Blue Brothers 2: The Lost Prince
(Chapter 8 – Deep Secrets)
“Kumusta ang klase?”, nakangiting sabi ni Fonsy sa papasok na si Bart. May hint of guilt ang tono ni Fonsy dahil sa insidenteng hindi niya naipagtanggol ang kanyang kaibigan.
“Okay lang naman.”, nakayukong sagot ni Bart na pilit ding ngumingiti para makumbinse ang sariling nag-enjoy siya sa kanyang unang araw, kahit hindi naman. “Ikaw, siguro masayang-masaya ka sa St. Catherine’s? Natupad na yung dream mo.”
“Ahh, oo. Marami nga akong bagong kaibigan eh. Gustong-gusto nila ako. I’m sure, ganun ka rin.”, nakangiting sabi ni Fonsy habang nagp-prepare for dinner.
“Oo. Mababait naman yung mga kaklase ko, lalo na si Tammy, yung best friend mo. Ako na ngayon ang seatmate niya.”, biglang bati ni Bart.
“Mabait talaga yun. Buti naman at nagkasundo kayo agad.”, sagot ni Fonsy.
Kapwa sila nag-aayos ng sarili para sa sabayang pagkain ng hapunan sa grand hall. Habang nagf-freshen up ang dalawang binata, tuloy pa rin ang kanilang pag-uusap.
“Maganda siya. Teka… siguro may gusto ka sa kanya, ano? Matagal na kayong best friends, diba? Haha.”, biglang sabi ni Bart na nagpangiti naman kay Fonsy.
“Yup, we’re best friends pero hanggang dun na lang yun.”
“Talaga? Parang hindi lang ako makapaniwala. Kalimitan kasi pag magkasama kayo… malamang sa malamang… kayo magkakagustuhan.”, nakangiting sabi ni Bart.
Pakiramdam nga ni Bart ay baka sumosobra na ang kanyang pangungulit kay Fonsy tungkol sa lovelife pero siya mismo ay nagulat nang biglang nagbitaw ng salita ang mestizong binata.
“May iba na akong gusto.”, nakangiting sabi ni Fonsy.
“Sino?”
“Basta… basta hindi si Tammy. Parang kapatid lang ang tingin ko sa kanya.”, nakangiting sabi ni Fonsy sabay tapik sa balikat ni Bart “Tara na sa dining hall!” pahabol na sabi nito.
Tumango na lang si Bart at sumunod na kay Fonsy para sa kanilang hapunan, ngunit hindi pa rin maaalis sa kanya ang mag-isip kung sino ang tinutukoy ng tisoy niyang kaibigan.
“Baka naman ikaw ang may gusto, kaya mo ako kinukulit?”, biglang sabi ni Fonsy kay Bart.
“Yun?! Okay naman siya, pero si Carrie talaga ang gusto ko eh.”, natatawang sagot ni Bart.
“Carrie… delos Santos? Yung kaklase ko sa St. Catherine’s?” Inaalala ni Fonsy ang pangalan ng kanyang mga bagong kaklase. “Pero diba may boyfriend na yun?”
“Yun nga eh, kaya hanggang tingin at paghanga na lang talaga ako.”, nagmamaktol na sabi ni Bart habang napapakamot sa kanyang ulo.
“Huwag ka mag-alala. Marami pang babae.”, natatawang sabi ni Fonsy sabay batok nang mahina sa kaibigan.
“Gusto mo i-reto kita kay Tammy?” Out of the blue ay biglang nag-suggest si Fonsy na ikinagulat naman ni Bart.
“Ha? Bakit? Wala akong gusto sa kanya.”, natatawang sabi ni Bart.
“Malay mo lang.” nakangiting sagot ni Fonsy nang hindi nila namamalayang nakapasok na sila sa loob ng dining hall. Punong-puno na ang mga mesa at lalo pang humaba ang pila sa buffet table.
**********************
“Nakakatuwa yung binata kanina.” Sa stockholders’ dinner meeting na ipinatawag ni Tom, hindi mapigilang maalala ni Mindy ang itsura ng binatang kanyang nakabangga kanina lamang. Nagtataka naman si David kung bakit pinagaaksayahan pa ng kanyang asawa ang estudyanteng hindi man lang tumitingin sa dinaraanan.
BINABASA MO ANG
Blue Brothers 2: The Lost Prince
Teen FictionSeventeen years ago, Tom was in deep pain for losing his newborn child. Now a 35 year-old bachelor owning the prestigious St. Patrick’s Academy, he seems to have a so-called contented and happy life. In the slums, a poor teenage boy named Bart hope...