#10 FLASHBACK

909 30 0
                                    

3rd Person's POV

"Qass bilis malapit ng lumubog ang araw baka hindi tayo maka abot!" Tawag ng babae sa lalaking kasama nito.

Papunta sila sa sea side dahil sabay silang manonood ng sunset. Ito ang una nilang panonood ng sunset kaya especial ang araw na ito ng dalaga.

"Excited mo lang. Hahaha" natatawang sabi ng binata habang papalapit sa dalaga.

Ng makalapit na ito sa dalaga ay hinapit niya ang bewang nito.

"Amp! Unang panonood natin ito kaya hindi dapat sayangin!" Nakapout na sabi ng dalaga.

Natawa na lang ang binata sa sinabi ng dalaga. Pinisil nito ang pisngi at hinalikan ang pisngi nito.

Ng makarating sila sa sea side ay umupo sila ng magkatabi. Nakahawak pa rin sa bewang ng dalaga ang binata. Nakangiti silang dalawa habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.

"Itong araw na ito ay especial kaya hindi ko ito malilimutan" sambit ng dalaga.

"Yeah, Alam mo laking hanga ko sa araw" nakangiting sabi ng binata sa dalaga.

Taka namang napatingin ang dalaga sa binata "Bakit naman?" Tanong ng dalaga.

"Dahil kahit ilang beses lumubog ang araw, sisikat pa rin ito sa bandang huli" sabi ng binata habang nakatingin sa dalaga

"Oh eh bakit mo hinahangaan ang araw?" Natatawang tanong ng dalaga.

Pinitik ng binata ang ulo ng dalaga dahil hindi siya naintindihan nito.

"Ang slow mo! Hahaha, gusto kong ganyan rin ang relasyon natin, kahit ano mang problemang pagdaanan natin ay parati parin tayong masaya sa huli" nakangiting sabi ng binata at niyakap ang dalaga.

"I love you Qass" sabi ng dalaga.

"I love you too....Lily" sabi ng binata at hinalikan ang noo ng dalaga.

***
"Oh anak nandito na pala kayo, kain na kayo, handa na ang pagkain" nakangiting salubong ng nanay ni Lily.

"Mano po Tita..Tito" magalang na sabi ni Qass at nagmano.

Nagmano rin si Lily sa kanyang mga magulang.

"Ma ano po ang ulam?" Tanong ni Lily ng patungo na sila sa kusina.

"Ang paborito mong pinakbet at may pancit na rin" masiglang sabi ng nanay ni Lily.

Umupo na sila at kumain ng sabay.

"So kumusta ang date?" Tanong ng tatay ni Lily

"Tay naman" parang batang sabi ni Lily

Naiilang kasi siys kapag pinag-uusapan ang tungkol sa relationship nila ni Qass.

"Ikaw talaga Lily! Hindi ka na nasanay sa tatay mo" natatawang sabi ng kanyang nanay.

"Hahaha..uhmm Tito okay lang naman po, wala pong ka proble-problema!" Sabi ni Qass na nakangiti ng pagkalaki-laki

"Good, salamat naman at walang nangyari sa inyo" sabi ng tatay ni Lily at kumain.

Si Lily naman na umiinon ng tubig ay biglang naibuga ang tubig sa kaniyang bibig ng marinig ang sinabi ng kanyang tatay.

"Ok ka lang Ly?" Tanong ni Qass habang hinihimas ang likod ni Lily

Mysterious Boy--Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon