Blue Brothers 2: The Lost Prince
(Chapter 14 – Lost and Found)
“What the?! Is this for real?! Bart is my cousin? Siya si Thomas?” Hindi mapaglagyan ang tuwang nararamdaman ni Fonsy nang sabihin sa kanya ni Tom ang magandang balita. Parehong nakangiti sa kanya ang mag-ama. Sa mga panahong down at depressed ang mestizong binata, ang mga balitang tulad nito ang nakakapagpabalik sa kanyang sigla at saya.
“Tama ang narinig mo. Saka gusto ko ring magpasalamat sa pagdala mo rito kay Bart… kahit hindi mo pa alam ang tunay niyang pagkatao. Tatanawin kong utang na loob yun sa ‘yo.”, nakangiting sagot ni Tom.
“Kaya pala… that time… I always felt that Bart should be brought here.”, natatawang sabi ni Fonsy.
“Don’t worry, Fonsy. Kahit na… nahanap ko na ang anak ko… anak pa rin ang turing ko sa ‘yo. You can still consider me as your second dad.”, pahabol pa ni Tom sabay pat sa ulo ng pamangkin.
“2-in-1 pala tayo, eh! Magpinsan na, magkapatid pa!”, biglang sabat ni Bart sa usapan. Siniko lang siya ni Fonsy dahil natawa ito sa sinabi ng kanyang pinsan.
“Pwedeng-pwede!”, natutuwang sigaw ni Tom sabay akbay sa dalawang binatilyo sabay gulo ng kanilang mga buhok. Para lang silang mga batang naglalaro.
As Tom looks into the far side of the hallway, nakita niyang kanina pa pala silang pinagmamasdan ni Carlos. Kitang-kita ni Tom ang galit at inggit sa mga mata ng kapatid kaya minabuti niyang ilayo muna ang sarili sa mga bata.
“Nakalimutan ko… may meeting pala ako ngayon. See you later, kids!”, biglang exit ni Tom sabay takbo nang mabilis sa hallway.
Naiwang nagtatawanan ang magpinsan. Habang magaan pa ang kanilang loob, hindi nila inaasahan ang pagdating ng isang dating kaibigan na ngayo’y kaaway na – si Tim.
“Aba, nandito pala ang YouTube sensation!”, natatawang sabi ni Tim habang nakatingin kay Fonsy.
“Bakit ganyan ka? Cino-contact kita, di ka sumasagot. Wala ka na bang pakialam sa ‘kin? Sa ‘tin?”, nagtatakang tanong ni Fonsy dahil sa nakikita niyang kakaibang kilos at asta ni Tim.
“Hindi naman. It’s just that… nabo-bore ako pag nakikipag-usap sa ‘yo. Oh, let me correct myself. Nandidiri ako!”, sarcastic na pagngiti ni Tim habang sinasagot ang tanong ni Fonsy.
Gulat na gulat si Fonsy sa inaasal ng taong inakala niyang nagmamahal sa kanya.
“Ba’t ka ganyan sa ‘kin?” Halos natutulala na si Fonsy habang nakatingin nang diretso sa mata ni Tim.
“Okay, let me tell you a secret. Alam mo bang… it was all a show? Yes, a show! Ikaw ang bida, ako ang director!”, nakangiting sabi ni Tim.
“I-ikaw? Anong ibig mong sabihin?”
“Ako ang nag-video sa restroom. Sorry kung dalang-dala ka sa drama ko. Maybe I should consider myself as a writer too… kasi… my plot was successful. Kagat na kagat ka.”, annoying na pagkasabi ni Tim.
BINABASA MO ANG
Blue Brothers 2: The Lost Prince
Teen FictionSeventeen years ago, Tom was in deep pain for losing his newborn child. Now a 35 year-old bachelor owning the prestigious St. Patrick’s Academy, he seems to have a so-called contented and happy life. In the slums, a poor teenage boy named Bart hope...