Chapter 16 and Epilogue

3.6K 73 13
                                    

Blue Brothers 2: The Lost Prince

(Chapter 16 – The Battle Begins – Book 2 Finale)

THIS CHAPTER CONTAINS SCENES NOT SUITABLE FOR VERY YOUNG READERS. PARENTS STRONGLY CAUTIONED.

“Good afternoon. This is your principal, speaking.” It was a quiet afternoon at Academic City. Normal day lang ito para sa karamihan at tuloy lang ang mga estudyante, faculty at staff sa kanilang trabaho. Pero sa isang iglap, one announcement changed everything.

“We have an emergency. To everyone, please vacate Academic City. Classes are suspended. Bring your things with you.”, firm na pagkasabi ni Tom.

School alarm bells start to ring and everyone is panicking. Sa sobrang dami ng mga taong naglalabasan, hindi rin maiiwasan ang magkatulakan at magkaapakan sa hallway.

“Ang tanga mo naman para magpadala sa tawag na yan! Can’t you see it’s a prank call?! Bobo!”, naiinis na sabi ni Carlos habang wala siyang magawa sa pagpapanic ng mga tao.

“Alam ko ang ginagawa ko. Minsan lang ako kutuban, and this time, I know this is serious.” Masama ang tingin ni Tom sa kapatid.

“Tito, what’s happening?”, natatarantang sabi ni Fonsy. Kalalabas lang niya ng kanyang kwarto. “Si Bart? Asan si Bart?!”

“I’m sorry to say this, but… Bart is kidnapped. May tumawag sa ‘min kanina and he requested this place to be vacated as soon as possible. Dito raw sila makikipag-negotiate.”, paliwanag ni Tom. “Fonsy, please leave. You need to go back to the mansion. Safe ka dun.”

“No, Tito! Bart helped me when I was down… and now… hindi ko siya iiwan.”, Fonsy firmly says.

“Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka! Gusto mong mamatay, ha?! Gusto mo?!” Biglang hinatak ni Carlos ang kwelyo ng anak. Mahigpit niya itong ginusot habang kita ang pagkamuhi sa kanya ng binatilyo.

“Eh ano ngayon sa ‘yo kung mamatay ako?! Hindi mo naman ako mahal diba?! From now on, I won’t recognize you as my dad!”, sigaw ni Fonsy.

“Tarantado!” Isang malakas na pagsapak ang ginawa ni Carlos kay Fonsy, na halos ikabagsak na ng binata.

“Tama na yan!”, biglang pag-awat ni Tom sa mag-ama. “Ano ba naman kayo?! Magkakapamilya tayo.”

Habang nagkakagulo sina Carlos ay dumating na rin sina David at Shiro sa supposed meeting area. Nahahalata rin ang kaba sa kanilang mga mukha pero sinusubukan nilang labanan ito.

“Kuya, St. Patrick’s is clear. Wala nang tao.”, pagrereport ni Shiro kay Tom.

“Yung St. Catherine’s din. Maski mga guards, wala na.”, sabi naman ni David kay Carlos.

“Salamat. Ngayon kailangan na lang nating hintayin yung kumidnap kay Bart.”, sabi ni Tom sabay harap sa pintuang magiging entrance ng sinumang papasok at makikipag-usap sa kanila.

Blue Brothers 2: The Lost PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon