PREVIOUSLY: Pumunta sina Bart at Tammy sa Corregidor at ngayon ay hindi pa sila nakakauwi dahil sa pagbagyo. Samantala, nalaman ni Kari na malabo na silang magkaanak ni Shiro.
AS THE CHAPTER CONTINUES...
Hindi na makakauwi sina Bart at Tammy. Naabutan sila ng malakas na bagyo kaya closed na lahat ng ferry trips pabalik ng Manila. Wala na silang magagawa kundi ang mag check-in sa isang sikat na hotel sa isla. Basang-basa na ang dalawa at pagdating pa nila sa frontdesk ay magugulat na lang sila sa isang masamang balita.
“What?! Isa na lang ang room?”, gulat na tanong ni Tammy.
In-explain ng nasa frontdesk na madaling napuno ang hotel dahil na rin sa iba pang mga na-stranded ngayong gabi. No choice na ang dalawa kundi ang tanggapin ang kaisa-isang room na ito.
“Okay. We’ll get it.”, nag-aalangang sabi ni Tammy.
“May dala ka bang pera?”, tanong naman ni Bart.
“Don’t worry. I have my credit card.”, nakangiting sabi ng dalaga.
Pumasok na rin ang dalawa sa kanilang kwarto. Napaupo lang sila sa kama habang pinupunasan ng towel ang sarili.
“Okay ka lang ba?”, nag-aalalang sabi ni Bart kay Tammy. Nagmukhang basang sisiw ang dalaga sa kanyang itsura kaya nag-offer ang binata na tulungan ito sa pagpapatuyo.
“Bart…” Unti-unti ang pagsulyap ni Tammy sa binata. Habang nakikita niya ang mukha ni Bart, she slowly regrets rejecting him. Habang nagkakalapit ang kanilang mga mukha, nare-realize niyang hindi niya kayang mahiwalay sa kanya.
“Tammy… I love you.”, bulong ni Bart sa dalaga. Hindi na niya napigilan ang nararamdaman. Alam niyang bawal pero mas nanaig ang bugso ng damdamin. At a blink of an eye, he kissed her lips. Feelings escalate as they hug each other.
**********************
“Asan na ba si Bart?” Kanina pang palakad-lakad si Tom sa hallway. Balisang-balisa siya habang isa-isang tinatawagan ang mga kapatid at ibang tauhan ng school.
“Ang ingay mo! Magpatulog ka nga!”, galit na sabi ni Carlos. “Panigurado, naglayas na yang batang yan.”
“Mahal ko ang anak ko! Ikaw, sigurado ka bang minahal mo ang anak mo?!” Masama ang tingin ni Tom kay Carlos na parang naghahamon na naman ng away.
“Wala ka na dun! Hangga’t hindi tumitino si Fonsy, pasensya siya sa ‘kin!”, biglang banggit ni Carlos sabay walkout sa hallway.
Ang hindi alam ni Carlos ay rinig na rinig ni Fonsy ang pinag-uusapan ng magkapatid. Nagkataong nakikinig siya dahil hindi pa makatulog. Hindi napigilan ng binatang tisoy na maluha sa nalaman. Unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asang mamahalin siya ng kanyang ama.
**********************
Kinabukasan, palabas na sina Bart at Tammy sa hotel at mag-aabang na lang ng ferry pauwi ng Manila. Tahimik na ang dagat at tumigil na ang malakas na pag-ulan, pero hindi pa rin natatahimik ang mga puso ng dalawang ill-fated lovers. Balisa pa rin sila sa nangyari kagabi at hindi pa sila nakakamove-on.
Habang nag-aantay sa ferry, biglang nanlaki ang mga mata ni Tammy.
“Papa?!” Napalunok na lang si Tammy at ganun din ang kabang nararamdaman ni Bart nang biglang nagpakita si Warren, kasama ang panganay na si Tim.
“Kids nowadays. Tsk tsk.”, sarcastic na pagngiti ni Warren habang naglalakad papalapit sa bunsong anak.
“Sorry, Papa. But how did you find us?”, nagtatakang tanong ni Tammy.
“Thanks to your credit card. I have some connections and I tracked you down. Sabi ko nga ba’t susuwayin mo ‘ko.”, sagot ni Warren. “And Bart… since nandito ka na rin lang… why don’t you hop in our chopper. I want to talk to you. Guards, get him!”
Isa-isang lumapit kay Bart ang dalawang bodyguards ni Warren. Hindi maintindihan ng binata kung bakit parang forced ang pagkakakapit sa kanya ng mga armadong lalaki. Kahit hindi pa siya pumapayag ay mabilis siyang naipasok sa chopper kasama sina Warrant at Tim. Si Tammy naman ay isinakay ng iba pang bodyguards sa isa pang chopper, para maihiwalay kay Bart.
“Don’t worry, Bart. Iuuwi ka rin naman namin sa inyo.”, nakangiting sabi ni Warren. “Tim, make a prank call to Tom dela Cruz. Tell him that his son is kidnapped.”, sabay bigay ng isang lumang phone sa binata.
END OF CHAPTER 15
Ngayon pa lang ay nanganganib na ang buhay ni Bart, pati na rin ang buhay ng Dela Cruz family. Ano pa ang kayang gawin ni Warren? Matanggap pa kaya ni Carlos si Fonsy? Abangan ang BOOK 2 FINALE sa Sunday!
BINABASA MO ANG
Blue Brothers 2: The Lost Prince
Teen FictionSeventeen years ago, Tom was in deep pain for losing his newborn child. Now a 35 year-old bachelor owning the prestigious St. Patrick’s Academy, he seems to have a so-called contented and happy life. In the slums, a poor teenage boy named Bart hope...