I was left dumbfounded by our conversation. I was there, alone.... thinking of what to do. WHAT DO I DO? Ako lang mag-isa sa bahay. Hindi ko talaga alam kung bakit naiiwan akong mag-isa palagi. Wala na akong alam sa mga nangyayari. A week passed and nabuhay ako ng ganito. Ng ako lang magisa. Halos mabaliw ako... Kung hindi lang ako lumalabas sa park para makipaghalubilo, baka nabaliw na ako. Walang kumontak sa'kin para iinform sa nangyari kay Jeno. Maybe, palabas niya lang yun. Is he that desperate? Mukhang umuwi na sila Mommy pagdating ko galing sa park.
Bumaba ako sa sala at nakita ko si Mommy na kumakain.
"Mom, I have to go back."
"Where?"
"To Jeno..."
"What are you talking about?"
"Naaksidente siya... I have to go... I must see him."
Dali-daling tinawag ni Mommy yung driver at pinahatid ako sa QC. Nag sorry siya dahil hindi siya makakasama, may meeting daw kasi siya. Grabe, parang pakiramdam ko lahat ng tao, binabalewala nalang ako... But.... whatever. Ayokong isipin yun.
Susugod-sugod ako dito... Tapos naalala kong hindi ko naman alam kung saang ospital ko hahanapin si Jeno. Alangan namang suyurin ko lahat ng ospital dito para mahanap siya? At bakit ko nga ba siya hinahanap? Baka nga palabas niya lang lahat.
Tinawagan ko si Elizone. Hinanap ko sa kanya si Jeno pero hindi daw niya alam. Ano ba tong nangyayari? Pwede bang maging totoo tong mga to? May maaksidente bang hindi malalaman ng mga kaibigan niya? Palabas nga lahat... Palabas lang ang lahat.
Pumunta ako sa lumang bahay namin. Wala namang magagawa yung driver kung san ko gusto pumunta. Gusto kong magisip-isip. Ayoko ng nangyayari sa paligid ko. Naglalakad-lakad ako sa tapat ng bahay namin. Tumingin ako sa bahay nila Elizone, wala sila siya bahay nila. Nakalimutan ko na ngang itanong kung nasan siya. Bakit ko nga naman itatanong diba?
"Excuse me..."
Napalingon ako. Kilala ko tong babaeng to... Siya si....
"Shane. I'm Shane, I believe you've heard about me?"
"Uhm, yes a lot." Itatanong ko na ba kung alam niya kung nasan siya Jeno? Nag-aalala na ako pero... magiging wala ako sa lugar.
"Liana... Si Jeno...."
"Anong nangyari sa kanya? Hindi siya nagsabi ng kahit ano sa'kin. Wala na akong naririnig mula sa kanya."
"Pinapasabi ni Jeno na nasa America na siya..."
"B-but--he--told me he got into an accident." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pagkatapos ng isang linggo... kasal na sila?
"Actually.. No. Nasa America na siya ngayon at mamaya narin ang flight ko. Dun na kami magsasama." Kailangan niya ba talagang ipamukha sakin lahat ng to? Hindi man lang ba siya naawa?
"Uhmm... okay. Thanks for telling. Congrats."
"Thanks." I looked at her as she walked away. Yumuko siya. Naiinis ako dahil pagkatapos ng lahat, bakit parang siya pa yung karapatang malungkot? Bakit siya pa yung parang naaapi?
WHAT ABOUT ME?!
I slowly sat on the ground... hindi ko napansing umiiyak na pala ako. Nagpabaya ako eh... Natakot ako na baka kung ano na ang nangyari sa kanya dahil ang tagal kong nawalan ng balita tungkol sa kanya. Pero tingin ko... masaya na siya ngayon.
"MASAYA KA NA BA?" I shouted. Napatingin sa'kin yung driver at tinulungan niya akong tumayo. Sinabi niyang baka hinahanap na daw ako. Sabi ko, dalhin niya na muna ako sa Shang. Wala naman siyang ginawa.
BINABASA MO ANG
Forget Me
RomancePaano kung akala mo, perpekto na ang storya ng buhay niyong dalawa? Paano kung biglang isang iglap, kailangan niya ng magpaalam? At ang mas masakit... pinili niyang kalimutan mo siya. *This is somehow based on a true story*