at ako na ang nagsasabing dyan ka matutulog. Sige na. I-unload mo na yang mga gamit mo sa loob… sige na!”, firm na sabi ni Tom bilang pambara sa sinabi ni Carlos. Tahimik na papasok ng kwarto si Bart.
“Kahit na ba! Kwarto yan ng anak ko! Saka diba… mga Dela Cruz lang ang pwedeng mag-stay dito sa top floor? Commoners on the lower floors?”, galit na sabi ni Carlos.
“I checked the rooms at puno nang lahat! Pati St. Catherine’s puno na rin!”, sabi ni Tom.
“See? Yan ang sinasabi ko sa ‘yo, Tomas! Tatanggap-tanggap ka ng estupi–este–estudyante dito tapos hindi mo naman pala ma-aaccommodate! Para kang mga bus na nagpapasakay kahit nakatayo na… kahit siksikan na!”, birada ni Carlos habang dinuduro ang kapatid.
“Wala ka pa ring pinagbago, Caloy! Naaalala ko pa rin kung paano mo ako halos ihulog sa bintana ng kwarto natin dati dahil ayaw mo lang akong makasama! Tapos ngayon… pati ang inosenteng binatilyo… pagt-tripan mo pa!”Seryosong galit na ang tono ni Tom.
“Dad… it’s fine with me! Bart’s my friend. Remember na kung hindi dahil sa kanya, baka lumulutang na lang ako sa ilog.”, Fonsy interrupts their discussion.
Lalo lang nag-init ang ulo ni Carlos nang ma-corner siya nina Tom at Fonsy. Alam niyang this time, wala siyang laban.
“Sige! Bahala kayo! Tomas, huwag mo akong sisisihin kapag may mga gamit na nawala dyan!”, galit na sabi ni Carlos habang napapakamot sa ulo.
“O, siya! Tapos ang usapan! Good night, Caloy!”, sarcastic na sabi ni Tom habang natatawa deep inside dahil siya ang nanalo over his demanding brother. Carlos just smirked at him.
BINABASA MO ANG
Blue Brothers 2: The Lost Prince
Teen FictionSeventeen years ago, Tom was in deep pain for losing his newborn child. Now a 35 year-old bachelor owning the prestigious St. Patrick’s Academy, he seems to have a so-called contented and happy life. In the slums, a poor teenage boy named Bart hope...