Special Chapter #5

873 19 0
                                    

A/N: Etoh na po, last na po ito. Sana magustuhan niyo. ^^

***

Jungkook's POV

Nandito ako sa condominium ko. Nakahiga ng biglang may nagdoorbell.

"Kainis! Nagapapahinga yung tao eh!" Inis na sabi ko at binuksan yung pintuan.

"Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ko kay Jimin, V, Mark

"Wala lang. Nandito kami para sabihin sayo na hindi na kami naghahabol kay Lily. May mahal na kaming iba. Kaya siguraduhin mo na aalagaan mo siya" sabi ni Jimin sa akin.

"Talaga?!" Gulat na tanong ko

"Ayaw mo?" Plain na tanong ni V sa akin.

"Tsk! Gustong-gusto ko noh!" Inis na sabi ko at pumasok sa loob ng kwarto at nagbihis.

"Oh saan punta mo?" Tanong ni Mark .

Napatingin ako sa kanila sa couch na prenteng naka-upo habang umiinom ng juice.

Ang dali naman ata nilang nakakuha ng juice =_____= grabeh ang mga ito! Parang si flash!

"Aalis muna ako, pagbalik ko dapat walang nagbago sa bahay ko" sabi ko sabay tingin sa kanila ng masama.

Sabay-sabay nilang inilapag ang juice sa lamesa na nasa harapan nila at tumayo sabay saludo.

"Opo Sir!" Sabay-sabay nilang sabi.

"Mga timang" sabi ko pa bago umalis.

***

Nandito ako ngayon sa café na pinapatakbo ni Lily.

"Nasaan ang boss niyo?" Tanong ko sa babaeng nagseserve kanina.

"Ahh..nasa loob po sir" sagot nito sa akin sabay turo ng pinto.

Tumango naman ako at pumasok roon. Naglakad-lakad ako hanggang sa nakita ko ang tamang pintuan at walang katok-katok pumasok ako agad.

Nakita ko siyang may pinipirmahang papeles kaya kinuha ko ang ballpen niya kaya napatingin siya sa akin.

"Ano ba?!" Inis na sabi nito sa akin sabay kuha ng ballpen sa kamay ko kaso kinuha ko ulit ito sa kanya.

"Date tayo" sabi ko sa kanya

Halatang nagulat naman ito sa sinabi ko.

"Tsk. Date mukha mo! May ginagawa ako! Umalis ka nga sa harapan ko!" Sabi nito at kumuha ng ibang ballpen at nagpatuloy sa pagpirma.

"Grabeh, ang sakit ng dibdib ko sa pagtataboy mo" sabi ko pa sabay hawak ng aking dibdib.

"Ewan ko sayo! Ang OA mo!" Inis na sabi nito at hindi pa ako nilingon.

"Hahaha! Dali na kasi!" Natatawa kong sabi sabay hila sa kanya. At nagpumiglas naman ang pakitpot!

"Oo na! Wait lang aayusin ko muna to!" Inis na sabi nito. Binitawan ko naman siya at inayus nga niya ang kanyang mga gamit.

***

"Wala ka bang trabaho? Bakit ba nakikipagdate ka? Alam mo ba nakakairita ka? Saan ba tayo pupunta? Paano mo nala--"

"Tumahimik ka bago kita halikan" pagbabanta ko sa kanya.

Nandito na kasi kami sa kotse ko. Kapag hindi ako nakapagpigil, wala na sunggaban na!

"Aish! Sagutin mo na lang kasi ako!" Sigaw pa nito sa akin.

"Okay! Wala akong trabaho, day off ko one week! Nakikipagdate ako kasi mahal kita at gusto kitang ligawan--scratch that, nililigawan na kita. Hindi ko alam na nakakairita ako. Tsaka pupunta tayo sa puso ko, wait ka lang. Paano ko nalaman na sa Café de Laté ka nagtratrabaho, nalaman ko iyon kay Rapmon" sagot ko sa kanyang mga tanong habang nakatingin lamang sa daan.

"Psh! Sinasagot na kita!" Sabi nito ng nakatingin sa labas.

Napabreak naman ako ng sasakyan ng ikinagulat niya.

"What the heck! Gusto mo ba talagang mamatay?!" Sigaw nito sa akin pero nakatingin lang siya sa kalsada.

"Okay lang naman, atleast kasama kita. Well anyway, sinagot mo na naman ako......let me kiss you" naka smirk na sabi ko sa kanya.

"P-pwede bang bawiin yun?" Nauutal na sabi niya.

Palapit na palapit na kasi ako sa kanya. Hahaha..natatawa na talaga ako sa kanya.

"Wait naman Jungkook!" Inis na sabi nito sa akin at itinulak ako.

Psh! Ang lakas talaga ng babaeng ito! =_____=

"Oo na!" Sabi ko at pinaandar na ang sasakyan.

***

A/N: Hahha 'yan lang po, sabaw diba? 'Wag ng magreklamo :3 hahaha...pasensya na po short UD lang. Hindi kasi talaga ako marunong ng lab-lab na yan eh. =___=  anyway, sana natawa kayo kahit hindi nakakatawaXD hahaha..ok ..bye!!! Thanks sa pagbabasa!!!

Mysterious Boy--Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon