Chapter 11

2.9K 70 19
                                    

Blue Brothers 2: The Lost Prince

(Chapter 11 – The Evidence)

“Ano?! Si Bart?! Si Bart si Baby Thomas?!”, gulat na gulat na sabi ni Kari at hindi siya makapaniwala sa mga ikinuwento ni Shiro.

“Tahimik lang muna tayo. Hangga’t wala pang patunay, o ebidensya… wala tayong sasabihin kay Kuya Tom!”, biglang pagpigil ni Shiro sa asawa.

Ipinaliwanag ni Shiro na hindi sapat ang mga theories at haka-haka. Ang paniniwala niya ay kailangan pa rin ng concrete evidence  para mapatunayang si Bart nga ang nawawalang anak ni Tom. There has to be a scientific proof.

“DNA test?! O, eh papaano ka kukuha ng samples sa kina Tom at Bart nang di nila nalalaman?”, tanong ni Kari.

“Akong bahala!”, nakangiting sabi ni Shiro. “I have a bright idea!”, pahabol pa nito sabay kindat kay Kari.

**********************

“Okay, class! Hand me your assignments! Lagyan niyo rin ng pangalan niyo ang samples.”, nakangiting sabi ni Shiro habang kinokolekta ang hair strand samples ng mga estudyante na nakalagay sa isang zip-lock plastic bag. Pinagawa ito ni Shiro sa lahat ng sections ng kanyang World History classes para hindi mahalatang hair strand lang ni Bart ang gusto niyang makuha.

“Tutal, our topic is about radiocarbon dating… I have a friend na makakapag-analyze ng inyong ancestry based on your given samples.”, pagpapaliwanag pa ni Shiro.

“Eh, Sir!”, biglang taas ni Bart ng kanyang kamay. “Matutulungan po ba ako ng assignment para mahanap ang tunay kong mga magulang?”, tanong nito.

“Tingnan natin. I’ll do everything I can.”, nakangiting sabi ni Shiro. Pinipigilan lang niyang matawa sa biglang tanong ni Bart.

“Sana mahanap mo na ang parents mo.”, biglang sabi ni Tammy kay Bart as she opens her textbook.

“Sana nga. At ikaw…”, agad ipinatong ni Bart ang kanyang kanang kamay sa left hand ng dalaga. “Sana makaget-over ka na kay Fonsy!”

“Ikaw… atat na atat kang makalimutan ko si Fonsy! You talaga! Siguro you like me, ano?”, pabirong sabi ni Tammy. Di maiwasan ang pamumula ng mukha ni Bart.

“Oy! Hindi ah!”, defensive na sabi ng binata.

“Joke lang!”, nakangiting sabi ni Tammy. “Wag ka masyado mag-eat ah. Remember, I’ll treat you for merienda sa Flavors.”, pahabol ng dalaga.

“Oo naman! Excited na akong kumain mamaya. Salamat!”, natutuwang sagot ni Bart.

**********************

Tuwang-tuwa si Mindy matapos makipag-usap kay Shiro through a phone call. Tamang-tama na kapapasok lang ni David kasama ang dalawang bata na sina Austin at Audrey.

Blue Brothers 2: The Lost PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon