ACT_2:Entry 27

124 8 1
                                    

*ERIC POV*


"Rick,,gising nah!!" Isang nakakarinding sigaw ng Kuya ko ang gumising sakin..

"Kuya... Ano bah!!" Nagmumukat mukat pa ako... Ng maramdaman kong may nagwiwisik sakin ng malamig na tubig sa mukha.

"Babangon ka ba or iuubos ko tong isang basong tubig sa mukha mo??" Napabalikwas ako ng tayo..

"Ano ba Kuya... Ang sarap pa ng tulog ko tapos magloloko ka pa.. Lingong lingo naman..."

"DI ba niyaya mo akong magsimba kasama ang teacher at mga kaklase mo??"

Naalala ko nga palang may lakad kami...napakamot nalang ako ng ulo.

"Maligo ka na at sabay na tayong kumain bago umalis..."

"Fine.."

Agad na akong nagbihis at after naming kumain dun na kami dumeretso sa Mall na malapit daw sa church ni ma'am Abby..

"Ayos lang ba ang itsura ko??" Pang ilang tanong na ba to sakin ni Kuya?? Akala ko ba sila na ni ma'am Abby?? Bakit para syang manliligaw pa lang.

"Kay ma'am Abby mo nalang itanong yan Kuya..., sampung beses na kitang sinagot pero parang wala kang naririnig..., Ma'am Abby gwapo na ba tong kuya ko??" Dahan dahang lumingon si kuya palingon sa likod nya ako naman hagalpak na sa tawa dahil wala pa naman si ma'am abby.

"Ikaw..." nang-gigigil nyang bigkas,, Kukutosan nya sana ako kaya nagtatakbo na ako papasok sa Mall at nakita kong nandun na lahat ng kaklase ko kasama si ma'am Abby at isang lalaki at isang matandang babae...

"Ma'am..." Napahinto naman si Kuya sa paghabol sakin..

"Hi Abby,, hello ma'am...." Ngumiti lang si maam Abby.,bakit parang may problema silang dalawa?? Itong nakaraang mga linggo halos Hindi sila nagkikita kahit nung nag stay kami sa school ng isang linggo ni Hindi ko narinig si ma'am Abby na may kausap sa phone.

"By the way Eric si mama nga pala and my friend Harvey..., dyan sa kabilang building ang church namin.. Thanks huh kasi sumama kayo., tara nah baka kasi malate pa tayo..."

Gagawan ko talaga ng paraan tong si Kuya at si ma'am abby na makapag usap,, ayaw kasi ni kuyang lumapit,, pilit na sumisiksik sa tabi ko,, hindi tuloy kami makapagbonding ng mga kabarkada ko..

"Kuya.., kung lapitan mo na kaya,,, may problema ka ba sa magulang ni ma'am??"

"Wala ka na dun.." pikon nyang sagot..., napatingin ako kay ma'am abby na tumatawa katabi ang kaibigan nya daw...

Lumayo muna kami kay kuya Ryan at kinausap ko ang barkada ko,, gagawan ko ng solusyon yang problema mo kuya,, ako ng bahala...

Pumasok na kaming lahat sa church ni ma'am abby,, sobrang laki,, tapos parang nakakapaso,, para kasing ang babait ng tao dito,, panay nakangiti kaya kami nakingiti na din,, si Kuya nalang atah ang malungkot sa lahat ng tao dito sa loob ng church...

"Try mo kayang ngumiti.." sabay siko sa kuya ko,, haist,, nakakalungkot din pala kapag may kasama kang malungkot,, nakakahawa..., ngumiti naman sya kahit pilit lang...

Nagkantahan sila ng nagkantahan,, para bang may concert dito,, pero ang gaganda ng kanta,, favorite ko na nga ataha ang *Give Thanks* medyo nakakapaso sya kapag kinakanta ng makasalanang kagaya ko,, pero nakakarefresh ng isip at katawan....

Ito po ang topic namin...::::

*Vision 2020*

John 15: 16

♥ A Christian Teacher II ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon