Chapter 8: One and Only You

692 3 1
                                    

Alam ko na talagang gusto ko na siya...

Isang panibagong araw. At tulad ng dati, dito na naman magsisimula ang panibagong chapter ng kwento ng buhay ko.  

Gumising ako ng may ngiti sa labi. Ang sarap sa pakiramdam na malinaw na ang lahat sa'kin. Yung tatlong salitang yun? Bumuo ng panibagong simula sa buhay ko. 

Nasabi ko na bang iisa pa lang ang naging lalaki sa buhay ko bukod sa ama ko? It's John. Ewan ko ba. Bunga lang naman ng kabataan ang lahat. Parang dahil sa inggit ko sa mga  

kaibigan ko, sinagot ko siya. Wala akong naramdamang kakaiba sa relasyon namin. Siguro dahil bata pa lang kami. Kaya hindi na ako sumagot ng OO sa kahit sino mang lalaki. 

Dahil alam kong walang kakaiba sa pag-ibig. Ngayon, alam ko na. Alam ko na ang pakiramdam ng mahalin ka ng tunay.

Naligo na ako at naghanda. Pag labas ko ng kwarto, wala paring tao sa bahay. Hindi yata umuwi sila Mommy kagabi. Mag aalmusal nalang muna ako at itetext ko na si Jeno. 

Pagkatapos kong mag-almusal, nanuod lang muna ako ng TV. Medyo maaga pa kasi para itext ko si Jeno. Maya-maya nalang siguro.

Oh crap. Si Elizone! Ano na kayang nangyari? Tumakbo ako sa tapat ng bahay nila. Naka-lock na ang gate kaya nag doorbell na lang ako. Bakit walang lumalabas na tao? 

Kinabahan na ako. Bakit ganito?

Biglang bumukas ang gate. Sino tong babaeng to? 

"Oh hi." bati ko. 

Ngumiti lang siya. Ang ganda niya at mukhang medyo mas bata pa siya sa'kin.  

"Hi." sagot niya. 

"Uhm.. Nasan... Nasan si Elizone?" 

"Oh. He went out early. Girlfriend ka ba niya?"  

"No. No... I'm not his girlfriend. Okay na ba siya?" 

"Ah..I see. Okay na siya. Pakisabi nalang na dumaan ako." 

She nodded and smiled. Mukhang siya yung tinutukoy ni Elizone sa papel na napulot ko kagabi.

"I wish I was in his place... I wish I had the guts before... Now I'm full of regrets. Because I don't have you by my side." 

Yeah. Great. Okay na pala siya. At mukhang okay narin sila.

"Boo!" 

Tumalon ata ang puso ko. Pag lingon ko, si Jeno na ang nasa harap ko. Sa sobrang gulat ko, medyo naluluha yung mata ko. Buti nalang at hindi nanikip ang dibdib ko. 

"Oh no. Sorry. Sorry Liana. Nakalimutan kong..." 

"Nakalimutan mong? Ano?" 

"Na magugulatin ka. Sorry." 

Akala ko alam niya yung tungkol sa puso ko. Kinabahan ako bigla. Pag nalaman niya kasi, baka lumayo siya.

Ngumiti lang ako at niyaya niya na akong umalis. Nilock ko muna yung gate at pintuan ng bahay namin saka ako sumakay sa kotse niya. 

And this time, oo, natupad na ang pangarap kong sumakay sa isang Lexus. Pero hindi ko alam kung bakit binubulabog parin ako ng mga nangyari kanina.  

Nasan na kaya si Elizone? Yung babaeng yun ba... Eh yung babaeng... Haay.

"Ayaw mo dito?" tanong ni Jeno. Hindi ko napansin na nandito na pala kami. Dito sa Gateway. Nakapark na pala ang sasakyan. Medyo lutang nanaman ako. Tama na, Liana. 

"Uh hindi. Tara na?" Ngumiti lang ulit ako at ngumiti rin naman siya. Kakalimutan ko na muna ang lahat dahil gusto kong maging espesyal ang araw na to. 

Forget MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon