Proverbs 13:20
20 He who walks with the wise grows wise, but a companion of fools suffers harm.
____________________________________________________________________________________
**Cedric Reyes**
Ito na ang araw na pinaghandaan naming lahat pero nalulungkot ako dahil matatapos na ang pagiging nanay samin ni ma'am Abby, sa kanya ko lang kasi naramdaman kung paano maalagaan, Simula kasi ng mamatay ang inay at ang itay ay nag asawa ng babaeng may anak na eh naging parang boy na ako samin..
Gumigising ako ng maaga para magluto ng kakainin naming lahat, at dahil may mga step brother at sister akong maliligo sa umaga kailangan ko pang mag init ng tubig para sa kanila. Pero yung mga gawaing bahay matitiis ko pa pero kasi ultimo kwarto ko at mga gamit ko, ginagamit na din nila. Minsan nga kapag nag away kami ni Jimboy yung step brother ko ako pa ang masama, kasi daw ako ang mas nakakatanda kaya dapat intindihin kahit mali na ang ginagawa nila..
Minsan tuloy naiisip ko, sana Hindi na ako nabuhay kung ganito lang din ang nangyayari sakin., feeling ko kaso alila nila ako!! Ang hirap!!!
Bakit pa kasi nag asawa ulit si tatay?? Bakit ba sa daming babae ganung tao pa ang pinili?? Si ante fely kasi prinsesa kung umasta, ultimo panty nya pinapalabhan sakin, kaya nga naging masaya ako nung ipagpaalam ako ni Miss Abby samin at napapayag si tatay kaya kahit ayaw ni ante fely eh ito at nakapagpahinga ako ng isang lingo..
Sana lang sa pag uwi ko maramdaman ko na ang pagmamahal ni itay, ang pagmamahal na Hindi ko na naramdaman simula nung mag asawa syang muli...''Eheem,, guys nakahanda na ba ang mga gamit nyo?? GO and pick your things now kasi bago kayo umalis sasabihin ko na sa inyo ang resulta ng exams nyo...'' Okay din tumi-iming tong si maam Abby eh, kung san ako nagsesenti saka mag a-anounce...
"Ma'am sabihin nyo na ang result bago namin kunin ang gamit namin para isang Alisan na." Sabi ni Calvin, buti pa tong mga toh eh excited makauwi, palibhasa may mga magulang silang nagmamahal sa kanila, ang mga taong kailangang kailangan ng mga kabataang kagaya ko.
"Sige na nga!!;)" mukhang maganda ang result ng exam kasi sa ngiti palang ni ma'am Abby alam ko nah!!!"from highest to lowest ang pag balik ko sa papers nyo huh... Sa Mathematics muna tayo...".
"Tayo na kayo Genius Boys, alam naman naming kayo palage ang top ,5..." Sabi ni Emanuel.
"Syempre kami pah!!" Nag sitayuan naman silang lima...
"Okay .., isa lang ang nakaperfect sa inyong lahat, Roderick this is your test paper."
Napaupo yung limang tumayo kanina...
"Totoo ba toh???" Tanong ni Roderick na daig pa ang nanalo sa lotto ang itsura..
"Ma'am kami??" Tanong ni Justin..
BINABASA MO ANG
♥ A Christian Teacher II ♥
Spiritual♥A Christian Teacher ♥ BOOK II: The Royal Changes (Exodus 15:12) In your unfailing loved, you will lead the people, you have redeemed. In your strength, you will guide them to your holy dwelling. written by: rock_princesslight