Chapter 12

2.9K 74 21
                                    

Blue Brothers 2: The Lost Prince

(Chapter 12 – I Am Your Father)

THIS CHAPTER IS NOT SUITABLE FOR VERY YOUNG READERS. PARENTS STRONGLY CAUTIONED.

“H-hindi ka ba natatakot?”, nanginginig na sabi ni Fonsy habang nakikipag-usap kay Tim sa isang sulok ng hallway – kung saan walang masyadong makakakita sa kanilang estudyante. Patuloy ang tulo ng pawis ng junior student habang namumutla na ang itsura nito.

“N-natatakot din. Siyempre reputation natin yung nakasalalay dito diba?”, sagot naman ni Tim na parang wala lang nangyari. To comfort Fonsy, he reaches for the boy’s head at saka ito niyakap nang mahigpit.

“Tim… si Dad! Parang ayoko nang magpakita sa kanya. I’m sure… he will beat me up!” Fonsy’s tears start to fall down. Nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay at braso.

“Everything will be fine.”, nakangiting sabi ni Tim as he pinches Fonsy’s cheek.

“No! It’s not okay! All this time pala, may sumusunod sa ‘tin. May nagbabantay ng bawat kilos natin. How can it be okay?!”, naluluhang sabi ni Fonsy.

“Matatapos din ‘to.”, Tim firmly says while hugging Fonsy.

Another set of shadows appear in the hallway, slowly eclipsing the light in the area. The shadows belong to Bart and Tammy. Kung kanina’y video lang ang nakita ng dalaga, ngayon ay nasaksihan na niya ang gay couple – live.

“All this time…”, panimulang pagsasalita ni Tammy as tears run through her delicate face. “All this time… akala ko chinita ang hanap mo! Chinito pala!”, patuloy niyang sabi habang masama ang kanyang tingin kay Fonsy.

“Tammy… please understand!”, nagmamakaawang sabi ni Fonsy.

“And what’s worse is… my long-time crush happens to be my brother’s boyfriend!”, sigaw ni Tammy. Seeing the girl cry in deep emotional pain hurts Bart so much.

“Bart was right! We should have told you earlier!”, biglang blurt out ni Fonsy in response to her.

Tumigil ang pagluha ni Tammy as her sadness turns into shock and disbelief. Agad siyang napatingin sa kasamang si Bart saying “So matagal mo na palang alam? And yet, hindi mo sinasabi sa ‘kin.” Tears start to fall again. “I thought we’re friends!”

“Sorry. May kasalanan din ako sa issue na ‘to.”, nakayukong sabi ni Bart.

Hindi na siya pinakikinggan ni Tammy. Galit na galit na ito habang isa-isang tinitingnan sina Fonsy, Tim at Bart. “Nakakadiri kayong lahat! You’re all liars… and liars go to hell!” Mabilis na tumakbo ang dalaga at hindi rin siya natiis ng kanyang kapatid na si Tim, kaya’t sinundan siya nito. 

Naiwan sa deserted hallway sina Bart at Fonsy, na may gustong sabihin sa isa’t-isa. Sa una ay speechless ang dalawang binata but as Bart starts the talking, nagsimula na ang kanilang usapan.

Blue Brothers 2: The Lost PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon