Special Chapter #4

742 15 0
                                    

Elijah's POV

Ngayon ang araw ng date namin ni Jaden. Excited talaga ako ngayon! Nagbihis pa ako ng maganda ngayon para mas maging memmorable ang date namin.

Naghihintay na ako ngayon kay Jaden dito sa bahay. Sabi kasi niya na pupuntahan niya ako rito.

Habang naghihintay ako lalong bumabagal ang oras. Bakit kaya? Nakaramdam din ako ng kaba, na para bang may mangyayaring hindi maganda.

Tumunog yung cellphone ko at agad na sinagot ng makita ko ang pangalan ng nanay ni Jaden.

"Hello po tita?" Tanong ko sa kabilang linya.

[Elijah *sniff* s-si Jaden, a-ang anak k-ko *sniff* n-nasa o-ospital] sabi ni Tita na ikinagulat ko.

Biglang tumulo ang aking mga luha. Wala akong masagot kay Tita dahil sa gulat at lungkot.

Sinabi na ni tita kung saang ospital si Jaden na naka confine. Agad-agad akong pumunta doon.

Pagkarating ko roon mas lalong nabiyak ang aking puso.

"Pasensya na po kayo, hindi na talaga nakayanan ng kanyang  katawan" malungkot na sabi ng doctor.

Nalaman ko naman na na aksidente siya papunta sa bahay ko. Mas lalo akong naiyak. Wala na wala na ang aking pinakamamahal na si Jaden.

~Flashback~

Nandito kami ngayon sa canteen. Kumakain ako kasama ang mga kaibigan ko ng may biglang lumapit sa amin.

"H-hi" sabi ng isang napakagwapong lalaki sa harapan ko

"Hello" nakangiting sabi namin sa kanya.

"Uhmm....para sayo!" Sabi nito at ibinigay sa akin ang isang letter at pagkatapos kong tanggapin iyon ay tumakbo na siya.

"Wow!! Buksan mo dali!!!" Tili ni Lina

"Grabeh ang ganda mo Elijah!" Tukso ni Hannah.

"Grabeh naman kayo" nasabi ko na lamang at ipinasok sa bag ang letter.

***

Binasa ko na ngayon ang sulat ng lalaki.

Napangiti ako ng mabasa ito.

Dear Elijah,

Unang araw ko pa lamang dito sa school ikaw agad ang nakakuha sa atensyon ko. Sobrang bait mo nung una tayong nagkakilala. Natatandaan mo pa ba? Yung tinulungan mo akong dalhin yung mga nalaglag na libro? Sobrang saya ko nun ng lapitan mo ako.

Isa lamang ang naipapahiwatig ko, Mahal kita Elijah at hindi na magbabago iyon. Okay lang naman sa akin na hindi mo ako sagutin, tanggap ko naman na ayaw mo sa isang katulad ko pero pwede bang maging kaibigan ka?

Pasensya na sa ka-cornihan ko ah. Sadyang ganito lang talaga ako.

Love,

Jaden

~End of Flashback~

Doon nagsimula ang aming love story. Sobrang gaan ng loob ko sakanya. Tsaka napamahal na din ako tapos ito lang ang kakahantungan ko--namin? Sobrang sakit!

"Tahan na Elijah" pagpapatahan sa akin ni Sarah.

Nandito silang lahat mga kaibigan ko. Well except for the boys. Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko siya mawala-wala sa isipan at puso ko.

"Elijah.." sabi na lamang ni Lily.

~Flashback~

Nandito ako sa likod ng building, nagbabasa ng libro. Wala kasi ang mga kaibigan ko eh. Sobrang busy nila ako etoh iniwan nilang mag-isa

"Hey" napatingin ako sa nagsalita at nakita ko yung lalaking nagbigay sa akin ng sulat.

"Hey" sabi ko naman sa kanya.

"Uhmm...yung sulat..ano...pwede ba kitang ...ligawan?" Putol-putol na sabi nito sa akin.

Napangiti naman ako. Ang cute niya kasi eh. Tumango naman ako sa kanya.

"Talaga?!" Gulat na tanong nito sa akin.

"Pwede naman, ikaw nga ang kauna-unahang nanligaw sa akin" sabi ko sa kanya.

"Wow! " sabi nito at nagtatalon sa tuwa.

"Halika, libre kita!!" Masigla nitong sabi at kinaladkad ako patungong canteen.

Kwento lang siya ng kwento tungkol sa buhay niya. Nagjo-joke pa nga ito. Kwenento ko naman sa kanya ang nangyari rin sa aking buhay. Sobrang gaan ng pakiramdam ko kapag nasa tabi ko siya.

Graduation na namin. Sinagot ko na siya. Sobrang-sobra ang paghihintay niya kaya na apreciate ko iyon. Mas lalo akong nahulog sa kanya.

"Uhmm..Jaden, sinasagot na kita" sabi ko sa kanya habang namumula pa.

Bigla niya akong niyakap at hinalikan sa labi. Smack lang siya pero sobrang tamis nun. My first kiss was Jaden at sobrang saya ko nun.

"I love you Elijah" bulong nito sa akin

"I love you too Jaden" sabi ko naman sa kanya.

~End of Flashback~

Elisa's POV

"Hello?" Tanong ko sa kabilang linya.

[Nasaan ka ngayon?] Tanong ni Jr sa akin

"Nandito ako kina Elijah" malungkot na sagot ko sakanya.

[Bakit? Anong ginagawa mo dyan? May nangyari ba?] Nag-aalalang tanong ni Jr

"S-si Jaden, yung boyfriend ni Elijah n-namatay dahil sa aksidente, kailangan niya kami ngayon" mangiyak-ngiyak na sabi ko.

[Ahh ganun ba? Wait tatawagin ko ang iba, papupuntahin ko dyan] sabu ni Jr at hinung up na ang phone.

"Parating na sila" sabi ko sa kanilang nandito.

Matamlay na tumango silang lahat. Except for Elijah na iyak pa rin ng iyak.

Jb's POV

"Anong nangyari?" Tanong ni Jhope kay Hannah na sobrang tamlay nito.

"Si Jaden, namatay" maikling sagot nito.

Jaden? Ang boyfriend ni Elijah? Paano?

Napatingin ako kay Elijah na iyak ng iyak. Nilapitan ko ito, tinabihan at hinagod ang likod.

"You are free to ask now, I'm not going to shout at you" malungkot na sabi ko sa kanya.

"Bakit siya namatay?" Tanong nito sa akin.

"I don't know, baka sadyang ambait niya lang at kinuha na siya ng Diyos para hindi mabahiran ng kasamaan si Jaden, kaya siya kinuha" sagot ko sa kanya.

"Bakit ganun? Ang saya na nga namin, kinuha pa siya. Ang saklap naman! May nagmamahal pa sa kanya eh. Kinuha agad?!" Inis na sabi nito.

Parang nakaramdam ako ng kirot ng aking dibdib. Bakit ko nga pala nagustuhan ang babaeng to?

"Hindi ko alam Elijah" sagot ko na lamang.

"Ang sakit eh, ang sakit dito...dito sa puso ko" sabi nito at sinutoksuntok pa ang dibdib nito.

Niyakap ko siya at hinayaang umiyak sa aking bisig.

"Nandito lang ako kung kailangan mo ng pagtatanungan" sabi ko sa kanya habang nakayakap pa rin sa kanya.

"Sa-salamat Jb" sabi nito at tuluyan ng nakatulog.

Mysterious Boy--Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon