Chapter 11: Pwede Rin Ba Tayo?

680 4 0
                                    

"Liana... gumising ka na. Hindi ka pa nagla-lunch.."

"Liana..."

"Liana..."

Hindi ko napansing nakatulog pala ako. Dahan dahan kong inimulat ang mata ko. Si Elizone pala yung gumigising sa'kin. Nasa tabi ko parin si Jeno. Pero tulog na tulog parin siya.

Umupo ako at umalis sa kama.  Dumeretso ako sa CR para maghilamos.

"Siraulo yung lalaki e. Nakasinghot ata yun. Look Dude ha, nung nasa prisinto na, hindi daw niya kami kilala. Nasan daw ba siya. The hell. Hindi ko alam kung tatawa ako o ano e." kay Lenard na boses yun. Paglabas ko ng CR, nandun na sila ni Edward sa couch. Nakekwentuhan sila nila Elizone.

"Liana, nandyan lang pala. Kumain ka na?" tanong ni Edward. Umiling ako.

"Kumain na muna kayo ni Elizone, dito nalang muna kami ni Ed." nakatingin lang kay Jeno si Lenard nung sinasabi niya yun.

Lumabas na kami ni Elizone sa kwarto. Tumingin ako sa paligid at panandaliang nagmasid. Tahimik ang hallway. Tunog Ospital, amoy ospital... nasa Ospital nga ako.

 "Zone, nagugutom ka na ba?"

"Hindi pa naman. Bakit?"

"Ayoko ng amoy ng ospital e. Gusto ko ng fresh air."

"Uhmm.."

"Hirap narin akong huminga dahil airconditioned lahat ng lugar dito."

"Gusto mo sa rooftop?"

"Pwede na siguro dun."

 Pinili kong mag elevator nalang kesa maglakad-lakad. Walang nagsasalita sa'min. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman... Basta ang alam ko, malungkot ako sa mga nangyayari.

 Nung nasa rooftop na kami, dumeretso agad ako sa gilid. Dinama ko ang hangin. Hindi na ako nagdalawang isip pang magsalita dahil sa kagustuhan kong mawala ang katahimikan namin.

 "Alam mo, ayokong nagiging dahilan ng mga bagay na ganito e. Ayokong nagiging dahilan ng kahit anong away, gulo o kahit anong klase ng sakitan. Kahit ilang beses sabihin ng kung sino man sa inyo na wala akong kasalanan, pakiramdam ko ako talaga ang dahilan e. Alam kong may kasalanan rin ako e. Pag ako yung dahilan, parang ako nalang rin mismo yung nanakit." tinititigan ako ni Elizone nung mga oras na yun. Tahimik ang paligid at hinihintay kong magsalita rin siya.

"Alam kong mahal ako ni Jeno, pero may mali e. Mali yata lahat. Masyadong mabilis yung mga naging desisyon ko. Hindi ko pa nga alam kung buong-buo na yung pagmamahal ko sa kanya. Mali ako. Mali nanaman ako." idinugtong ko. Ngumiti lang ako. Malungkot ang ngiti ko kaya hindi ko alam kung napansin ni Elizone yun.

"Minsan, yung mga maling bagay lang ang nakakapagpasaya sa'tin. Hindi lahat ng bagay kailangang maging tama." hindi ko tinignan si Elizone nung sinabi niya yun.

Onti-onti siyang lumapit sa'kin. "Alam kong mali 'to. Pero Liana... natakot ako noon." tinitigan ko yung mga mata niya. Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya.  "Natakot akong lapitan ka... natakot akong magpakilala. Pero Liana, ako yung nauna. Liana... mahal kita." itinulak ko siya papalayo. "Liana... please, makinig ka muna..." hinawakan niya ang kamay ko.

 Punong puno ako ng pagtataka. Bakit niya sinasabi sa'kin to? "Elizone... stop it. What are you talking about?" 

"Sana kahit kayo na... bigyan mo rin ako ng chance."

"What? Wait. Okay. Anong sinasabi mo?" itinakip niya ang hintuturo niya sa bibig ko. "Shh... Di ko kailangan ng sagot mo ngayon. Tara na."  Ang weird ng nararamdaman ko. Naging awkward ang lahat. Bakit ako pinagtitripan ng lalaking to? Parang wala lang sa kanya. Parang wala siyang ginawa.

Forget MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon