Last Entry: 40

155 6 0
                                    

TO ALL MY READERS,,,

Hi guys, thank you sa patuloy na pagbabasa ng mga books ko,, i'm truly blessed kasi nandyan kayo. Thank you for your votes and support, thank you so much sa mga nagme-message sakin... Sana patuloy nyong basahin ang mga sinusulat ko...

Last chapter na toh pero malay natin may third book pa toh^_^ . salamat sa pagsama nyo sakin nung 2015, sana andyan pa din kayo sa pagdaan ng maraming taon.., sorry kasi hindi ako nakakamingle sa mga readers ko this past months, may mga problema kasing dumaan pero salamat kasi hindi nyo ko iniwan... Hindi ko na kayo iisa-isahin kasi baka hindi magkasya dito....

God bless to everyone! Kung may mga suggestion kayo or gusto nyo ng makakausap i-message nyo lang ako kasi halos everyday naman akong online... thank you and may our good lord bless evryone of you.. muawh ^_^...

___________________________________________________________________________________

Lumipas ang mga buwan at sa dami ng pinagdaanan ko kasama ang mga estudyante ko eh heto at nakarating pa din kami sa graduation.., masaya akong iabot ang mga diploma nila sa kanila.. AKalain mo yung mga kabataang halos mag away away dati heto at super close na sa isa't isa at si Jerry pa talaga ang magiging Valedictorian,, hindi din ako makapaniwala nung una pero sa lahat ng mga kaklase nya at sa lahat ng kabilang section sya lang talaga ang nakakuha ng may pinakamalaking grado....

Wala na ang mga bad attitude nila,, ang gagwapo pa dahil sa mga amerikanang sinuot nila kahit umaangal pa sakin kanina,, ang mga kabataang toh ang nabago ko at nabago din ako,, kahit na magkakahiwa hiwalay pa kami ngayon sa shool hindi naman kami mapaghihiwalay tuwing linggo dahil lahat sila tumanggap na sa Panginoon at nangakong habang nabubuhay sila hindi sila tatalikod sa Diyos na lumikha sa bawat isa sa amin... Sobra talaga akong nagpapasalamat sa panginoon dahil hinayaan nyang makasama ko ang mga batang toh sa huling tao ng buhay nila bilang high school students...

"ANd let's all welcome our Valedictorian this year Jerry Soon.."

Hindi na napigilan ng luha kong pumatak,, aakyat na ngayon ang isa sa Genius Boys na Seniors na ang tawag ng iba,, ang tatlong grupong nag isa sa tawag na Seniors ngayon ang isa sa kanila tatayo upang magbigay ng speech sa bawat teacher nya..

"Magandang hapon po sa inyong lahat, wow bago to sakin,, nangungupo na ako ngayon dapat bang magdiwang ang mga magulang ko dahil naging matino ang anak nila,, ang nanay kong pinagpalit ako sa ibang pamilya salamat pa din kasi kung hindi dahil sa inyo baka wala ako dito ngayon, Pero higit sa inyong lahat labis akong nagpapasalamat sa adviser naming kahit na sobrang nahihirapan na eh patuloy pa din kaming inaalalayan,, alam nyo Ma'am abegail Yen Francisco yan huh tinawag ko na kayo sa pangalan nyo , alam nyo kahit medyo isip bata pa kayo kesa sa amin, kahit na minsan ikaw pa ang gumagawa ng trouble , kahit minsan para kang gangster na tumutulong samin pag nasa away kami eh kayo pa din ang the best teacher in the whole world, kayo lang ang may tatak na BEST TEACHER EVER! " bakit ba nya ako pinapaiyak.... " Naniniwala na po ako ngayong lahat ng nangyayari satin ay hindi lang basta tadhana kasi hindi naman ako dati naniniwala sa Diyos noon pero dahil sa mga payo nyo at dahil na din sa mga ginagawa nyo naniniwala na po akong kaya namin kayo nakilala eh para mas magkaroon ng kabulohan ang buhay namin dito sa mundong ibabaw... Were so lucky to have you ma'am. Thank you din po sa Principal, salahat ng guro sa eskwelahang ito.... At syempre salamat sa lahat ng mga magugulo kong kaklase na nagbigay kulay sa buhay ko,, tinuruan nyo akong magpahalaga sa lahat ng bagay sa mundo, lalo na sa barkada at simula ng pagkaisahin tayong lahat ni Ma'am Abby wala ng Good Boys, Genius Boys maging Remaining Boys dahil tayo na ngayon ang Seniors na handang gumabay sa mga mas nakakabata satin kahit na hindi pa din natin maalis ang pagiging pasaway pero alam ko namang sa pagkaka isa natin magagawa nating mabago ang mga kabataan... AT itong medal ko para toh sa Teacher natin kaya buhatin nyo na yan papunta dito.."

♥ A Christian Teacher II ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon