Chapter 21: Flashback

578 5 11
                                    

"I do remember you."

Paulit-ulit ang pagrinig ko sa sinabi niyang yun. Para bang nag-echo ang mga salitang yun sa isipan ko. Gusto ko siyang yakapin at gusto kong itanong kung anong nangyayari. Gulong gulo na ako.

Pero nabasag ang pantasya sa isipan ko nung may tumawag ng pangalan niya. Si Andrea. Napatingin kami sa kanya. Lumapit siya at hinawakan ang kamay ni Jeno.

Ngumiti si Andrea. "Babe, tulog na tayo?" 

Nakita kaya niya ang lahat kanina? Bakit patay-malisya siya? Anong gusto niyang palabasin?

Tumingin si Jeno sa'kin. 

"Liana, aren't you tired? You should rest. Mukhang di okay pakiramdam mo." Ang ganda ni Andrea habang nagsasalita. Nung sinabi niya sa'kin yun, nakaramdam ako ng kakaiba ng guilt. Fiancee niya nga pala ang EX ko.

Nalungkot ako sa sitwasyon namin ngayong tatlo. Sobrang awkward. Ni hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Muntik ko na nga makalimutang may sasabihin pala si Jeno sa'kin kanina. Na kailangan niyang ipaliwanag kung pano niya ako naalala.

Napagdesisyunan kong umalis at magpaalam. Naisip kong ako pala yung wala sa lugar. Na ako na ngayon ang  nanggugulo ng masaya nilang buhay. Ako na ang kontrabida sa pangarap kong love story.

Pumasok ako sa kwarto ko. Umupo ako sa kama at yumuko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Nilbot ko ang kwarto at pumunta ako sa balcony.  Umupo ako sa upuan at tumingala. Tinitigan ko ang mga bituin. 

Sabi nila, matagal na raw patay ang ilan sa mga bituin. Malayo lang daw talaga sila kaya yung liwanag nung mamatay sila, nakikita parin natin dahil kahit mabilis nga ang liwanag, inaabot parin ng ilang panahon para maging visible to sa paningin natin. 

Baka patay na nga ang bituing tinitigan ko ngayon at nakulong na ako sa nakaraan. Hindi kaya panahon na para ibang bituin naman ang tignan ko?

Biglang nag ring ang phone ko. Skype video call from Bea. Nakakapagtaka dahil bigla nila akong naalala. 

Pinunasan ko ang mata ko para makasigurong walang luha. Pinraktis ko ang ngiti ko. Ayokong magmukhang malungkot sa kanila. 

"Hi baby!" bati ko.

"Hi Ate! Happy birthday!" sigaw ni Bea. Nakasuot siya ng party hat. Tinawag niya sila Mommy at Daddy pumunta sila sa likod ni Bea.

"Thank you Bea, Mommy and Daddy. 12 am na pala. Nakalimutan kong birthday ko na." tumawa ako. 

Naging malungkot ang tingin sa'kin nila Mommy. Ngumiti naman ako para i-assure sila na okay lang ako. 

"Anak, mag-ingat ka dyan ha. Yung gamot mo. Ilang buwan ka na palang hindi umiinom ng meds mo." hindi ko mawari kung galit si Mommy o ano.

"Mom, okay lang ako dito. Wag kayong magalala. You should rest. Matutulog narin po ako." Binati ulit nila ako at nagpaalam narin.

Tinignan ko ang phone ko. 12:10 am, May 28, 2012, Tuesday.

Birthday ko na nga. Ito na ata ang pinakamalungkot na birthday ko. Mamayang umaga, magpapabook na ako ng ticket pauwi. Wala nang saysay ang pananatili ko dito kaya kailangan ko nang umalis.

Pumasok na ako sa kwarto at umupo ulit sa kama. May kumakatok sa pintuan. Bakit kaya ganitong oras? 

Binuksan ko ang pinto.

"Liana." ngumiti si Elizone sa harapan ko.

"Masaya ka yata? Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko.

"Tara, labas muna tayo." 

"Ha? Anong oras na oh, matulog ka na nga."

"Tara na kasi." hinila niya ang kamay ko.

Forget MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon