Blue Brothers 2: The Lost Prince
(Chapter 6 – Stepping Stones)
“Wow! Ang dami nating kinita, o! P2,500!”, natutuwang sabi ni Bart habang patuloy na hinihilera ang kanilang nakalap na pera mula sa pagkanta at pagsayaw sa Plaza Miranda. Sa isang tahimik na sulok ay nakalatag pa din ang tela kung saan tumitigil ang dalawang binata.
Nakangiti lang si Fonsy habang pinapanood si Bart na nagbibilang. Na-realize niyang para matuwa ang isa sa P2,500, ibig sabihin ay malaking bagay na ‘yun para sa binatang laki sa hirap. Kung sa kanya yun, kulang pa ang nasabing halaga para sa isang araw niyang pang-shopping.
Inisa-isa ni Bart ang mga bills at coins, pagkatapos ay hinati niya ito. Tig-P1,250 silang dalawa. Mabilis niyang inabot kay Fonsy ang share nito.
“Ayan, may pang-kain na tayo!”, natutuwang sabi ni Bart habang hawak ang kanyang share.
Kumuha lang ng P500 si Fonsy at ang mga natira ay ibinalik niya kay Bart.
“Kukuha lang ako ng pang-kain, pero yung iba, sa ‘yo na. Mas kailangan mo yan.”, nakangiting sabi ni Fonsy.
“P-pero… pareho nating pinaghirapan ‘to!”, nagtatakang sabi ni Bart habang napapakamot ng ulo.
“Ako naman kasi, anytime, may babalikan. Eh ikaw, kailangan mo yung pera para ipagpatuloy yung paghahanap sa mga magulang mo.”, pagpapaliwanag ni Fonsy.
Napaisip si Bart at na-realize na kailangan din nga niya ang pera para mabuhay siya.
“K-kung ganun… salamat!”, nakangiting sabi ni Bart.
“Wala yun.”, sabay tapik ni Fonsy sa balikat ni Bart. “Ang galing mo palang kumanta. Sana lang may nakakuha ng video at ma-discover ka sa YouTube.”, natatawang pahabaol ni Fonsy.
“Ikaw din kaya! Hanep ang moves mo! Kaya kung madi-discover ako, kasama ka! Naku, isa pa naman sa mga pangarap ko ang maging isang sikat na singer!”, pabirong sabi ni Bart habang tinatago na ang pera.
“Ano ba talagang pangarap mo sa buhay? I mean… aside sa pagiging singer at paghahanap sa magulang… wala lang. Curious lang ako.” Bigla na lang naisipang magtanong ni Fonsy.
“Ako?”, sabi ni Bart. Agad humarap ang binata sa billboard ng St. Patrick’s Academy malapit sa Jones Bridge at itinuro kay Fonsy. “Kita mo yan?”
Nagulat si Fonsy nang makitang may electronic billboard pala ang paaralang kanyang pinapasukan. At pinapakita pa dito ang mukha ni Tom as a principal, pati na rin ang faces ng faculty members. Isa si Shiro sa mga kasama.
“Halos araw-araw at gabi-gabi ko yang pinagmamasdan. Pangarap ko kasing makapag-aral dyan sa St. Patrick’s. Maaring ambisyoso ako masyado. Balita ko masyado daw mahal dyan, pero dekalidad ang edukasyon.”, pagkukuwento ni Bart habang nakikinig lang si Fonsy.
“Balita ko may scholarships silang ino-offer. As in 100% free, basta may ipapasa kang diagnostic exam.”, patay malisyang sabi ni Fonsy.
“Talaga?! Hindi ko kasi alam eh. Pero baka late na rin ako. Ilang linggo na nagsimula ang pasukan, saka… libre nga ang tuition. Wala naman akong pera pambaon o kaya pambili ng kung ano man. Hindi ako makakasabay sa mga mayayamang estudyante dun.”, nag-aalinlangang sabi ni Bart.
“Ano ka ba? Matalino ka! Yun ang edge mo sa mga mayayaman.”, nakangiting sabi ni Fonsy.
“Ikaw ba? Diba mayaman kayo? Pinangarap mo rin bang makapasok dyan sa St. Patrick’s?”, tanong ni Bart.
BINABASA MO ANG
Blue Brothers 2: The Lost Prince
Teen FictionSeventeen years ago, Tom was in deep pain for losing his newborn child. Now a 35 year-old bachelor owning the prestigious St. Patrick’s Academy, he seems to have a so-called contented and happy life. In the slums, a poor teenage boy named Bart hope...