Chapter 15 (Part 1 of 2)

2.8K 66 7
                                    

Blue Brothers 2: The Lost Prince

(Chapter 15 – All is Fair in Love and War - Part 1 of 2)

“Before I answer your question… is it okay if we go somewhere else?”, biglang kabig ni Tammy para agad na makaiwas sa pagtatanong ng binata. May sagot na siya sa kanyang isip pero minabuti na muna niyang patagalin ang pagsasabi para matimbang ang mga bagay-bagay.

“Saan?”, nagtatakang sabi ni Bart.

“To a special place… to a place where my heart is at peace.”, mahinahong sabi ni Tammy. As she wipes her tears with a white handkerchief, she convinces Bart to come with her.

“Kung saan mo gustong pumunta, sasamahan kita.”, nakangiting sabi ng binata as he lifts the girl’s right hand and kisses it.

“Sana nga. Sana nga makasama ka sa lahat ng pupuntahan ko.”, malungkot na sabi ni Tammy. Bakas pa rin sa kanyang mga mata ang lungkot at panghihinayang.

**********************

Tahimik na nagliligpit si Nadine ng kanyang mga gamit at isa-isa itong inilalagay sa isang malaking box. Today is her last day as Carlos’s lover and secretary. As she packs her things, sumusulyap-sulyap pa rin ito sa kanyang dating nobyo, na ngayon ay galit at masama ang tingin sa kanya.

“Bilisan mo na dyan. Ayaw na ayaw kong nagtatagal ang kalat sa lobby ng office ko!”, galit na sabi ni Carlos sabay tabig sa mga papeles na nakalagay sa desk ni Nadine.

“Carlos…”, biglang banggit ni Nadine.

“Sir Carlos dela Cruz!”, gigil na gigil na pagkasabi ng principal habang dinuduro ang noo ng kanyang dating nobya.

“Alam kong hindi na talaga maibabalik ang relasyon natin, pero sana mapatawad mo pa rin ako.”, sabi ni Nadine habang buhat-buhat na ang kahon.

“You’re free to go. Ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo. Niloko mo ako. That’s it! Goodbye!”, mariing sabi ni Carlos sabay bukas ng pinto para mabilisang makalabas si Nadine.

“To clear things… I resigned first… before you fired me.”, mataray nang sagot ni Nadine.

“I don’t care! Basta sa mata ko… you are now a whore!”, sabi ni Carlos with great emphasis on the last word.

Sasampalin na sana ni Nadine ang principal pero sadyang mas mabilis ang malakas na braso ni Carlos. Agad niya itong napigilan, bagay na nakapagpasakit pa ng kamay ng dalaga.

**********************

Mabilis ang pagtakbo ng isang elegantang limousine sakay ang kinagisnang pamilya ni Bart na sina Ofelia at Otep. Manghang-mangha ang mag-ina nang bigla nilang makita ang matataas ng gates ng Blue Sky Mansion.

“Nandito na po tayo.”, nakangiting sabi ni Tom na nasa tabi lang nila.

Blue Brothers 2: The Lost PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon