Ang sakit sa paa nitong heels na suot ko. Pero labag man sa kalooban ko, kailangan ko tong gawin. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, ito ang tama. Siguro wala na talaga ako sa tamang pagiisip. Gan'to ba talaga pag nagmamahal? Nawawala sa sarili?
Ang sikip pa dito sa pwesto namin. Hindi ko alam kung bakit ang sikip sikip ng pakiramdam ko pero parang medyo malaki naman ang space. Siguro nasasakal lang ako sa mga nakikita ko; ang ngitian ni Jeno pati ng Fiancee niya, ang maganda niyang damit, ang kagwapuhan ni Jeno at ang titig sakin ni Zone. Nakaka-uggh.
"Hey, we're finally here!" tumitig kaming lahat kay Jeno. Parang ang saya-saya niya. Nakakainis yung sobrang ngiti niya. Hay.
"Nasan na ba tayo?" binulong ko kay Zone. Umiling lang si Elizone, hindi niya raw alam.
"Nasa park tayo ng pinapagawa naming maliit na village. Gusto ko kasing makita niyo 'to dahil baka namimiss niyo na ang Pilipinas." ngumiti si Jeno.
"Saglit pa lang naman kami dito. Ikaw ba, di mo namimiss ang Pilipinas?" tanong ko.
Wala siyang ibang sinagot kundi ang magandang ngiti niya. Natameme rin naman ako pagkatapos. Ngumiti na siya eh.
"Gusto niyo bang maglibot dito?" tanong ni Jeno. Walang sumagot sa'min. Pero naglakad si Jeno palayo kaya't sinundan nalang namin siya.
Nung pumasok kami sa isang maliit na bahay, napansin ko ang isang gitara sa may living room. Tinitigan ko yun ng mabuti. Yun yung... yun yung gitara ni Elizone. Yun yung hiniram ni Jeno kay Elizone dahil tinugtugan niya ako. Bakit nandito yun?
Napansin rin siguro ni Elizone yung gitarang yun, pero hindi siya umimik. Isa lang ang naisip ko. May natitira pa ring mga alaala na galing sa nakaraan ang bagong Jeno ngayon. Pero para saan? Bakit? Ano bang nangyari?
"Oh." napalingon ako. Beer? Inabutan ako ni Jeno ng dalawang bote ng beer. Akala ko ba sasaglit lang kami dito? Ano ba naman 'to.
"Akin na yan." kinuha agad sa'kin ni Elizone yung dalawang bote ng beer. "Hindi ka pwede niyan." seryoso ang mukha niya. Ayoko sanang ibigay pero mukhang magagalit talaga siya kaya binigay ko na.
"Dude naman, isa lang yan. Strict ka palang boyfriend." tumawa siya. Boyfriend. Hahahaha! Baka boyfriend ko tong Elizone na 'to? Jeno, ano bang gusto mong palabasin? Haaay.
"Bawal siya niyan. Magkakaron siya ng palpitations. That's weird, hindi mo alam?" Elizone smirked. Napatahimik si Jeno saglit. Tinitigan ko siya ng mabuti. Gusto kong makita yung magiging reaksyon niya. Pero ngumiti lang siya. "I forgot." ngumiti siya. Bigla niyang inakbayan si Andrea.
He forgot? Ibig sabihin, alam niya? Ibig sabihin, may idea siya. Nakalimutan niya lang naman diba? Naguguluhan na talaga ako. Bakit ba ganito ang nangyayari? Nakakairita!
Naglakad sila papalayo ni Andrea. I was staring at them. They were so happy. Para bang ang daya dahil hindi naman ako naging ganun kasaya nung kami ni Jeno. Pero bakti sila, parang ang saya saya?
Ako ba yung may pagkukulang? Bakit parang kahit pareho lang naman yung trato ni Jeno sa'kin kay Andrea, bakit parang mas naging espesyal si Andrea? Bakit parang mas naging mas masaya si Jeno sa piling niya?
Nasasaktan na ako sa mga nakikita ko. Pero kailangan kong sanayin ang sarili ko. Yun nalang naman ang pwede kong gawin. Ang sanayin ang sarili ko sa sakit na nararamdaman ko. Yun nalang naman ang paraan. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hanggang sa di ko na napigilang tumulo ang luha ko.
Tumalikod bigla si Jeno. Tinitigan niya ako ng mabuti. Nagpaalam si Andrea na may kukunin siya saglit. Nagkakatitigan kami ngayon kahit sobrang layo namin sa isa't isa. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Kung may tinatago man siya, bakit kailangan, pati sa'kin?
