ACT_2: Entry 24

137 6 0
                                    

Matthew 28:18-20

The Jesus came to them and said, "All  authority in heaven and on earth has been given  to me. Therefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, and teaching them to obey everything  I have commanded you. And surely I will be with you always, to the very end of the age."

___________________________
••Abegail••

Ngayon ang araw na pinaghandaan naming lahat sa loob ng isang linggo.,, pasalamat talaga ako sa mga co-teacher ko na mga subject teacher nila kasi pinahiram nila ang lesson plan nila,, sana sapat na ang naituro ko sa kanila para makapasa silang lahat...

Thank you Lord kasi itinuro nyo sa Remaining Boys at Good Boys na kailangan nilang mag aral ng maayos... Simula kasi ng nangyari yung kay Radems, kitang kita ko ang interest nila sa pag aaral.. Ang Da Remaining Boys pinamunuan ni Roderick at Radems kaya naman kahit mahirap ang topic pinipilit nilang masaulo.,, binigyan ko din naman sila ng techniques sa pagsasaulo at naniniwala akong matatalino sila at kakayanin nila itong hamon na ito...

Si Alexis naman yun kahit na nahihirapan pinilit nya pa ding mag stay dito para makapagreview ng ayus,, alam kong mabigat ang problema nya pero wala din naman akong magagawa dun kasi kahit anong gawin at sabihin ko sya at sya lang naman ang makakapagdesisyon nun, sana lang yung makakapagpasaya sa kanya ang piliin nya hindi yung isang bagay na napipilitan lang sya,, mahirap kasi kung ganun yung ipagpipilitan mo ang isang bagay na hindi naman talaga gusto ng puso at isip mo.....

"MA'AM ABBIIEEEEE!!" Bati ni Roderick sakin well kakabangon lang nila sa higaan pero parang ang dami ngang positive vibes sa katawan ngayon...

"Good morning..., nagpi-prepare lang ako ng breakfast pakigising mo na yung mga kaklase mo..."

"Sige po ma'am..." Nagpadala kasi ako ng electric stove kay luiz buti nga meron sya..

Dahil sinuportahan ako ni Principal Katakutan heto at sila din ang nag provide ng kailangan namin sa pagkain...

Ganun nga ang ginawa ni Roderick kaya maya maya andyan na silang lahat mumukat mukat na nakaupo sa mahabang table ng mahkakatabi,, naoccupied kasi namin ang isang buong kwartong bakante sa bagong gawang building ng school para maging kitchen at isa din para sa higaan ako kasi halos Hindi na nakatulog buong linggo kung makakaidlip sa lamesa maswerte na ako,, binabantayan ko kasi sila dahil kunting problema siguradong tanggal ako dito sa school na toh...

Binigyan ko na sila ng tigi tig-isang baso ng gatas na niluto ko sa isang malaking kaserola.

.

"Guys inomin nyo yan huh!! Kakailanganin nyo kasi yan ngayon dahil ito ang araw na pinaghandaan natin.,, ang araw kung kakailan dapat nyo ng ibigay ang best nyo..."


"Okay..." Sabay sabay silang humawak sa baso..


"Waiiit--- bago ang lahat gusto ko munang ipikit nyo ang inyong mata at damhin ang panalanging aking bibitawan para sa ikapapasa ng inyong exam..." Wow! Parang ang babait talaga nila ngayon dahil agad nilang sinunod ang sabi ko.. "Lord,, thank you po sa lahat ng blessing na pinagkaloob nyo sa amin,, thank you po sa buhay at lakas ng bawat isa sa amin.., Lord please bless our food this morning and help me to finished this goal!! Naniniwala po ako sa mga batang ito na lahat sila matatalino.,, ang panalangin ko lang po ama ay kayo na ang bahalang maglinaw ng isip nila sa tuwing mag aalinlangan sila sa tama at mali at kayo na po ang magturo ng tamang kasagutan... Salamat po ng marami panginoon..In Jesus Name I Pray Amen..."


♥ A Christian Teacher II ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon