#17 THEM

750 20 0
                                    

Rapmon's POV

Nakapaghanda na rin kami sa lahat-lahat. Bukas na kasi ang Valentine's Day.

"Hi Rapmon! Nakita mo si Luke?" Napatingin ako kay Lina--oo kilala ko na siya, ipinakilala kasi ni Luke sa akin--nandoon nga pala siya sa may pintuan ng room.

"Nasa canteen bumibili ng sandwich kasama si J-hope at Jr" sagot ko naman.

Sobrang masayahin ni Lina, parang ako--hahahaha. Tsaka ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag malaman niyang babae si Luke? Excited na ako!

"Hintayin mo lang dito, babalik din yun agad" aakmang aalis na sana ito ngunit pinigilan ko siya sa hindi malamang dahilan.

"Ahh, sige" sabi nito at tumabi sa akin.

"So..." paano ko ba sisimulan tong pag-uusap namin. "Ahh, paano mo nakilala si Luke?" Aish! Bakit ko ba ito natanong!

"Ahh nakilala ko siya nung...nakita ko siya na papunta sa canteen, yung time na nahimatay si Yugyeom, nagtanong ako kay Sarah nun ng papalapit siya sa kinaroroonan ko hehehehe" masayang sabi nito sa akin.

"Ahh, bakit mo siya gusto?" Tanong ko naman sa kanya. Ewan gusto ko lang malaman kong bakit siya masaya kapag makita si Luke.

"Hahaha, kasi ang gwapo niya..tapos nalaman ko pa na ang talino niya..tapos ang bait niya! Nung nag selfie kami sa unang pagkakataon hindi siya ngumiti pero sinabi ko sa kanya na ngumiti siya sa susunod, nung nakita ko siya sa dorm namin sobrang saya ko lang, nag selfie kami ulit at ngumiti siya!" Sabi nito habang kumikinang ang mga mata.

Bigla siyang may hinablot sa kanyang bulsa at nalaman ko na lang na cellphone niya ito.

"Tignan mo oh!" Masigla nitong sabi sabay pakita ng pic nilang dalawa.

Napangiti naman ako, ang ganda lang niya sa picture, sobrang saya niya.

"Ang ganda mo naman" nasabi ko bigla na ikinagulat ko.

Sh*t! Bakit nasabi ko iyon?!

"Hahaha! Alam ko!" Natatawa nitong sabi.

"Guys alam niyo ba kung nasaan ang cellphone ko?" Biglang tanong ni Jb sa amin.

Umiling naman kaming dalawa ni Lina. Pati yung kasama namin dito sa room.

"Baka naiwan mo sa dorm" sabi naman ni Elijah.

"Wala eh, tinignan ko kanina, pero sure talaga akong nadala ko iyon" sabi naman ni Jb habang kinakapa ang bulsa nito.

"Baka nasa locker mo" sabi na naman ni Elijah.

"Tinignan ko rin doon pero wala din" sabi naman ni Jb na ngayon ay kinakalaykay na ang kanyang bag.

"Bumili ka na lang ng bago bro" sabi sa kanya ni Bambam.

"Hindi pwede eh! Importante yun eh!" sabi naman ni Jb na nagkakalaykay pa.

"Ano naman ang ikina importante doon?" Takang tanong ni Elijah.

"Basta!" Sabi nito at patuloy pa rin sa paghahanap.

"Ahh..ok, bili muna akong pagkain, bye!" Sabi ni Elijah at umalis na.

Elijah's POV

Umalis na ako sa classroom para bumili ng pagkain, tutal snacks time pa naman.

Habang naglalakad ako patungong canteen napahinto ako sa isang bench kung saan may nakita akong kulay black na cellphone.

'Baka kay Jb yun' sabi ko sa isip ko.

Nilapitan ko naman ito at tinignan. Tama nga ako dahil sa wallpaper niyang nag selfie silang pito.

Mysterious Boy--Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon