Chapter 5

3.3K 71 17
                                    

Blue Brothers 2: The Lost Prince

(Chapter 5 – On the Same Boat

“Ano nang gagawin natin? I can’t reach my son! Maybe in-off niya yung phone, or walang signal kung saan mang bundok siya napadpad!”, natatarantang sabi ni Carlos habang hinahampas ang kanyang noo. 

His brothers – Tom, David and Shiro, are just watching him roam around his office. Maski sila ay nalilito at naguguluhan na din sa kaiikot nitong si Carlos. 

“Ayan, pag nawawala, saka ka nagiging concerned sa kanya! Pero pag nandyan, halos di mo pinapansin.”, pabirong sabi ni Shiro to lighten up the situation. 

“You shut up!”, sigaw ni Carlos sabay duro kay Shiro. “Ano ba kayo? Parang hindi niyo pamangkin ang nawawala. Kung makapag-relax at makaupo kayo dyan… parang… parang aso lang ang nawawala.” 

“Kumalma ka lang kasi. Nag-iisip din kami dito.”, sagot sa kanya ni Shiro. “Saka pasalamat ka, pinostpone ko muna ang honeymoon namin ni Kari.” 

“Nagtanong na ba kayo sa close friends ni Fonsy? Sina Malik? Raj? Liu siblings?Baka may alam sila.”, suggestion ni David habang nagte-text sa kanyang asawa. 

Nagkatinginan sina Tom at Carlos as they thought of the same idea. 

“Nakausap ko na kagabi yung mga mukhang hoodlum niyang kaibigan. Yung magkapatid na Liu na lang ang hindi ko natatanong.”, sabi ni Carlos sabay upo sa sofa katabi ng kanyang mga kapatid. 

“Ako nang kakausap. I have a meeting with the Student Council mamaya at makakausap ko si Tim. Might as well, kausapin ko na rin si Tammy.”, biglang pag-volunteer ni Tom. 

Habang nag-uusap at nag-iisip ang magkakapatid, biglang may nag doorbell. Carlos checks his interface at nakita niyang si Nadine ito. Mukhang may papapirmahang papeles. He pushes a button and the door opens. 

“Carlos, may papapirma ako…” Nadine suddenly stopped when she saw the Blue Brothers sitting in the sofa. 

“Ahh… I mean…” Nahiya tuloy si Nadine na tinawag niya ang kanyang boss by his first name. 

“It’s okay. Guys, I told her not to call me Sir. Nakakatanda.”, nakangiting palusot ni Carlos sa mga kapatid. 

Patagong nagtawanan sina David at Shiro sa may sofa, habang busy si Carlos sa pagpirma sa electronic pad using a high-tech stylus. His signature will already be sent to the main information center. 

“Thanks”, nakangiting sabi ni Carlos as he gives the stylus to Nadine. Para bang wala siyang inaaala kung siya ay makangiti. Nahahalata na ito ng kanyang mga kapatid. 

“Nga pala… Nadine, could you please come tomorrow nang mas maaga? I need to be informed about my new schedule.”, pahabol ni Carlos bago pa man makalabas ng kwarto ang kanyang secretary. 

“Okay, Carlos.”, nakangiting sagot ni Nadine sabay labas.

“HAHAHAHAHA!” Biglang nagtawanan sina Tom, David at Shiro pagkasara ni Nadine ng pinto. Sa sobrang lakas ay maaring naririnig din ito sa labas ng hallways.

“Anong nakakatawa?”, masungit na tanong ni Carlos. 

“Tsk tsk tsk… babae nga naman. Nakita niyo, relaxed na relaxed ang mokong. Parang walang problema!”, natatawang sabi ni Tom bilang pang-aasar kay Carlos.

“May bago ka na palang tranquilizer eh!”, sabat ni David.

Blue Brothers 2: The Lost PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon