#8 WHISPER

1.1K 39 0
                                    

Jungkook's POV

Kainis ang tagal namang mag reply nun!

***
To: Pangit

Oie! Mag reply ka nga!

***

Naghintay pa ako ng ilang minuto ngunit wala pa ring reply

***
To: Pangit

Buhay ka pa ba?!

***
To: Pangit

Ano ba?! Mag react ka naman ! Tungkol ba 'yun sa gagawin kong paghalik sa'yo?!

***

Kainis! Hindi pa rin sinasagot. Naibato ko na lang sa couch ang cellphone ko dahil sa inis

"Oie! Baka masira! Sayang naman" biglang sabi ni Jin at lumapit sa cellphone na nasa couch at kinuha ito.

"Tawagan mo na lang kasi" suggest nito habang nakatingin sa cellphone ko kaya inagaw ko ito sa kanya at nag dial ng numero.

"Tsk..salamat" sabi ko sa kanya na hindi nakatingin sa kanya.

"You're welcome.....Rapmon! Labas tayo! May sasabog na dito!" Tawag nito kay Rapmon na nasa kusina kumakain.

Pinapatamaan talaga ako nitong si Jin!

Lumabas naman si Rapmon sa kusina na may dalang pagkain na nasa plato.

"Wait lang. Uubusin ko muna to! ..'wag ka munang sumabog ha?" Namula naman ako sa galit ng sinabi iyon ni Rapmon.

"Anong gusto niyo? Sapak o sapak?!" Galit na tanong ko sa kanila kaya dali-dali silang lumabas.

Mukhang narinig naman ni J-hope ang aming pinag-usapan dito kaya lumabas siya sa kanyang kwarto.

"Anong nangyari?" Takang tanong nito sa akin.

"Wala" sagot ko na lang at nag dial na.

At salamat naman sinagot ng pangit na 'yun ang tawag!

"HOY! PANGIT KANINA PA AKO TEXT NG TEXT HINDI KA NAGRE-REPLY! ANO BA ANG GINAGAWA MO DIYAN?! NAKIKIPAGLANDIAN KA NA NAMAN BA?!" Sigaw ko kay Luke ng sinagot niya ang tawag.

Nakita kong nagulat si J-hope sa pagsigaw ko.

"Hinay-hinay lang Jungkook" natatawa nitong sabi ng okay na ito.

Tinignan ko lang ito ng masama. Tawa lang naman ito ng tawa.

[Sorry bro, busy kami, may gagawin pa nga kami ngayon-ngayon lang kaya lang tumawag ka....ang epal mo lang] nagulat na lang ako ng si V ang sumagot.

Pero mas nagulat ako ng binabaan ako. Aish! Kainis! Anong may gagawin sila?!

"Ano ba ang gagawin nila?!" Hindi ko alam kong bakit ko ito na isigaw

"Whow! Chill lang bro!" Sabi na naman ni J-hope.

Bumalik naman sina Jin at Rapmon.

"Grabeh rinig na rinig namin ang sigaw sa canteen!" Sabi ni Rapmon sabay upo katabi ko.

Sumunod naman si Jin na nakangito ng nakakaloko.

"Oie Rapmon nag text ako sa'yo bakit hindi ka nagreply?" Tanong ni Jin kay Rapmon.

"Sorry bro, nakikipaglandian kasi ako kay V" natatawang sabi ni Rapmon

Iniinis ba ako ng mga ito?! Kanina pa tong mga to ah!

Mysterious Boy--Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon