Blue Brothers 2: The Lost Prince
(Chapter 2 – Say What You Wanna Say)
Isa sa mga sideline ni Bart ay ang pagiging delivery boy ng bigas. Gamit ang tricycle, nakakarating siya sa iba’t-ibang parte ng Maynila, kahit pa sa mga gated residential areas na ibang-iba sa squatter’s area na kanyang ginagalawan. Maaga pa lang ay rumaraket na siya para kumita nang malaki at makatulong sa pamilya.
Excited ang binata dahil muli ay bibisitahin na naman niya ang isang malaki at mala-palasyong bahay, hindi dahil sa gusto niyang mag social climb. Dito kasi niya nakikita ang isang babaeng gustong-gusto niya. Every Monday morning, nasisilayan at nakakausap niya pa ang kanyang crush – si Carrie.
“Good morning, Ms. Carrie!”, nakangiting pagbati ni Bart pagkababa sa kanyang tricycle. Talagang nag T-shirt at jeans pa ang binata to make an impression, kahit na naka-tsinelas pa din siya. He brushes his hair upwards, para dagdag pogi points.
“My gosh! You again?! Grabe, Mondays are soooo parusa talaga for me. Imagine seeing your face before going to school.”, pag-irap din ni Carrie delos Santos, isang 16 year-old high school student na suot ang preppy at magandang uniform ng St. Catherine’s Academy – white blouse with blue necktie, brown-checkered skirt, and a fiery red blazer. May dala itong malaking bag na naglalaman ng mga gagamitin niya for one week sa boarding school.
Carrie is petite yet super pretty. She is fair-skinned, sports this shoulder-length hair and always wears a happy smile. Her deep, almond eyes add glamour to her beauty. Her father is pure Filipino but her mother is Malaysian, making her a Fil-Malay chick. Maganda na kung maganda, pero may pagka-mataray at sosyal ang ugali ng dalaga.
“Aba, Ms. Carrie! Lunes na Lunes eh binibwisit niyo ang sarili niyo. Ngiti naman dyan!”, makulit na pagkasabi ni Bart na kunwari’y hahawak sa chin ng dalaga.
“Eww! Don’t touch me! Mamaya kung saang putik mo pa hinawak yan, noh! Or worse…”, pandidiring sabi ni Carrie habang pasimpleng umiiwas.
“Grabe naman kayo! Por your inpormation, tuwing pupunta ako sa inyo eh three times ang linis at ligong ginagawa ko. Nakakahiya naman kasi sa ‘yo, ang ganda ganda mo pa naman!”, sabay kalabit ng binata sa pisngi ng dalaga.
“Aaaaarrgggh! You make me sick! Kadiiiirriii! Alam mo, ipasok mo na lang yung mga sacks of rice sa loob. You’re putting too much stress on me. Umagang-umaga! Just go inside!”, pantataboy na sabi ni Carrie. Agad na binuhat ni Bart ang mga sako at inilapag ito malapit sa garden ng mansyon kung saan kukunin na ito ng mga katulong.
“Magkano, pogi?”, tanong ng isang katulong habang kinukuha ang kanyang pitaka mula sa bulsa ng kanyang maid uniform. “Nagtaas po ng presyo eh. Dagdag P75!” Napapakamot na lang sa ulo si Bart dahil maski siya ay natataasan din sa mga presyo ng bilihin.
Aalis na sana ang binata nang maisipan niyang kulitin ulit si Carrie bago man lang pumasok sa school ang dalaga.
“Carrie, bigas ka ba?”, pagsisimula ni Bart ng isang pick-up line. Tumataas na naman ang kilay ng sosyal na dalagita na para bang obligado siyang mag ask back. “Bakit?”
“Ang sarap mong ilagay sa sako! Hahaha!”, pangungulit ni Bart sabay tawa nang malakas. Sa sobrang asar ni Carrie ay malakas niyang sinipa ang kanang binti ng binata. “Arekupo!”, pag-daing ni Bart sa sakit.
“Ayan, buti nga sa ‘yo!”, natatawang sabi ni Carrie. Tuloy sa pag-aaway at pagtatalo ang dalawa, habang hindi nila napapansin ang pagdating ng isang red convertible sports car. Isang binata ang nagmamaneho ng magarang sasakyan, at habang nagpa-park siya malapit sa bahay nina Carrie ay makikita niya ang pag-aaway. Agad itong titigil at lalabas ng kotse.
BINABASA MO ANG
Blue Brothers 2: The Lost Prince
Teen FictionSeventeen years ago, Tom was in deep pain for losing his newborn child. Now a 35 year-old bachelor owning the prestigious St. Patrick’s Academy, he seems to have a so-called contented and happy life. In the slums, a poor teenage boy named Bart hope...