#1 PRETEND

3.2K 76 3
                                    

#1 PRETEND

Lily's POV

"Wag ka nang tumakbo miss" sabi ng isang misterysong lalaki na habol ng habol sa akin.

Kainis naman oh hindi ba siya nahihirapang tumakbo?...masuntok ko nga ang pangit toh!

*BOGSH*

Sinuntok ko nga ang pangit niyang mukha! Hahaha mas lalong pumangit ang g*go

"Don't mess up with me"sabi ko sabay ayos ng aking sombrero sabay talikod at lakad paalis.

Pero bago ako maka-alis ay nagsalita ito na nagpagulat sa akin.Napahinto naman ako ng maramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso.Mas nagulat ako ng makarinig ako ng putok ng baril

~"You can run but you can't hide..nasa paligid lang kami kaya ikaw...don't mess up with us...saka kung gusto mo malaman kung nasaan si boss nasa abandonadong hotel siya sa **** 2nd floor room 101"~

~*~

Nandito ako sa sa abandonadong hotel sa ****. Gaya nga ng sinabi ng lalaki. Pumasok ako sa room 101 pero nagulat ako sa nakita ko

"Oh look who's here?" nakangisi niyang sabi

Nakita ko lang naman ang aking EX- boyfriend na si Qass, ang kapal ng mukha! May pa 'Oh look who's here' pa siya! tsk.

Tama ang nabasa niyo guys meron akong ex pero hindi pa naman niya ako nahahalikan kaya nagpapasalamat ako sa panginoon wala pa akong first kiss! Tsk..dahil naman sa kanya kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko na inaalagaan ang sarili ko, sinabi ko sa sarili ko na ang mga lalaki mga babaero kaya hindi na ako pumapatol ng lalaki, ako mismo naging half lalaki! Pero hindi ko naman pinutol ang maganda kong buhok, natatakpan nga lang ng sombrero pero ok lang naman.

"Anong kailangan mo sa akin g*go ka!?" inis na tanong ko sa kanya

Tsk..may kasama pang mga babaeng malalagkit! Kapal!

Kumuha siya ng isang basong may lamang wine

"Cheers?" nakangiti niyang sabi sabay angat ng baso

"Sagutin mo ako ng matino, Qass!" galit na sabi ko at hinatak ang kanyang kwelyo

"Ok..ok bitawan mo muna ako baka masayang tong wine ko oh" sabi niya sabay pakita sa wine na kalahati na lang ang nasa baso kaya binitawan ko na lang siya..sayang nga naman mahal pa non hindi nga ako maka afford :P

"Speak!" mautoridad na sabi ko

"Ok, dahil nandito ka na rin lang gusto ko sanang ligawan ka ulit, mahal na mahal pa rin kita Lily" ma emosyonal na sabi niya

Asa siya! Hindi ako madadala sa mala emosyonal ng ginagawa! Pwe! Kadiri ng ginagawa niya!

"Alam mo Qass? pasensya na kasi HINDI NA KITA MAHAL~..ASA KANG BALIKAN PA KITA SA LAHAT NG GINAWA MO? MAKIKIPAGBALIKAN KA?..MANIGAS KA!" malambing yung una kong pagkakasabi pero sa kasunod nito yung CAPSLOCK ay pinagdiinan ko talaga para matauhan ang g*go!

Hindi niya ba alam kung gaano kasakit na iwan ka lang sa ere?! ang sakit kaya! Nakapag move-on na ako at nag bagong buhay na rin...hindi na ako magmamahal ulit yan ang motto ko habang buhay! period! no erase no exchange!

Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad

"Tsk...ok yan ba ang gusto mo? Alam mo naman diba na may nakabantay sayo ARAW-ARAW" pahabol nito at saka tumawa.Pinagdiinan talaga ang 'araw-araw'

Natigilan naman ako sa kanyang sinabi..For real ganyan na ba siya ka obsess sa isang Lily?

Ang haba ng hair!

~*~

"Rapmon tama ba to ang gagawin natin?" tanong ko kay Rapmon na nag-iisa kong kaibigan

"Ilang ulit ko na bang sinasabi sayo Lily na para sa ikabubuti mo naman ito saka pumayag na din sina Tita at Tito" paliwanag niya

"Per--" aangal na sana ako kaya lang pinutol ni kumag! kainis! >.<

"Wala ng pero, pero dahil na e-ayos na namin ang papeles mo at nakapagpagupit ka na rin sayang naman ng buhok mo, hindi naman to mahirap para sayo dahil half kang lalaki" natatawa nitong sabi kaya hinampas ko siya sa balikat

"Hahaha joke lang!" natatawa pa rin niyang sabi

Nakasakay kami ngayon sa kanyang sasakyan, hindi naman siya ang nagmamaneho dahil may personal driver ang lolo niyo! hahha joke ^^v

"Sir Rapmon nandito na po tayo" sabi nung driver niya pagkatapos niyang e-park ang sasakyan

Bababa na sana ako ng pigilan ako ni Rapmon

"Ano?!" inis na tanong ko

"Act like one of us" madiing sabi nito

"Yes boss!"sabi ko naman with a boy's voice sabay salute.

Ginulo naman niya ang aking maikling buhok.Nagtataka kayo noh kung ano ang pinag-usapan namin. It's just that I'm going to pretend to be a boy to be Luke so that I can be harmless..alam niyo naman na may humahabol sa akin, ang EX kong obsess na obsess sa akin! At ngayon nandito ako sa all boys skul, plano ng aking magaling ,matalino saka may pagka tuliling kong kaibigan na si Rapmon. Hindi ako nakatanggi agad dahil pumayag ang nanay ko, alam kasi nila ang mga nangyayari sa paligid ko, palagi ko kasing kinikwentuhan si nanay kaya ito napala ko kainis! =___=

Nandito na kami sa harap ng isang dorm na napakalaki, parang condo lang. Nandito ako sa Dorm A request ni mama para daw may magbabantay sa akin, dorm A din kasi si Rapmon. Alam kasi ng principal ng babae ako, mabait din naman kasi ang principal si Mrs. Jones, nag pa-puppy eyes si mama kaya napapayag niya si Mrs. Jones, nagpasalamat naman ako kay mama. Alam din kasi ng principal ang mga nangyayari sa akin kwenento ni mama eh!

Binuksan ng dahan-dahan ni Rapmon ang pinto, parang horror movie lang ang peg ni Rapmon =___=

Kinabahan naman ako ng nabuksan na ni Rapmon ang pintuan, bumungad sa akin ay anim na nagwagwapuhang lalaki.

Parang nasa boys over flower lang ako, pero anim sila o kaya naman nasa ouran high school host club--tama, tama sa ouran high school host club, may anim na lalaki at isang babae na parang lalaki. Oh diba! Ang galing lang!

***

♡♡Edited♡♡

Mysterious Boy--Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon