#15 MR. SOUL ACADEMY's PRINCESS

816 20 0
                                    

Youngjae's POV

"Good morning class" tumingin kami kay Ma'am Korna na ngiting-ngiti ng pumasok ito

Siya ang aming TLE Teacher.

As usual tumayo kami at nag bow pagkatapos ay umupo.

"Mayroon akong good news at bad news guys" nakangising sabi ni Ma'am

Eto na naman ang good at bad news! Hindi na talaga na iba! Haayy

"Ma'am baka walang bad news!" Sigaw ni J-hope

"Hindi ako katulad ni Ma'am Latok niyo kaya may bad news talaga akong dala-dala" sabi ni Ma'am

"Chaaarr dala-dala ni Ma'am, asan kaya doon sa dinala niya? Yung bag? Yung ballpen? O yung files?"

Napatingin ako kay Sarah ng magsalita ito.

"Yung napkin niya siguro" sabi ko naman sa kanya kaya natawa siya.

"What happened to you Miss Sarah and Mr. Youngjae?" Nakataas kilayng tanong ni Ma'am kaya natahimik naman kami.

"W-wala po Ma'am" sabay na sabi namin.

"Sungit naman pala" rinig kong bulong nito

"Palaging may mens eh kaya may dala-dalang napkin" sabi ko naman kaya tahimik kaming napahagikhik.

"Hindi ka na talaga nahiya Youngjae" rinig kong sabi ni Jr

Haayy eto na naman po ang nanay-nanayan namin.

"Amp! Hindi ka na nasanay sa akin" sabi ko naman sa kanya ng hindi nakatingin sa kanya.

"Ganyan ka pala palagi? ..COOL" sabi ni Sarah na kumikinang pa ang mga mata.

"Tanong ko lang Sarah, crush mo si Yugyeom?" Tanong ko sa kanya na nakangisi.

Nakita ko namang bigla itong namula.

"Uhh..ehh..w-wala no!" Namumula at na uutal na sabi nito sa akin.

"Weh? Kitang-kita sa mukha mong namumula ka! Hahaha" sabi ko pero mahina pa rin baka pagalitan na naman kami.

"'Amp! Oo na lang" namumula naman nitong sabi kaya napatawa ako ng mahina pa rin.

Yugyeom's POV

Nakatingin ako ngayon kila Youngjae at Sarah, ewan ko lang parang naiinis ako ng makita ko silang nagtatawanan. Lalo pa nung pinagalitan sila pero patuloy parin sa pag-usap.

Ng nakita kong namula si Sarah lalo akong nainis, nakaramdam din ako ng pagkirot sa aking puso na hindi ko malaman-laman kung bakit ako nagkakaganito.

Tumingin si Youngjae sa akin at biglang ngumiti at nag thumbs up pa. Nakita ko namang hinampas siya ni Sarah.

Aish! Kainis! Gusto ko ring maging close si Sarah!

Jb's POV

"Ang good news ay may magiging pageant this coming Valentine's Day, MR. SOUL ACADEMY's PRINCESS...yan ang bad news" nakangiti pa ring sabi ni Ma'am

"Ma'am akala ko bad news? Bakit nakangiti ka? Aish!" Bulong ko na ikinatingin ng katabi ko

"Trip ata ni Ma'am na asarin kayo" mahina nitong sabi sa akin...wait ano nga ang pangalan niya? Nakalimutan ko eh.

Tinignan ko lang siya hanggang siya na lang ang nagpakilala "Elijah nga pala" nakangiti nitong sabi.

"Ahhh" nasabi ko na lang at itinuon uli ang atensyon kay Ma'am

"Ma'am, so ibig niyong sabihin, lalaki ang magiging Princess?" Nakangangang tanong ni J-hope

"Yes J-hope kaya kailangan ko ng volunteer, or mag vote tayo" nakangiting sabi ni Ma'am at inilabas ang isang fish bowl na hindi namin alam kung saan niya nakuha.

Mysterious Boy--Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon