Blue Brothers 2: The Lost Prince
(Chapter 9 – Thoughts and Instincts)
“Bart…”, mahinahong sabi ni Fonsy pagkapasok na pagkapasok niya ng kwarto. Nakita niyang busy si Bart sa pag-aaral sa desk. Nagkatinginan lang ang magkaibigan habang isa-isang ibinaba ni Fonsy ang kanyang mga libro sa mesa.
“Pwede ba tayong mag-usap? Yung… yung tungkol sa… nakita mo kanina.”, nahihiyang sabi ni Fonsy. Natigilan si Bart sa pagbabasa at isinara ang kanyang libro. Tumayo siya at saka ulit umupo sa sofa katabi ang isang rectangular table na may mga tasa, pitsel at kape. Nagsimula siyang magtimpla habang si Fonsy ay dahan-dahan na ring umupo.
“Bakit ka ba kinakabahan?”, nakangiting sabi ni Bart sabay tapik sa balikat ni Fonsy habang nagtitimpla.
“Look… I’m sorry. I know this is awkward… ayoko sanang pag-usapan but since roommate kita, you have the right to know kung ano at sino talaga ako.”, nakayukong sabi ni Fonsy.
Ngumisi lang si Bart at ipinagtimpla na rin ng kape ang kanyang kaibigan.
“Ang nakita ko lang naman kanina eh… ayun nga… medyo… may pagkakaintindihan kayo ni Tim. May something kumbaga.”, sabi ni Bart.
“So… anong reaction mo?”, naghihintay si Fonsy.
“Reaction? Aaminin ko… nagulat ako. Akala ko kasi si Tammy yung gusto mo… iba pala. Pero… bukod dun… wala na naman.”, nakangiting sabi ni Bart.
“W-wala na? As in, hindi ka ba maiilang o worse… mandidiri sa ‘kin?”, nagtatakang tanong ni Fonsy.
“Ha?! Bakit, may sakit ka ba? Bakit naman ako mandidiri?”
“Eh siyempre… iba ang pagkakakilala mo sa ‘kin dati… tapos eto… naging roommates tayo… and all of a sudden… malalaman mong… i…iba pala ang preference ko. Arrrgh! Awkward talaga ‘tong pinag-uusapan natin!”, sabay takip ni Fonsy ng mukha.
“Walang kaso sa ‘kin yun!”, nakangiting sabi ni Bart sabay akbay kay Fonsy.
“Ganun talaga! Para lang yang mga umiinom ng kape. Yung iba… gusto nilang kapeng barako… yung iba, gusto matamis… yung iba, gusto maraming gatas, yung iba, gusto malamig, yung iba naman mainit. Ganun din tayo… iba-iba ang gusto. Ang mahalaga, hindi natin ipipilit sa iba kung ano yung gusto natin. Kanya-kanyang trip lang ng kasiyahan, kumbaga.”, pahabol ni Bart sabay higop ng mainit na kape.
“S-salamat. Salamat at di mo ako hinusgahan agad.”, nakangiting sabi ni Fonsy na nakaramdam ng relief.
“Pero sa totoo lang talaga… di ko ine-expect na si Tim pala yung gusto mo. Akala ko si Tammy eh. Yung kapatid pala! Haha!”, natatawang sabi ni Bart.
“Loko ka!”, natatawang sabi ni Fonsy sabay batok nang mahina sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Blue Brothers 2: The Lost Prince
Novela JuvenilSeventeen years ago, Tom was in deep pain for losing his newborn child. Now a 35 year-old bachelor owning the prestigious St. Patrick’s Academy, he seems to have a so-called contented and happy life. In the slums, a poor teenage boy named Bart hope...