Unti-unting lumalapit sa'kin si Jeno. Pakiramdam ko, may sasabihin siya. May dapat siyang sabihin. May dapat akong malaman. At kung ano man yun, buong puso kong tatanggapin. Kahit masakit. Tutal, sanay na naman ako sa sakit.
"Liana...."
Biglang may tumakbo sa harapan ko at niyakap ako. Tinitigan niya ako sa mga mata ko at hinalikan ako. "Liana, san ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap."
"Elizone?" nagulat ako sa ginawa niya.
Nakita kong unti-unting umatras at tumalikod si Jeno. Nakita niya ang lahat. At alam kong may sasabihin dapat siya. Pero hindi natuloy dahil dumating si Elizone.
Nang makalayo si Jeno, tinitigan ko ng mabuti si Elizone. Sasampalin ko sana siya pero napigilan niya ang kamay ko. Niyakap niya ulit ako. "Liana, sorry. I really had to do that."
"You had to do that? Anong ibig mong sabihin? May sasabihin dapat siya, Elizone. Hindi natuloy dahil sayo!" napasigaw ako.
"Calm down. Hindi mo gugustuhing malaman ang kung ano mang sasabihin niya, Liana. Alam ko yun."
"Alam mo? O edi sige, ikaw ang magsabi ng lahat sa'kin ngayon."
"Liana.... don't make me do this...."
"Ano ba talaga? Sabihin mo na."
"He hates you, Liana. He's doing all of these stupid things to annoy and hurt you. Naghihiganti lang siya."
"Anong ibig mong sabihin? Hindi niya gagawin yun dahil wala akong kasalanan sa kanya."
"Ikaw, wala. Ako, meron."
"What do you mean?"
"Hindi pwedeng sa'kin manggaling yun. I'm sorry. Binibigyan lang kita ng idea."
Nagisip ako ng mabuti. Hindi ko alam kung anong pwedeng nangyari at ganito nalang ang nangyayari saming lahat.
Napagdesisyunan kong maglakad-lakad sa paligid. Ang alam ko kasi, nakakatulong 'to sa pag-iisip. Haaay. Ano pa bang dapat kong gawin?
Isa lang naman ang alam ko. Na sobrang nasasaktan ako kay Jeno at Andrea at kailangan kong gawan ng paraan ang mga nararamdaman ko. Naiinis ako sa kasiyahang nararamdaman nila. Ayoko na munang isipin kung ano talaga yung sitwayon. Ang gusto kong malaman, kung pano ako makakapaghiganti kay Jeno.
Kung mahal talaga ni Jeno si Andrea, malamang, takot siyang mawala sa kanya si Andrea. Ano bang dapat kong gawin para mawala si Andrea?
*phone beeps*
1 message
From: Jeno
Dito na muna tayo magpalipas ng gabi. Room 032 yung room number mo. Go check it. Nasa tabi lang ng room mo yung room ko.
Naglakad ako papunta sa maliliit cottages. Nasa mini resort kami ng village. Hinanap ko kaagad ang room ko. Pag pasok ko ng kwarto, nag-ayos agad ako ng sarili. Gusto ko na kaagad makatulog pero hindi ko magawa. Lumabas ako saglit ng room. Nakita ko si Jeno tapat ng cottage niya.
"Mag isa ka lang?" tanong ko.
"Ah, yeah. Tulog na si Andrea."
"Really? Edi matulog ka narin."
"Di pa ako antok."
Hindi na ako sumagot. Tinitigan niya lang ako. Ngumiti naman ako. Yumuko siya at nagbuntong-hininga. Lumapit ako sa kanya.
"Hindi mo ba talaga ako naaalala?" bulong ko sa kanya.
"Hindi."
"Baka maalala mo na ako...." sabay hinalikan ko siya. Nakisabay siya sa halik at hindi siya tumigil. Hinawakan niya ako sa beywang. Hinabol niya ang hininga niya at hinalikan ulit ako. Hindi ko alam kung pano 'to ititigil. Siya na mismo ang gumagawa nito.
"I do remember you." ngumiti siya.
"Jeno?" pareho kaming napatingin sa likod namin.
"Andrea." biglang bumitaw si Jeno sa'kin.
BINABASA MO ANG
Forget Me
RomancePaano kung akala mo, perpekto na ang storya ng buhay niyong dalawa? Paano kung biglang isang iglap, kailangan niya ng magpaalam? At ang mas masakit... pinili niyang kalimutan mo siya. *This is somehow based on a true story*