#14 POPULAR

799 23 0
                                    

Lily's POV

Lunch time na namin ngayon, papunta kami sa canteen ngayon. Ang normal at peaceful naming araw noon ay naging kalbaryo na ngayon. T^T

"Kkyaahh ang gwapo nila!! Sino kaya sila?!" Tili ng isang babae -babae 1

"Kyaahh ang gwapo nung parang masungit!" Tili naman ng kaibigan nito -babae 2

"The heck! Ang iingay nila!" Inis na bulong ko

"Masanay ka na..hahaha" natatawang sabi ni Rapmon.

Tsk! Palibhasa parating may nagkakagulo sa kanila noong High School pa sila! Kaya imune na sila sa ganito, well except for Jungkook na sobraanng naiinis sa pangyayari.

"I think mamamatay ako nito" sabi naman ni Yugyeom na parang nahihilo.

"Oie okay ka lang? Pumunta muna kaya tayo ng clinic" sabi ni Younjae ng makita si Yugyeom na pa ika-ika kung maglakad.

"Ayo kong pumunta sa cli--AAHHHH!!"

"KYAAAHHHH!!"

Biglang tumahimik ang mga babaeng tili ng tili ng may sumigaw at natumba.

Napatingin kami doon at nakita namin si Yugyeom na namumutla at nakadagan sa isang babae na kaklase namin--si Sarah

Bigla naman nawalan ng malay si Yugyeom habang si Sarah naman ay halatang nasaktan dahil sa pagkadagan ng giant maknae nila Jb.

"Aish! Kainis naman oh!" Inis na sabi nito habang nagpapagpag ng kanyang uniform ng makatayo ito.

"Pagpasensyahan mo na si Yugyeom Sarah, hindi kasi siya sanay ng maraming tao" paliwanag ni Jb kay Sarah.

Tumango na lamang siya at tumalikod na at umalis, pero bago 'yun parang nakita ko siyang namumula.

"I think Sarah has a crush on him" sabi ko sa kanila habang nakatingin kay Yugyeom na binubuhat nila Jin at Jackson.

"Too obvious" napatingin ako kay Bambam ng sabihin niya ito ng seryosong-seryoso

"So serious" seryoso ko namang sabi sa kanya kaya natawa kaming dalawa na ikinataka ng iba.

"Ang ingay niyo" pagbasag ni Jungkook sa aming happy momments ni Bambam.

"KJ mo!" Inis kong sabi at na una na sa kanila papuntang clinic pero wrong move ata ang ginawa ko.

"Kyyaahh! Ikaw si Luke dba? Pa picture naman!" Tili ng isang babae habang nakakapit sa aking braso.

"Aish! Bitawan mo nga ako!" Inis na sabi ko pero imbes na bitawan ako niyakap pa ako nitong mudra na ito!

Nagulat naman ako ng may biglang humatak sa akin gamit ang aking braso.

"Kyyaahh!! Ang gwapo ni Luke!" Sabi nung babaeng humatak sa akin.

Mamamatay na ako nito! T^T tulong naman oh! Someone help me please!!!

"Bitawan niyo nga ako! Kainis!" Sabi ko sa kanila pero imbes na lumayo at malungkot ay biglang nagningning ang mga mata nila at lalong isiniksik ang kanilang katawan sa akin.

"Ang cool!!" Tili ng unang babae--yung babaeng yumakap sa akin.

"Damn!" Sabi ko at tinulak sila.

"Ang lakas pa niya!!" Tili nung ikalawang babae--yung humatak sa akin

"Can you shut up?!" Galit na tanong ko

"Hehe oo naman, anyway I'm Lina!" nagulat ako sa pagbabago nitong babaeng yumakap sa akin

"I'm Kiara!!" Nakangiti namang sabi nung Kiara.

Tumango naman ako sa kanila na walang emosyon ng nakatingin kina Jungkook na nakatingin dito.

*CLICK*

"What the?!" Inis na sabi ko ng malaman kong pinipicturan na pala nila ako.

"Can we take a selfie? Together with you?" Tanong nung Kiara.

"Tsk.." sabi ko na lang at tumango para lubayan na nila ako

Agad naman silang kumapit sa akin at nag selfie na. Hindi ako ngumiti dahil naiirita na talaga ako sa dalawang ito.

