••Abegail POV••
"Ouch•••••" napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit., dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata..
Pagmulat ko puro puti na ang nasa paligid ko,, pinipilit kong igalaw ang katawan ko pero hindi ko magawa.,, ano bang nangyari?? Wala manlang akong matandaang kahit na ano..
Ano ba toh??
Nasaan ako?.
Bakit ako nandito???
Bakit mag isa lang ako.???
"Mamaaaaa----- Papaaaaaa----- nasaan po kayo??"
May biglang lumabas na liwanag,, isang liwawag na hindi ko matitigan dahil sa sobrang liwanag nya..
"ABEGAIL-----'' isang napakagandang tinig ang aking narinig mula sa liwanag..
"Sino po kayo?? Asan po ako?? Bakit wala po akong matandaan na kahit na ano??"
"Sapagkat nasa langit ka na anak.,, isang lugar kung saan masasayang namumuhay ang mabubuting tao,, mga taong tumalikod sa mga ginagawa nilang kasalanan..."
"Isa po ba ako sa kanila???''
"Oo anak.."
"Andito din po ba ang mama at papa ko sa lupa??"
"Yang tanong na yan ay Hindi ko maaaring sagutin..Halika na upang makasama ang mabubuting taong nabuhay sa lupa..''
Pumasok kami sa isang napakagandang lugar,, ginto at pilak ang mga bahay at ang daming taong masasaya ang nakatira doon., may mga bahay din na Hindi pa natatapos...
May napansin akong kakaiba kaya agad akong nagtanong sa liwanag na aking kasama..
"Maaari ko po bang malaman kung bakit sinisira nung mga anghel ang napakalaking gintong bahay na iyon??" Sabay turo sa bahay.
"Yan ang bahay ni Mark Winston,, lumaking mahirap na humingi ng tulong sakin at nangakong gagawa ng kabutihan sa kapwa kapag sya ay yumaman,, ngunit kabaliktaran ang isinukli nya sa kanyang panalangin noon,, dahil sa kanyang pagyaman,, madaming tao ang naghihirap ng dahil sa kanya,, Hindi nya napapansin kung gaano nya ako pinapahalagahan dati,,ngayon kahit isang oras sa simbahan ay Hindi nya magawa dahil sa kasusugal.,, samantalang dati--- noong Hindi pa sya yumayaman kahit limang piso nalang ang pera nya ay ipinagkakaloob nya pa sa akin,, ngunit ngayon kahit piso Hindi na sya nagkakaloob,, yan ang bahay na titirhan nya dito kapag kinuha ko na sya,, pero dahil sa ginagawa nyang masama sa ibaba baka mawala na ng tuloyan ang bahay na iyan.."
"Ano pong mangyayari kapag tuloyan ng nawala ang bahay na iyon??"
"Hindi ko na sya makakapiling kahit kailanman.,, dun sya titira..." Ngayon ko lang napansin na may mga taong nasusunog sa ilalim ng inaapakan namin.,, nakakaawang mga nilalang,, nakakapagtaka lang dahil kahit sunog na sunog na sila, Hindi pa din sila namamatay...
BINABASA MO ANG
♥ A Christian Teacher II ♥
Espiritual♥A Christian Teacher ♥ BOOK II: The Royal Changes (Exodus 15:12) In your unfailing loved, you will lead the people, you have redeemed. In your strength, you will guide them to your holy dwelling. written by: rock_princesslight