"Thanks Luke, sa susunod ngumiti ka ah! Bye!" Sabi ni Lina at umalis na sila.

Tumingin ako sa kinaroroonan ni Jungkook kanina ngunit wala na ito. Mukhang pumunta na ito sa clinic kaya sumunod na ako.

Pagkarating ko doon ay nakita kong nagkamalay na si Yugyeom.

"Oh saan ka galing Luke?" Takang tanong ni Suga ng makita niya ako.

Napatingin naman silang lahat sa akin. Ako naman etoh kinakamot ang aking ulo dahil hibdi ko alam ang isasagot ko. Naalala ko naman ang sinabi ni Lina

-"Thanks Luke, sa susunod ngumiti ka ah! Bye!"-

"Uhh...eh..nagpahangin lang saglit" sagot ko sa kanya.

"Oh..ok" parang hindi sila kumbinsido sa sagot ko pero bahala na sila!

"Kain na tayo! Nagugutom na ang mga galamay ko sa tiyan!" Reklamo ni J-hope habang hinihimas ang tiyan nito.

"Dali!" Sabi ni Yugyeom at nauna nang lumabas pero pumasok ulit.

"Oh bakit ka bumalik?" Takang tanong ni Jr

"M-m-may m-mga baboy at christmas tree na n-nagsasalita!" Nauutal nitong sabi.

Naguluhan naman kami sa kanyang sinabi kaya lumabas naman si Rapmon.

Nagulat naman kami ng pareho lang ang balita nito sa amin.

"Ako na nga ang lalabas!" Inis na sabi ko dahil nagugutom na rin ako at paglabas ko.

"WHAT THE HECK?!"  Napasigaw na lang ako ng makita kong may mga baboy nga at mga christmas tree. May clown pa!

Kailan ba sila titigil?!

"Kkkyyyaahh Luke!! Ang gwapo mo!!" Sigaw ng isang babae kasama sina Lina at Kiara.

Kailan ba nila nalaman ang pangalan ko? Stalker lang? =___=

Hello? Babae ako hindi lalaki..psh!

Tili lang sila ng tili habang ako naman ay nakasimangot.

"Can you give us a way?! Kakain kami! Kung ayaw niyo kaming mamatay padaanin niyo kami!" Galit na sigaw ko sa kanila kaya gumawa sila ng lane agad-agad.

Binuksan ko ang pintuan ng clinic at tumili na naman ang mga babae pero hindi kagaya kanina na sobrang crowded pero ngayon hindi na kasi para na kaming hari.

"Galing! Para na akong hari!" Sabi ni Bambam.

"Oie! Ang feeler mo! Pati rin kaya ako!" Sabi ni J-hope na over confident masyado =____=

"Isa ka pang feeler!" Sabi ni Jin sabay batok kay J-hope

"Huhuhuhu bakit ginawa mo 'yun Hyung?" Parang batang sabi ni J-hope.

"Guys!" Napatingin kami sa tumawag.

Tsk! Si Qass lang pala.

Lumapit siya sa amin at nakisabay sa paglakad.

"Grabeh ang daming babae nagkarandapa sa akin kanina!" Kwento nito sa amin

"Isa pang feeler! Ang daming mahahangin talaga sa mundo!" Sabi ni Rapmon na pinapatamaan si Qass

"Haha laking pasalamat ko nga na ang dami kong hangin dahil hindi ako namatay!" Natatawa nitong sabi

Tsk! Acting pa more!

"Ayy sayang naman,hindi mo nakilala si Satanas" sabi naman ni Rapmon ng hindi nakatingin kay Qass.

Nakita ko naman ang iba na naguguluhan na sa kinikilos ng dalawa.

"Nakilala ko na naman si Satanas no need na mamatay pa ako" nakangising sabi ni Qass.

"Oh....good for you" sabi na lang ni Rapmon para matapos na ang kanilang usapan.

***
A/N: Sobrang popular ni Lily! Hahaha!!! Tsaka grabeh ang sagutan ng dalawa--sina Rapmon at Qass Hahaha!!!

Mysterious Boy--Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon